Happy 8th anniversary sa grupong hinding hindi ko iiwan hanggang dulo.
xxx
"Tulungan mo ako."
Iyan ang sinabi mo bigla isang araw na tayo'y magkasama. Una, inakala kong napaka importante noon. Tipong mga tungkol sa mga proyekto sa isang subject natin. Gayunman, madali mo akong napa sabi ng 'oo' sapagkat napaka dalang mo lamang humingi ng tulong sa kahit na sino—sa akin. Kaya't kahit hindi ko alam kung ano ang iyong hinihinging tulong ay naghanda na kaagad ako. Ang laki pa man din ng ngiti ko noon na nabawi lamang agad dahil sa mga susunod mong salita.
"Tulungan mo akong manligaw."
Naririnig mo ba 'yun?
Parang bumagsak ang langit. Bakit ganito ang reaksyon ko? Hindi ba dapat akong maging masaya dahil sa akin ka humingi ng tulong? Pero bakit ganoon? Hindi ako makahinga. Ngumiti ako sa'yo.
"Sige, kanino ba nahulog ang best friend ko?"
Best friend. Iyan nga pala tayo. Mag best friend lamang. Hindi ko maintindihan ang sarili ko;
Una, bakit ganito ang mga reaksyon ko ukol sa panliligaw mo? Pangalawa, hindi ba klaro ang intensyon ko simula pa lamang ng taon? Mukha naman na ika'y nabunutan ng tinik sa leeg at ang mukha mo'y kumawala sa isang malaking ngiti.
Sakto, dumaan siya. Isang napakagandang babaeng akala mo ipinaglihi sa gatas. Mukhang siya'y isang dyosang bumaba mula sa langit.
Sa madaling sabi, naging kayo pagkalipas ng ilang buwan mong panunuyo. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako ganito kahit na mas maliwanag pa sa buwan kung ano tayo. Halimbawa, nagseselos ako sainyo.
Pag may mga tanong ukol sa taong gusto ko bakit ang mukha mo ang lumalabas sa isipan ko? Talaga nga bang may gusto na ako sa'yo? Ngunit, hindi naman iyon maaari. Alam ko kung gaano mo siya kamahal.
Napansin mo yata na unti-unti akong lumalayo sa'yo. Sa una ay hinahayaan mo lang ako dahil akala mo may problema ako at kailangan ko ng space. Pero tumagal iyon at mas lalong lumayo ang loob natin sa isa't isa. Para bang paurong tayong nagkakakilala. Tinanong mo na rin naman ako pero ang naging tanging sagot ko lamang ay...
"Walang problema. Sige, hinihintay ka na niya."
Ngunit doon ko talaga napatunayan sa isang maliit na boses sa pinakadulo ng aking utak na hanggang best friends lamang tayo at wala ng iba. Ilang buwan din naging kayo, mga apat? Hindi ko alam. Pero alam kong isa ako sa naging parte ng paghihiwalay niyo. Hindi ko man lubos na maisip kung bakit ako, dahil wala namang namamagitan sa atin—ni hindi na nga tayo madalas na nagkakasama kagaya noon. Narinig ko lamang na ako ang dahilan ng ilang pagtatalo ninyo. Gayunman, hindi ako masaya dahil sa akin nag kahiwalay kayo.
Isang araw 'yun na napasugod ka sa ospital ng malaman mo kung bakit halos isang linggo akong wala sa klase at isang linggo akong hindi sumasagot sa mga texts at tawag mo. Nagalit pa nga sa akin ang nobya mo sapagkat may date pala kayo ng araw na iyon at iniwan mo siya bigla-bigla upang matignan ang kalagayan ko. Labis akong humingi ng tawad sa iyo dahil sobra akong nagagambala; na ako pa ang dahilan ng pagtatalo ninyo. Pero ang tangi mo lamang nasabi habang ngumingiti ng napaka payapa ay...
"Ayos lamang iyon. Alam ko namang mangyayari din ito. Hindi na talaga maayos ang pagsasama namin."
Simula noon ay bumalik nanaman ang naudlot naming pagiging malapit. Unti-unting bumalik ang mga damdaming ikinubli ko noon at ito'y mas lumalim pa. Mga maliliit na bagay ay binibigyan ko ng ibig sabihin. Ganoon nga yata pag masyado kang nagkaka-crush sa isang tao. Nagiging assumera ka.
Hindi ko alam kung bunga lang ba ito ng malusog kong imahinasyon o sadyang mas nagiging mapag-alaga ka sa akin?
Isang linggo bago ang graduation. Buo na ang aking loob na magtapat sa iyo. Now or never ika nga nila. Kung iisipin, baka nga ito na ang huli naming pagsasama.
"Mahal na siguro kita."
// Please support Junmyeon's 'Self-Portait' solo debut!
BINABASA MO ANG
Best Friend
Short StoryBest friend; Iyan lamang tayo, pero hindi ko mapigilan na bumilis ang tibok ng puso ko tuwing nariyan ka. Pero hindi puwede, hindi ba? Best friend lang naman ako. (EXO's Junmyeon - short story) 8 years with EXO