Chapter 1

5.9K 116 2
                                    

"Magandang umaga, haponesa!" sabay damba n'ya agad sa akin ng yakap bago bumeso.

"O-okay? Mukhang masaya ka ngayon, ah. Anong meron?" tanong ko agad nang makawala na ako sa yakap n'ya na halos lagutan ako ng hininga sa higpit.

Alam kong may magandang nangyayari sa kaniya dahil sa maaliwalas n'yang mukha ngayon at napakasayang awra. Pero nawiwirduhan na talaga ako sa babaeng ito. Parang kahapon lang umiiyak dahil mag-didivorce na ang parents n'ya tapos biglang ganito ang bubungad sa akin ngayong umaga?

Really?

"Naku talagang hapon ka! Siguradong absent ka na naman kahapon ng tanghali, kaya huli ka na naman sa balita, ano?" may mapanutya n'yang tanong na ikinataas naman ng kilay ko.

"And who told you that I was absent yesterday at noon? At kailan pa ako umabsent?" nakahalukipkip ako habang nakataas ang kilay na nakatingin sa kaniya at naghihintay ng sagot.

Ngumisi naman s'ya ng hilaw.

"Girl, hindi ka na talaga mabiro. Alam ko namang mabuting estudyante ka, eh. Pero talaga bang wala kang alam? Hello? Nasa likod lang kaya kita!" reklamo n'ya naman.

Nailing na lang ako. Walang patutunguhan itong walang kwenta naming pinag-uusapan.

"Ewan ko sa'yo. Tara na nga," saka ako naunang naglakad na ikinanguso n'ya.

"Katabi ko yung crush ko gaga!" sigaw n'ya ng makalayo ako.

Sus! Crush? Ilang taon n'ya na bang crush yung ungas na basketball player na 'yon? 2 years? Iba rin itong kaibigan kong 'to. Masyadong loyal, nahiya ang mga seryosong may jowa sa kaniya.

Cassidy Fernice is my bestfriend since the moment I stepped into this country. I had other acquaintances but I realize that I don't really need a lot of friends besides, I'm already settled and contented spending my time with Cassidy. We were both enrolled in the same university and I don't also need to seek or asked her whereabouts every vacant period dahil magkaparehas naman kami ng klase at schedule.  We both take architecture because we were both fond on arts and other stuffs that related to it. Since high school yun na ang pangarap naming dalawa at sabay namin yung aabutin nang magkasama.

"Eya!"

I heard her scream my name as soon as I stepped into our classroom. Some of our schoolmates turned to her way but some didn't care about it because they are too busy at their own business.

"Do you really need to scream out my name?" saway ko agad sa kaniya nang makalapit na sa kinaroroonan ko.

"Pasensya naman, iniwan mo kasi ako, eh," nakanguso n'yang sabi. Hinampas ko nga. "Ouch! Ang sweet mo talaga," she said sarcasticly and pulled me into our seat.

"Syempre mahal kita," sabi ko nang makaupo kami.

"Oo nga, sa sobrang pagmamahal mo ang sakit na," the sarcasm was still on her voice which I just smiled at.

Suddenly everyone was silent as the three sophisticated ladies just arrived.

"Gosh! Bakit pa kasi may mga pangit na nerd ang naka-enroll sa elite school na 'to? Lalo na rito sa classroom. Umaga pa lang sira na ang araw ko," rinig kong sambit ni Alissa.

POSSESSIVE SERIES 2: THE NOTORIOUS HEARTBREAKER (EXCLUSIVE ON DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon