Chapter 5

1.4K 34 12
                                    

At first, I thought finding a part time job is an easy thing to do especially when you're a student like me who needs it very much. But fuck this mindset!

Ilang oras na ang lumipas at wala pa rin akong mahanap na trabahong pwedeng magpart-time dahil maliban sa regular ang gusto nila, eh puno naman yung iba.

Hindi ko inaakala na ganito pala talaga talaga kahirap maghanap ng trabaho lalo na sa mga estudyante na katulad ko. I really salute those people who can manage to walk all around the whole city of manila under the sun just to find a job in a whole fucking day without giving up. Mamamatay yata ako ng maaga kung ako. Halos sumuko na nga ako na ilang oras pa lang naghahanap ng pwedeng pag-part-time-an. Nakakapagod kayang maglakad sa ilalim ng mainit at tirik na tirik na araw. Tiningnan ko ang relong pambisig ko at nakitang mag-aalas kwatro na pala ng hapon. Takte! Mag-aalas kwatro na pero mainit pa rin. Mag-aapat na oras na rin akong naglalakad pero wala pa rin akong mahanap. Siguro hindi lang ako swerte sa araw na ito. Sa weekend ko na lang siguro ipagpapatuloy ang paghahanap baka sakaling may matiyempuhan ako kahit waitress o kargador ay papatulan ko.

Kailangan kong kumayod para sa pang-araw-araw kong gastusin sa bahay at sa school.

Papara na sana ako ng tricycle para umuwi sa bahay at magpahinga nang may babaeng bigla na lang lumapit sa akin. She's cute wearing a maid outfit pero nawiwirduhan lang ako dahil wala naman kami sa Japan para magsuot ng ganyang klaseng damit. O baka naman may cosplay competition dito? Pero impossible naman dahil may dala dala siyang poster.

Baka may concert?

"Hello Miss. Naghahanap ka ba ng part-time job?" tanong nito sa akin na ikinakunot noo ko at tumango lang bilang sagot.

Wait, manghuhula ba siya? How did she know?

"Oo, bakit?" tanong ko.

Ngumiti naman s'ya sa akin saka s'ya nag-abot sa akin ng isang poster. Yung maliit na poster na ibinibigay ng mga taong nagrerecruit ng mga employees? Ganern.

Inabot ko naman sa kaniya iyon at saka pinagkakatitigan ang nakasulat.

"Wanted part-time/regular waitress in Mikasa Latte.
Regular: 7:00am-7:00pm
Part-time: 4:30pm-7:00pm
Salary:
Regular: 6,000/15days
Part-time: 3,000/15days

Call: 095543*****
Thank you!"

"Naghahanap kami ng regular or part-time waitress, baka interesado kang mag-apply, tawagan mo na lang ang number na nariyan. Wag kang mag-alala, hindi naman ito scam. Urgent lang kasi talaga yan dahil dumarami ang customers at—"

"Mag-aapply ako," putol ko sa mahabang litanya nito na ikinatigil naman niya. "Mag-aapply ako as part-time."

"Ngayon na?" paninigurado n'ya. Tumango naman ako bilang sagot na ikinangiti naman n'ya ng matamis. "Okay, tara sa coffee shop."

Nauna siyang maglakad kaya sumunod naman ako.

I took a deep breath as I composed myself while following her. After a few minutes ay tumigil na agad kami sa isang hindi ordinaryong coffee shop hashtag kainan na feeling ko talaga ay ngayon ko lang nakita dito sa pilipinas. I was really amaze on the ambiance of this place. This Mikasa Latte surrounds a different kinds of roses that represents as an attraction for the costumers. The waitresses are wearing a maid costume just like what this girl I am with.

Damn! Para akong nasa anime!

"Welcome to Mikasa Latte!" masayang untag n'ya saka ako hinila papasok.

Pagkarating namin sa office ng may-ari ay abot-abot ang kaba ang naramdaman ko. Paano ba naman, may interrogation pa pa lang magaganap bago sila mag de-desisyong ipasok ako o hindi. Sana pala tinanong ko muna s'ya kanina nang makapaghanda naman ako ng isasagot ko kahit papaano.

POSSESSIVE SERIES 2: THE NOTORIOUS HEARTBREAKER (EXCLUSIVE ON DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon