Unang Eksena

18 2 0
                                    


Nagsimula iyon noong huling taon ko nang pag-aaral sa kolehiyo sa kursong pinili ko. Na sa dakong huli ay may iniwan na malaking parte sa buhay ko. Ipinangako kong tatapusin ko ang pag-aaral ko kahit ano man ang mangyari. Ni hindi sumagi sa aking isipan ang pagkakaroon ng nobyo. Kung iisipin ay madali lamang iyon gawin, ngunit ika'y dumating.

Ako'y edad 20 na nasa huling taon ng kolehiyo, sa isang kilalang unibersidad dito sa siyudad ng Maynila. Isa lamang akong simpleng babaeng naghahangad makapagtapos ng pag-aaral at maging isang matagumpay na inhinyero kasunod ng aking lolo. Nais kong makapagtapos upang matulungan ko ang aking ina na nagtatrabaho sa ibang bansa.


Ako si Mayumi, at ito ang aking kwento.


Simula iyon ng pasukan nang aking huling taon ng ika'y pumasok sa silid-aralan ng unang klase ko sa araw na iyon. Sa madaling sabi, hindi kita pinansin sapagkat wala namang kaagaw-agaw nang atensyon na tungkol sa iyo.

Ngunit, sadya yatang tayo'y pinaglalapit ng pagkakataon. Karamihan sa mga klase sa aking schedule ay parehas ng sa iyo. Noong una ay nag aalinlangan pa tayong maglapitan, ngunit makalipas lamang ng ilang linggo ng pagkikita at pagkakasabay sa pagpasok at paglipat ng klase ay naging malapit na rin naman tayo sa isa't isa. Sa madaling sabi, naging magkaibigan tayo, kahit sa simula'y wala man lamang akong intensyong kilalanin ka.


"Halika na, sabay tayo."


'Yan ang linyang madalas mong sabihin sa akin pagkatapos ng bawat klaseng magkasama tayo. Inihahatid mo pa nga ako sa mga klaseng hindi tayo magkasama. Tila sinisigurado mong ako'y ligtas na makararating sa aking kasunod na klase. Walang duda, pinahahalagahan mo nga talaga ako. Maaari ko namang isipin 'yun, hindi ba?

Hindi naglaon, napagsasabihan na rin kita ng mga problema ko. Mula sa mga professor na kuripot magbigay ng grado hanggang sa mga problema ko tungkol sa pamilya ko. Itinuring na rin kitang isang napakatalik na kaibigan na palagi kong matatakbuhan.


"Salamat."


Sinambit ko iyan bigla bigla, na naiwan kang nagtataka. Bunga nito'y iyong pangungulit kung ano ang aking ibig sabihin, pero sa kada tanong mo'y hindi ko pinapansin o madalas iniiba ko ang usapan.

Pero totoo naman na ako'y nagpapasalamat. Salamat sa pagiging kaibigan ko. Sa madaling sabi, ang bagay na para sa iyo'y mababaw lamang ay may malaking epekto sa akin. Kaya't salamat, maraming salamat.


"May sasabihin ako, h'wag kang magugulat."


Nang iyan ay sambitin mo, hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Sa una'y akala ko kung ano na, napakaraming bagay ang umikot sa ulo ko. Nakakahilo na nga kung makikita mo ang laman ng isip ko ng panahon na iyan.

Akala ko kung ano na, hindi pala. Sabi nga, huwag mag assume pero bakit pag sa'yo hindi ko maiwasan? Ano bang nangyayari sa akin?

Nakita mo ata ang hindi maipintang mukha ko kaya hindi mo na itinuloy kahit anong pilit ko. Ano ba kasi ang iyong nais sabihin? Para saan nga ba? Tuloy, hindi ko na nalaman kung ano iyon. Ilang linggo rin ang lumipas, nakalimutan ko na ang nangyaring iyon, ni hindi mo na rin naman kasi nabanggit. Kaya akala ko wala ng halaga iyon.

Ngunit hindi pa pala iyon ang sukdulan ng aking pagiisip ng sobra.



"Tulungan mo ako."





//Please support Junmyeon's 'Self-Portrait' solo debut!

Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon