'Wonder pets

412 5 2
                                    

" I know this place is not a beach, but then lets have some BITCH PARTY"

Same old him.

His smile, his dark brown hair , that dimple on his left cheeks , and that s sexy tattoo on his collar bone. How come that after all this time i still havent forget all those little things? Maybe this is part of the fall, but the sadest part is that i fell inlove alone.

Bakit ganun? Ang tagal na mahal ko pa din sya?Parang gusto ko ng magsising nakilala ko pa sya, kasi hanggang ngayon di pa ko nakamove on.

Oh ano AM? Di ba sabe mo kaya mo na kapag nagkita kayo? Di ba bebeso ka sa kanya tapos sasabihin mong " Kamusta ka na?Long time no see ah, jam tayo minsan fre" pero wala natunaw ako. Yung feeling na gusto ko pa din sya matapos nya kong iwan ng walang paalam.

I wonder how does it feel kapag nakipagbreak sayo yung boyfriend mo, di ko kasi naranasan wahahahhahahha.Ayoko na , so what kung bumaik sya?Di naman ako yung binalikan e #BoomIyak

Nagdecide na lang akong puntahan si Gab, naku baka naiinip na yun. Pinunas ko yung mukha ko, kainis bakit ba ko naiiyak sa taong iniwan ako ng walang paalam? 

Nawaglit lahat ng iniisip ko nung naalala ko yung 2 set ng pasta at strawberry shake, nagutom ako bigla. Gutom lang pala ang makakapigil sa pagdradrama ko, nagtataka nga ko kung paano nagagawa ng iba na di kumain kapag broken hearted nakakagutom kaya. Yung katotohanang naiwan ka na nga tapos gugutumin mo pa yung sarili mo, dont let the world punish you too much.

Malapit na ko sa canteen ng makita ko si Marco naglalakad mag isa. Napalingon sya sa side ko, naku buti na lang okay na yung itsura ko tatanungin lang kase ko neto kung anong nangyare at sigurado akong iiyak lang ako kapag tinanong ako.

Maybe its some sort of us girls na kapag lalo mong pinapakalma lalo kameng naiiyak, yung kapag tinanong kung anong problema yayakap na lang tapos iiyak #gawaingbabae hahahha

Lumapit agad sya sakin ng nakangiti. Ang gwapo naman neto pero di ko talaga nagugustuhan, ganun ata talaga we always want the thrill of chasing someone. Yung parang ang saya kapag nakuha natin yung pinaghirapan natrin, di na baling masaktan basta makuha yung gusto mo.

Matangkad si Marco mga 5'8 ang height tapos maputi at maganda ang built ng katawan, sya yung typical hearttrob sa university. Im not blind not to notice na matagal nya na kong gusto nakailang basted na nga ko e.Siguro magkasing tigas kami ng ulo neto at parehas kaming nagmamahal sya sa akin at ako kay Choy

" AM set ka mamaya sa Balay Bistro Miss ka na ng crowd " nakangiti nyang bati sakin

" Sige fre set ako mamaya pumunta ka ah all drinks on me " 

" Sige fre sxzshMAHALPADINKITAshsdl,n dcmsw" 

" Huh ano pre? Nag-alien language ka na naman ah" natatawa kong sagot sa kanya.

Masaya kong di nya ko iniwan miski ilang beses ko na syang nireject para bang 
Kahit ilang beses ko na pinaramdam na hindi pwede nakakatuwa pa din sa pakiramdam na alam kong mahalaga ko sa kanya.

Ayaw kong maging plastik at sadista sa kanya, dapat kasi pag walang pag asa wala na talaga. Wag natin dagdagan ang hopia population, nagpaasa ka na pinagmukhang tanga mo pa

Pero wala may mga tao talagang trip na trip i-torture yung puso nila,Sa bagay lahat naman tayo nagiging tanga pag nagmamahal na.Hindi ba nakakapagod na palaging one-sided love na lang? May possibility namang mahalin ka nya e, minsan nga lang mas mataas yung chance na hindi.

When the naughty student met the terror professor.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon