Two

4 1 0
                                    

Nakarating ako sa bahay nang diko namamalayan sa sobrang paglalayag ng isip ko

Habang nakatitig ako sa kisame napabalikwas ako nang may kumatok sa pinto

"Pasok" aniya ko

Pumasok si ate terannza at tinitigan ako

"Pano ka te?" Tanong ko

"Wala naman nalulungkot ako" pinakatitigan ko sya at nang masiguro kong nag sasabi sya ng totoo ay staka ako tumugon

"Bakit naman te?"

"Si-si gael na co-comatose kasi e, nabugbug daw tapos di-di pa alam kung sino gumawa non sakanya" garalgal ang tinig nya

Alam kong may boyfriend si ate pero diko pa alam itsura nya pangalan lang ang alam ko

"Ate mag picture kaba ni gael pwedeng patingin?" Aniya ko

Kinuha nya ang cellphone nya sa bulsa at inabot sakin nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino si gael na bf ni ate

"Mabait siya kaya di namin malaman kung sino may gawa nyan sakanya, paniguradong inggit ang taong yun"  bakas ang lungkot at galit niya sa kanyang mga mata di nalang ako kumibo at hinayaan syang mag labas ng sama ng loob

Nakatulog ako kakapakinig ng sinasabi ni ate nagising ako nang may yumugyog sakin

Pag tingin ko si manang pala ngumiti ito sakin "kain na doon ice, anak" nakangiting aniya nito

Ngumiti ako dito at tsaka tumango

"Susunod nalang po ako nang" tumango na ito sakin at umalis ng kwarto tumayo ako at nag tungo sa banyo upang mag hilamos

Nakatingin ako sa salamin habang inaalala itsura ng bf ni ate siya yung leader leader kaninang umaga na kausap ni medina sya din ang sumampal kay medina

Paano nakilala ni ate terannza na mabait yun kung sa kabilang banda nananakit siya ng babae?

Ano siya bakla?!

Di ko na muna inisip at nag tungo nako sa dining upang kumain

Wala na daw si ate umuwi na sakanila at nadatnan ko nalang si mama at si papa

Only child lang ako at kaming tatlo lang talaga ang nandirito sa bahay kasama ni manang

Mula bata ako si manang na ang nag alaga sakin kasi laging busy sila mama and papa

"Magandang gabi ma, pa" at naupo nako upang kumain

"Musta pag aaral mo nak" tanong ni mama

"Ayus lang naman po ma " tanging sagot ko sakanya

"Gabrel alam mong ayaw ko ng kalokohan ah" ma authoridad na bigkas ni papa

Tumango lang ako at tumungo sa lamesa at pinag patuloy ang pagkain

Mula bata ako wala nakong ibang ginawa kungdi mag pakalunod sa pag aaral para maimpress si dad pero langing kulang

"Hon, wag mong pinepresure sa pag aaral si gab" ani ni mama

Lagi namang ganyan e wala nang bago

Katapos ko kumain umakyat nako kasi mag aaway nanaman panigurado sila mom and dad

Kaakyat ko mabilisan nako naligo at sinilip ang mga social accounts ko nang makita kong wala namang importante

Humiga nako tsaka pumikit subalit gising na gising ang utak ko

Iniisip ko si gael bf ni ate paanong ganon ang pag kakakilala ni ate gayong iba ang nakita ko sa personal

At bakit nakarating si gael sa school namin kung sa kabilang bario pa yung school niya?

Diko na namalayan hanggang sa nakatulog nako

Nagising ako ng maaga naisipan ko muna mag jogging since sobrang aga pa talaga

Habang nag jojogging ako nakita ko yung nakasama ni gael kahapon na nasa nalapit sa puno mukang may kausap siya kaya pinili kong lumapit ng konti

Nag makahanap ako ng pwesto tahimik  akong nakinig

"Anong ginagawa mo don? Ikaw ba may gawa non kay gael?" Kinakabahang turan nya

"Mukang nanginginig kana sa takot saimon?" Aniya ng pamilyar na boses

"Em di mo kasi maintindihan e, yun yung ka-" pinutol ng kausap nyang tinawag na em ang kanyang sasabihin

"Wala akong panahon sa mga walang kwentang paliwanag. kung hinayaan niyo nalang ako sa ginagawa ko di to mangyayari sainyo" diko na nakita ang sunod nanang yari umalis nako bago pako makita nung em

Bago pako tuluyang maka alis narinig ko ulit yung boses nung em malapit sa tenga ko

"Pinaka ayoko sa lahat ang mga chismosong katulad mo" sa ikli ng oras everything went black

-

Nagising ako sa sakit ng ulo ko, tinignan ko yung paligid at mukang nasa hospital ako

Tumayo ako at pumunta sa nurse station upang mag tanong

"Uh miss sino po nag dala sakin dito?" Magalang na tanong ko

"Babae sir wala syang sinabi ngunit dalawa kayong dinala nya dito nasa private room napo yung kasama nyo sir" mahinahong anya nya

"Ano pong room yun miss?"

"Sa dulo lang ng pasilyo na yan sir ang pangalan po ay saimon cheng po nakalagay sa pinto"

Nangilabot ako sa narinig ko ngunit tinungo ko nalang ang kwarto sa dulo pasilyo

Sinilip ko lang sa bintana ng pinto nakakatakot ang itsura nya andaming aparatong nakakabit sa katawan nya

Sa ikli ng panahon nagawa nya na ang ganitong kagrabe bago ako patulugin ng em na yun

Di ko na yun pinansin at umuwi nalang ako para makapasok pa sa natitirang last two subjects ko

Mabilis akong naligo at umalis para wala nang mag tanong saakin kung saan ako nang galing

Pinaharurot kona ang aking motor patungo sa aming paaralan nag madali ako pumunta sa classroom para maabutan ko ang second to the last class ko nang makapasok nako tumabi nako kay medina saktong pumasok ang teacher namin

Nang matapos ko na ang dalawang klase ko ay tumungo nako sa canteen upang makakain dahil nagugutom nako

Nag order lang ako ng lasagna at ice tea

Tahimik akong natapos sa pag kain at nag tungo nako sa parking lot habang inaatras ko ang motor ko naramdaman ko ang bigat nito

Pagtapos kong sinilip ito nakita kong flat ang parehong gulong shit sino gumawa neto!

Di naman pwedeng naflat lang dalawang tulong pa talaga

Subalit may nakita akong pako at papel sa gilid ng front wheel dinampot ko ito at tinignan ang papel

'avaid the path your going through if you still love your life alveres

-em'

-itscrllynn

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Night of the studentsWhere stories live. Discover now