Hitting the terrorist

622 6 7
                                    

" Wag kang pupunta sa gera ng wala kang dalang sandata"

Nakita kong nakasulat sa isang papel na naiwan sa mesa kong inuupuan dito sa cafeteria. Isa na ba tong pangitain? "Lord alam ko po makulit at ubod ng daldal ako.Pero gusto ko na po talaga grumaduate, kailangan daw po ng madaldal sa trabaho Lord marame pong nangangailangan sakin sa industry" daldal ko pa habang nagdadasal.

Minsan nga napapaisip na ko e nakukulitan kaya sakin si Lord? Pero mukhang effective naman ang pangungulit ko kasi regular student pa din ako at gragraduate na sana this sem.

Tapos parang nag echo sa utak ko yung sinabe sakin ng dean namin. Natakot ako bigla, for the first time in my college life ngayon lang ako natakot ng ganito. Yung mga student kasi na napipili para maging assistant ay binabantayan maige bago grumaduate. Sila yung mga nakikilala ng professors at pinag iinitan din. 

" Digital ang karma te" nakasulat naman sa damit nung nakasalubong ko habang palapit ako para kunin yung order kong shake sa paborito kong stall dito sa cafeteria namin ng

"Shit, basa na yung damit ko" Sigaw nung lalaking nasa harap ko.

Di naman ako yung nakatapon ah pero bakit lahat sila nakatingin sakin? Oh attention is pouring hard on me Hhaahhahahhaha. Lahat na ng emosyon ay nakita ko na sa mga babaeng nakapaligid sakin.

Andito din si Mikaela yung kaklase kong kamukha nung impaktitang step sister ni Cinderella at may hawak syang cup ng coffee.

Coffee - basa - baso - mikaela

Hala bakit di ko madigest ang mga nangyayare?

BIglang dumating si Mr.Dimauga out of nowhere, ay lakas naman makamovie ng eksena namin at mukhang alam ko na kung saan ang bagsak ko sa tingin pa lang ni Sir.

Lalo nya kong tinaliman ng tingin ng makita kung sino ang nabasa.

" Ang gwapo shet"

" Boom sabog ovary ko te"

" Hala yung fallopian tube ko beh nabuhol , sakit nya sa puson huhubells"

Marami pa kong bulung bulungan na narining. Di ko kasi makita maige kung sino yung nabasa, wala kong suot na salamin ni lens man lang.

Dahil wala naman akong pakielam at nagkataon lang na nandito ako ay nagpasya na kong umalis .. pero bago pa man tuluyan akong makalapit sa stall para kunin yung strawberry shake ko ay naghisterical na yung lalaking nabasa.

"  Hindi ka man lang ba magsosorry? Ganyan na ba yung mga babae dito sa pilipinas? Walang pakielam sa atraso nila?" sigaw nung lalaki

" Ikwento mo hinaing mo kay Madaam Charo baka may pakielam sya sa nararamdaman mo" sigaw ko pabalik

" AM -- ARIESA" Singit ni Sir Dimauga

" Please see me at the discipline office, ikaw din Mikaela" naiinis pero natatawang salita ni Sir Dimauga

" Sir wala po akong kasalanan , si AM po kasi bully" salita naman ni MIkaela

" Sir, ako pa ba bully? Sa itsura kong to?"

" Sir wag mo naman pag initan yung babe ko" Di na ko nagtaka kung sino yung nasa likod ko si Nico to for sure bwiset na buhay ko to.

" Sige magharutan pa kayo , kilala nyo ba kung kanino kayo may atraso?" Tanong ni Sir ulit.

" Sir para naman po tayong Binibining Pilipinas dito Q&A lang palage?" pabiro kong sagot

" Just so you know this is Mr. Liz ang bagong engineer sa Engineering faculty, Now you two proceed to the discipline office.

" Mr. Liz?" pabulong kong sinabe at pinanlakihan sya ng mata

Mukhang digital nga ang karma at eto na sya nasa harap ko nakairap pa

" Sooooooooooooooooooooooorry po" sambit ko bago nagtatakbo palayo sa malupit na paningin nya.

 Im now hitting the terrorist and before i knew it , the gun is already hitting my head so hard.

When the naughty student met the terror professor.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon