Prologue

7 1 0
                                    

Ikaw 'yung taong hiniling ko na sana hindi ko na lang nakilala.

Paano ba naman kasi? puro gulo na lang ang dala mo. Sa dami ba naman kasi ng taong puwedeng mahigit at mahingian ko ng tulong, ay ikaw pa ang nabingwit ko.

Masaya naman 'yung buhay ko, normal lang kahit medyo mahirap kailangan kayanin kasi hindi lang naman sarili ko ang dapat intindihin ko, kasi kailangan din ako ng nakababatang kapatid ko.

Kung hindi lang sana umieksena 'tong kupal na 'to at ayaw ako tigilan sa pangsusuyo na hindi ko naman kailangan sa buhay ko, ay hindi ko makikilala ang isang tulad mo.

"Puwede bang tigilan mo na ako? Kung ayaw mong masapak ka nitong boyfriend ko" pagmamalaki ko habang nakahawak ng mahigpit sa braso mo.

Hindi ko naman alam na sa labis kong paghahanap ng solusyon para tumigil na siya sa akin ay kailangan ko humigit ng estrangherong lalaki para ipakilalang jowa ko.

Akala ko pagkatapos nun mababawasan na kahit papaano yung problemang iniisip ko, pero nadagdagan pa lalo ng dahil sayo.

Pero ano pa nga bang magagawa ko? kahit papaano kasalanan ko rin ito, kasi humigit ako ng taong kahit kailan hindi ko pa nakikilala sa buong buhay ko.

Sobrang mali talaga ng ginawa ko, paano ko mapapaniwala itong kupal na 'to, kung sobrang cold at hindi marunong umarte ang isang tulad mo?

May papatunguhan pa ba ito? Kasi kung oo, baka puwede ko pang magawan ng paraan para mapalambot ko 'yang matigas mong puso, at mapaniwala siya na ikaw nga talaga ang boyfriend ko nang sa ganoon ay tumigil na siya at babalik na akong muli sa normal na buhay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Melting your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon