Chapter 3

3 0 0
                                    

Childhood

“Kate, tabi tayo!”

 

Siya si Ian Villanueva. Kaklase ko siya since grade two. Grade five na kami ngayon. Sabi ng ilang classmates ko crush niya ako simula nung grade two kami, pero hindi ako naniniwala. Sobrang bata pa namin,kaya hindi ko pa iniisip ang mga crush crush na yan. Tsaka ang alam ko, tinutukso nila si Ian sakin kasi ako yung nabunot niya sa exchange gift namin nung grade four.

 

“Uhhh. Tabi kami ni Eloise eh.”

 

“Ah ganun ba. Di dito na lang ako sa likod mo. Hehe.”

 

Hindi ko madalas kinakausap si Ian. Hindi naman ako naiilang, hindi lang kami ganun kaclose.

 

Dumating na yung teacher namin sa Filipino. Sobra siyang manukso kaya alam kong tutuksuhin niya yung pag-upo ni Ian sa likuran ko.

 

“Uyyyy ambilis natin Ian ah! Naunahan mo si Vince. Bagal bagal kasi eh.”

 

Si Vince? Yung ultimate crush ko? Eh pano naman napasok sa usapan si Vince eh nasa kabilang section yun? Tsaka si Eloise lang yung nakakaalam na crush ko si Vince kaya sobrang imposibleng malaman niya na may gusto ako sa kanya. At ang alam ko ay adviser ni Vince ang teacher namin sa Filipino. Ang gulo!!

 

“UYYYYYYYYYYYYY!!!!!” tukso ng mga kaklase ko. Gwapo naman talaga si Ian, pero hindi ko talaga siya crush.

 

“Kate, bakit hindi mo ba crush si Ian. Gwapo naman siya eh.” Sabi nung best friend kong si Eloise.

 

“Ewan. Di ko alam eh.”

 

Ilang araw na rin na tinutukso ako ni Sir Calderon. Isang araw, sa kalagitnaan ng discussion namin ay tinanong niya ang buong klase.

 

“Class, sino yung crush ni Joshua?” aniya

 

“Si Kate Sir!!” sabay sabay na sabi nung mga kaklase ko.

 

Sa totoo lang, hindi ako masayang tinutukso ako sa iba’t ibang tao. Oo, maganda kasi maraming may gusto sayo. Ibig sabihin, maganda ako. Pero ayoko kasi si Vince lang yung crush ko.

 

“Grabe ka Kate. Parang lahat ng lalaki na lang may gusto sayo. Ano bang nakita nila sayo? Ikaw, Joshua. Anong nagustuhan mo kay Kate?” tanong ni Sir.

 

“Maganda Sir. At wala siyang katulad.” Seryosong sagot ni Joshua.

 

“Yiiieeeee. Maganda naman talaga si Kate, matalino pa. Kaya hindi ako nagtataka kung bakit maraming may gusto sa kanya.” Ani Sir.

 

Grabe. Feeling ko mamamatay ako sa hiya. Araw araw naman ganito, pero hindi talaga ako nasasanay.  Gwapo si Joshua. Feeling ko siya siguro yung rank 2 crush ko kasi rank 1 si Vince. Pero wala talagang makakatalo kay Vince sa number 1 spot sa puso ko. Siguro 90% si Vince tapos 10% lang si Joshua. Hahaha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If You're The Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon