"Don't think about any stupid things. I choose to seat here because I have no choice," masungit agad n'yang sabi nang mapansing nakatingin ako sa kaniya dahilan upang ikinataas ng kilay ko.
Ano namang pakialam ko? Saka, he doesn't have any choice, huh? Eh may bakanteng upuan naman sa harapan bakit ayaw n'ya doon at dito piniling umupo sa likuran? Saka, ayaw n'ya pa yun magkalapit sila ng upuan ni Alissa? Ibang klaseng boyfriend, matapos makipagtalik ayaw tumabi?
"Wala naman akong sinasabi bakit parang defensive ka yata?" mataray kong tanong rito.
Aba! Sino ba namang hindi? Makikiupo na lang nga magsusungit pa s'ya? Huh! Ibang klase talaga!
"Malay ko ba kung iniisip mong may gusto ako sa'yo kaya ako umupo rito. I was just clarifying things at baka maglupasay ka na lang sa kilig riyan dahil tumabi ako sa'yo," he tilted the side of his lips giving me a mocking smirk. "And for your information, hindi ako pumapatol sa pangit but as I can see, hindi ka naman ganun ka pangit. Sakto lang. Pwede na ring pagtiyagaan."
Fuck!
Ako?! Pwede nang pagtiyagaan?! Really? Akala n'ya ba papatol rin ako sa bukod sa sobrang yabang at mahangin n'ya ay kung saan-saan lang nakikipaglaplapan? Huh! In his stupidest dreams!
"Alam mo, Mr. Zayden Klien. Pangit lang ako pero may standards rin naman ako pagdating sa behavior ng lalaking dapat pag-aksayahan ko ng oras ko. At isa pa, hindi kita type. Tss," saka ko s'ya inirapan.
Huh! Ano ka ngayon?
Napansin kong napatingin sa direksyon ko si Cassi na nakataas ang kilay na ginatihan ko rin. Ano na naman kaya ang iniisip ng babaeng 'to at kung makataas ng kilay akala mo may atraso ako? Aba! Nahawaan na ba siya ni Alissa na kanina pa masama ang tingin sa akin?
At itong Alissa namang 'to kung makatitig akala mo papatayin na ako. Jusko day! Hindi ko aagawin itong Adonis na manyak naman, ano! Iyong-iyo na itong boyfriend mo! Tutal magkalahi naman kayo! Hindi nga lang kayo bagay, siya kasi mukhang anghel na may lahing demonyo eh, ikaw? Mukhang pinagsakluban ng langit at lupa. Psh!
"Really huh? Maraming nagkakandarapa sa akin, are you really sure that you're not one of those desperate girls who throw themselves just to have me?" he said as he eyed me from head to toe. Inaasar ba ako nito? "At ako? Hindi mo type? Malabo na ba ang salamin mo? Sa gwapo kong 'to?" sabay turo n'ya sa mukha n'ya na hindi makapaniwala.
I rolled my eyes as I crossed my both arms and stared at him. Oo, may ibubuga nga s'ya pero hindi ko s'ya type! As in no, not even close.
"Mister, huwag mo akong yayabangan. Hindi porket gwapo ka at mala-adonis ang pagkatao mo eh, lahat na ng babae mapapangit man o maganda ay makukuha mo na sa isang ngiti lang," mataray kong sambit as I eyed him from head to toe and raised my brows when I shifted my gaze at him. "You're a good looking man I won't deny that fact but I'm sorry to pulvurize your imagination dahil hindi ako tanga at desperada katulad nila para lang magkandarapa sa isang katulad mo. Sineswerte mo yata tsong!"
"Then let's see. One of these days, maaakit ka rin sa akin, keep that in mind Miss nerdy playing hard to get," he smirked mockingly that made me rolled my eyes to control my temper not to burst out in annoyance.
"Whatever! Wag mo nga akong kausapin," saka umayos ng upo at hindi na s'ya pinansin.
Wala akong panama rito. Masyadong mahangin ang isang 'to. Wala yata sa bukabularyo ang salitang 'give up' eh. Kung hindi lang talaga ako kukuyugin ng mga babaeng baliw at desperadang fangirls niya lalong lalo na sa bitchy Alissa and friends na yun ay kanina ko pa inupakan ito nang matauhan kahit konti. Letse! Ang landi! May girlfriend na't lahat lahat nagagawa pa ring manglandi! Ibang klase!
![](https://img.wattpad.com/cover/196051122-288-k858375.jpg)
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE SERIES 2: THE NOTORIOUS HEARTBREAKER (EXCLUSIVE ON DREAME)
Romantik{ Warning: Some chapters of this story will be consisting mature contents. Read at your own risk. You've been warned. } "I would like to think that I am over you. I'd like to tell people that I am. Sometimes, I even convince myself that I am when th...