Pangatlong Eksena

11 2 0
                                    


"Mahal na siguro kita."


Sa kabila ng seryoso kong mukha ay nagawa mo pa akong tawanan, akala mo na ako'y nagbibiro lamang. Pero paano ko mabibiro ang seryoso kong damdamin? Tumigil ka sa pagtawa unti-unti ng siguro ay mapansin mong hindi nga ako nagbibiro. Dahan-dahan kang kumalma at tumingin ng deretso sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano na ang sumunod na mga nangyari. Para bang nag shutdown ang isipan ko at ang huli ko na lamang naaalala ay ang pagtakbo ko palayo sa'yo habang tinatawag mo ako.


Graduation na. Ang saklap man isipin, sa buong linggong 'yun ay wala tayong paraan ng pag-uusap. Masyado tayong abala sa kaniya-kaniyang mga importanteng kaganapan na patungo sa kinabukasan natin. Akala ko magtatapos ang araw na simula na ng hindi natin pagkikita. Pero sobrang tuwa ko ng marinig ko ang boses na kilalang kilala ko.


"Mayumi!"

"Gabriel?"


Hindi ako makapaniwala na naroon ka; naroon sa harap ko. Hindi ko alam gagawin ko kaya hinayaan ko na muna na mahabol mo ang hininga mo. Hinayaan ko na lamang ang sarili ko na tignan ka habang inayos mo ang postura mo at nagseryoso habang tutok na tutok sa mga mata ko.


"Hindi mo pa alam ang sagot ko."


Sinabi kong hindi naman sinasagot ang pag-amin ko sakanya, isa itong deklarasyon na walang hinihinging kapalit. Ngunit hindi niya iyon pinansin. Inaabangan ko na na uuwi akong luhaan at sawi sa pinaka unang lalaking minahal ko.


Ano?


May sinasabi siya ngunit hindi ko maintindihan. Kailan pa siya natutong magsalita sa ibang lengwahe?


Inalog-alog mo ako upang makuha ang atensyon ko. Doon lamang ulit ako bumalik sa realidad.


Ano? Paki-ulit nga.


Hindi ko maintindihan. Hindi ko marinig. Para bang ako'y nabibingi. Para bang ang lahat ng pinagaralan ko ay lumipad paalis sa aking utak.




"Mahal rin kita."



END


//Please support Junmyeon's 'Self-Portrait' solo debut!

Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon