The Bully Queen

539 11 0
                                    

ARIESA'S POV

Fifteen minutes matapos kong magtatakbo palayo sa cafeteria ay nagdecide na kong pumunta sa discipline office. Makikita ko na naman si Ms.Ching at award na naman ako neto miski wala naman akong kasalanan.

Suki na ko ng discipline office dahil sa dami ng nangyare sa school dahil sakin.Di ko na matandaan kung ilang beses ako napunta dito.

Kung uso nga lang famous dito sa university namin e baka nangunguna na ko. Famous sa kalokohan at famous sa sobrang kadaldalan pero ibahin nila ko sabe nga ni  Sir Dimauga beauty and brain daw ako. Sino pa bang mang uuto sa sarili ko?E di ako din self support kung baga.

Kaya tips mga girls palage nyong iisiping maganda kayo.Ngumiti ka lang sigurado mamatay lahat ng kalalakihan sayo,di lang dahil maganda ka pero baka kasi bad breathe ka wahahahhaha charot. Sorry na beh , nagjojoke lang naman ako.

At eto na nga nadito na ko sa Discipline office. Kapit lang AM kaya mo to ilang beses mo ng nagamit dito ang ninja moves mo. Agad kong binuksan ang pintuan at medyo naguluhan pa ko kasi nadito din yung tatlong bespren ko.

" AM pumasok ka sa loob isama mo na yang mga tropa mo at wanted ka na naman, ano bang pumasok sa kokote mong bata ka at pati si Mr.Liz binully mo?" Tanong agad sakin ni Sir Dimauga 

Tinignan ko lang sila, katabi nya ang digital karma ko na hanggang ngayon ay nakairap  pa din

"Tatay wala po akong kasalanan, alam mo namang di ko ugali yung mang away ng tao. Bakit ba ko nandito tay?" Lambing ko kay Sir Dimauga

Ganito kasi ako pag may atraso sa prof kong to , tinuring nya na kasi akong anak kaya naman bihira nya kong pagalitan. Kilala nya naman kasi ako,at alam nyang di ko ugaling manakit ng tao.Ewan ko ba kung anong trip ngayon neto ni Sir at pinapunta na naman ako dito sa DO.

" Delaying tactics Miss?" Tanong nung naglalakad kong karma

"Tay pasok na po ako, ipagdasal nyo po ako at ang mga internal organs ko" Biro ko pa kay Sir Dimauga bago ako tuluyang umalis at di na sinagot yung naglalakad kong karma

  

" Team lets do this kapit bisig mga kapatid" sigaw ko pa sa mga tropa ko para mawala ang tensyon kainis kasi parang pag nandito tong si Mr. Liz A.K.A naglalakad kong karma , ay parang may signage na nakadikit sa kanyang nagsasabing -- BABAGSAK KA DI KA GRAGRADUATE AKO ANG IYONG KARMA, MAY YOU ROT IN HELL LITTLE KIDDO.

Ano ba tong naiisip ko? Grabeng imagination to malapit ko ng madaig si spongebob e.

" AM , Ano ang atraso mo?" Tanong sakin ni Trisha

" Pupusta kong napagdiskitahan ka na naman at di ka na naman nanglaban noh?" Sabat naman ni Gabe

" Lintik talaga yan si Mikaela e sarap pakuluan ng litid nyang sobra sa kakatihan galit na galit sa magaganda e" Galit na salita ni Angelo

" Bakit ba may mga ganyang tao  galit na galit miski wala ka namang ginagawa sa kanila?" Tanong ulit ni Trisha.

" Chill guys gragraduate na tayo oh, tara na tapusin na natin ang drama ni Mikaela na bida sa pabebe chronicles" Sagot ko naman para mapagaan ang mood namin lalo

Maganda naman to si Mikaela.Matangkad sya, maputi, at sexy. Pag eto nga pumapasok sa school e mapapaisip ka kung bar ba to o school e. Alam ko uso ang sexy fashion ngayon pero di ba  school to at di naman rampahan pero ganun pa man wala namang pakielaman " college na nga daw kasi".

Ang di ko lang magets e college ang hubugan nating mga students para maging professionals pero bakit inaallow yung mga ganun? Tapos eto pang si Mikaela isama mo pa yung like girls nya na pusa di makapagsalita ng isang sentence na walang nababanggit na like ay magaganda naman pero galit na galit sa mas maganda.

Kaya siguro galit sila sakin -- self confidence AM.

Pagpasok namin sa discipline office ay nakita ko agad si Mikaela kasama nung mga barkada nya, at yung totoo may hinala akong nagpapart  time sila sa funeraria lakas makahalloween effect nung make up e.

" Pakipaliwanag ang nangyare ARIESA MAVERIE CRUZ" Salita agad ni Ms.Ching pagpasok ko pa lang ng opisina nya

" Maam ano po bang ipapaliwanag ko? Yung nakita ko kanina o kung bakit ako nandito?" Pang uurat ko pa kay Ms, Ching

" Sige delaying tactics pa babaeng walang boobs" singit naman ni 

" Uy offensive na yun ah, wag kang singit ng singit Mikaela miski mukha kang singit" Sagot agad ni Gab

" Mikaela , can you just talk to the maggots? Tell them to teach you some manners , college na di pa alam na masamang nakikiepal" iritadong sagot sa kanya ni gelo

" Una po maam di ako nagkakape bawal po sa akin, pangalawa sa strawberry shake lang po ang loyalty ko kaya po hinding hindi ako bumilbili ng kape" 

" Lets end this Ms.Ching , wag mong pag initan si AM dahil lang pamangkin ng boyfriend mong gym instructor yang si Mikaela na bida sa pabebe chronicles. End this madam or else i will tell this to my Dad im so sure you dont want that to happen? Tara gym na lang po hahahhaha" sabat ni Trisha

" Lets go guys, iwan na natin ang mga tyanak at ang pinuno nilang tikbalang" salita naman ni gab

" Sige lang ipagpatuloy nyo yan. The BULLY QUEEN AND HER GANG HUH?" sagot ni Mikaela 

Napakamot na lang si Ms.Ching sa batok nya.

" Dont mess with the royalties Mikaela, kami ang Bhosxz dito.Di ba Bhosxz AM_Crime LoCkA?" natatawang sagot ni Trisha.

Lumabas kami ng office at agad na pumunta kay Sir Dimauga.Pero bago pa naman ako makapag salita ay nagsalita na si Tatay

" Go on a lunch date with Mr. Liz Ariesa excuse ka na sa subject ko"

Hala .. bakit ako pinagkanuno ni Tatay? End of my career na ba?

AM - DATE - DIGITAL KARMA

MAMAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA. UWE

When the naughty student met the terror professor.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon