"SOMEDAY THE WORLD WE'LL SEE MY WORTH"
Ito ay nakasulat sa isang comfort room ng isang pampublikong paalaran, na siya namang nakita nitong si Erwin. Si Erwin ay isang matalino at magalang na tao. Bilang ang kaibigan at maraming kaaway gawa ng kanyang talino at ugali. Ang kanyang talino ay walang kapantay, kapag may exam kayang kaya niyang makakuha ng perpektong marka at pagdating sa mga group project siya ang laging namumuno, matalas ang isip at mabilis umaksyon. Ngunit meron tayong kasabihan na walang perpektong tao.
Sapagkat may taglay siyang natural na galing, naging hadlang nga ito sa kanyang pakikisalamuha sa ibang tao, kahit nga ang mga kaibigan niya ay nahihirapan rin minsan na sakyan ang mga trip ni Erwin. Isa sa mga hindi nagugustuhang katangian ng mga tao kay Erwin ay ang kanyang pagiging perfectionist. Sabi nga ng kanyang mga kaibigan ay hindi mo raw lubos na kilala si Erwin kung d mo pa siya nakikitang magbigay ng opinion niya sa isang bagay. Kulang pa na ibigay niya ang sa tingin niya ay ang mas magandang paraan, kailangan pa niya itong lait-laitin. Animo ang nakasuat sa inidoro ay hindi niya pinalagpas, nakita niya ang maling grammar nito at nagsulat rin siya sa baba.
"IT'S WILL YOU IMBECILE! GO F*** YOUR COUSIN YOU DUMB S***! DON'T EVEN TRY TO SHOW YOUR FACE IN THIS INSTITUTION, YOU ARE A DISGRACE!"
Ladies and Gentlemen, ito po si Erwin. Isang nerd. Maraming nakakaaway ngunit hindi naman nagpapalupig. Sa kabila nang kanyang magalang na ugali siya ang meron puso at isipang bakal. Hindi siya ang taong gumagawa ng desisyon gamit ang moralidad, nagsisilbing hadlang ito sa kanyang lohikal na pagiisip.
Balik tayo sa pangyayari, matapos iwan ni Erwin ang kanyang opinyon sa comfort room ay agad siyang sinalubong nang kanyang kaibigan na siyang tinuturing nyang "Most Trusted Associate".
"ERWIN!" sigaw ng kanyang kaibigan
"Oy! ikaw pala pareng Marky. Anong balita natin diyan?" Tugon naman ni Erwin
"Eto... late na tayo sa klase natin"
Napatitig si Erwin sa kanyang orasan, lagpas na nang benteng minuto sa nakasaad na oras ng kanyang klase.
"Mader..." bulong ni Erwin
"Packer..." dugtong ni Marky
Nagmadaling nagsitakbuhan ang mga binata sa kanilang classroom. Wala nang iintindihin kundi makahabol sa discussion, recitation, quiz, activity o kung ano man ang ginagawa ngayon sa classroom. Ganyan nila kamahal ang kanilang pagaaral.
Ngunit sa pagmamadali ay nakabanga si Erwin ng isang dalaga, malakas ang pagkakabangga niya at parehas silang bumulagta sa sahig, ang dalaga ay may poise ang pagkalalaglag, si Erwin naman ay gumulong gulong sa sahig.
"ARAY KO P*** NAMAN!" Sigaw ni Erwin
Nang makabangon naman siya hindi naman niyang nalimutang tulungan ang binibini na nasa sahig parin.
"Sorry miss sa linguahe ko at....."
Napatigil si Erwin sa kanyang nakita. Isang nakakabighaning dilag pala ang kanyang nabangga. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin.
"Excuse me?? Hello? Earth to Whoever-you-are!" sabi ng babae
Ngunit wala man lang tugon si Erwin
"Ok..... see you later na lang" sabay nagmadaling makaalis ng babae. Natakot sa ka weirdohan ni Erwin
"Erwin ok ka lang?" Tanong ni Marky
"S*** pare, I think I'm in love" sagot ni Erwin