C H A P T E R - 048

2.5K 105 31
                                    

Ian's POV

"Ano? Anong ibig niyong sabihing nawawala?" Sir Luis vented. Nagtataka itong tumingin kay Akie at dumako ang tingin nito sa akin.

"P-Pasensiya na po, sir Luis. Ka... Kasalanan po namin. Naging pabaya po kami sa pagbabantay kay Alexis..." I fidgeted my fingers out of shame.

"... Pero tutulong po ako sa paghahanap. Responsable rin po ako sa nangya---"

"It's okay." Bumuntong hininga ito at bahagyang napapikit. Hinilamusan nito ang mukha gamit ang mga palad. I could tell that sir Luis is frustrated as is. Nakakahiya dahil dumagdag pa sa problema niya ang pagkawala ng anak. "Just wait a second." Tumalikod siya at tila ba may tinawagan.

Napayuko ako dahil sa kahihiyan. I could feel the heat forming at the side of my eyes. I blinked to stop my self from bursting into tears.

It's my fault.

Kung hindi lang sana kami tumagal sa loob ng banyo hindi mawawala si Alexis. Bakit ko pa kasi nagawang halikan si Akie kung pwede ko naman sanang sabihin na binibigyan ko na siya ng pagkakataon. Ang tanga-tanga ko. Hindi ko na sana pinatagal pa 'yung pag-uusap namin dahil alam ko naman na may bata na naghihintay sa amin.

Ngayon, nawawala si Alexis. Saan namin hahanapin 'yung batang 'yon eh halos libutin na namin 'yung paligid ng lugar kung saan kami pumunta. Halos tatlong oras na kaming naghanap sa buong paligid. Pero 'di naman namin siya makita. Parang bula na nawala, halos wala ring marka kung saan siya nagpunta.

Kasalanan ko 'to, kung naging responsable lang sana ako. Hindi sana mawawala si Alexis.

Nag-aalala ako sa batang 'yon. Mamaya kung ano na 'yung nangyari sa kaniya. Mamaya napaano na siya. Paano kung may nakakita sa kaniya tapos kinuha siya. Paano kung---

Naramdaman ko na lang 'yung malaking kamay ni Akie na pumisil sa mga nanginginig kong kamay.

"Stop overthinking. It's not your fault." Akie whispered. Tumingin ako sa kaniya at nakangiti itong tumitig sa akin.

Pinahid ko naman gamit ng palad ko ang luha na nagbadyang tumakas mula sa mga mata ko.

"It is, Akie. I knew I should've checked Alexis by the time we left hi--"

"Shh, Ian. I said don't overthink. You don't have to worry. We'll find Alexis in no time. Just please don't blame yourself." Iniharap ako ni Akie sa kaniya. Hinawakan nito ang magkabila kong pisngi at bahagyang yumuko upang halikan ako sa noo. Ngumisi ito nang makita ang pamumula ng magkabilang pisngi ko.

"Err... Ehem!" Rinig ko ang pagtikhim ni sir Luis. Mukhang nakita niya 'yung ginawa ni Akie. Mas lalo tuloy akong nahiya. Pero itong si mokong hinila pa ako palapit sa kaniya at inilagay ang kamay niya sa bewang ko at inihapit ang katawan niya para mas lalo kaming magkadikit.

Tinitigan ko siya nang masama pero tanging ngisi lang ang isinukli nito sa akin. Mukhang nag-e-enjoy siya ah.

Ayos talaga, nakuha pa niya akong asarin sa gitna ng pag-aalala ko kay Alexis. At sa harap pa talaga ni sir Luis, ah! Ang husay mo talaga.

Inapakan ko 'yung sapatos niya at nakita ko ang mukha niya na tila nagpipigil na sumigaw nang malakas. I heard him saying 'fuck' in a silent whisper. Tanging ngiti lang naman ang iginanti ko sa kaniya na tila sinasabing 'ako ang nanalo sa ating dalawa'.

"Tinawagan ko na ang ilan sa mga tauhan ko. Sinabi ko na hanapin si Alexis sa lugar kung saan kayo nanggaling." Saad ni Sir Luis. Lumapit ito sa amin at muling nagsalita.

"H'wag niyo nang alalahanin pa 'yung nangyari kay Alexis. Mahahanap din natin 'yung batang 'yon. I'm sure he's just somewhere around the area. Tauhan ko na ang bahala sa paghahanap sa anak ko. Sa ngayon, gusto kong kausapin si Akie." Tumingin ito sa direksiyon ni Akie. Tila seryoso ang pag-uusapan nila kaya nagprisenta na akong lumabas sa VIP room. Nakakahiya naman kung makikinig ako sa usapan nila.

MARINO [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon