Sa buhay may times na napapagod ka kasi paulit ulit na lang nakakasawa na kasi yung tipong oo kaya mo siyang intindihin kasi kaibigan mo siya kaso minsan parang nakakasawa nadin ung ikaw na lang lagi yung umiintindi sa sitwasyun niyo, ikaw na lang yung laging nagpapaubaya, ikaw yung laging naiipit sa sitwasyun na dapat hind ka dawit.
Ako si Hannah Hernadez simpleng babae masungit man marami na mang friends pero hindi ko alam kung silay totoo oo totoo ako sa kanila kaso sila? ewan ko na lang.
Sa panahon kasi ngayon mahirap ng magtiwala kahit mismong kaibigan mo maari ka niyang traydurin o maaring ikaw ang magtraydor.
Loner ako dati noong hayskul ako maging elementarya pero nitong kolehiyo marami akong naging friends nagkaroon pa nga ako ng grupo. Sobrang saya ko lalo na nung una kasi finally may mga kaibigan na ako TOTOO kaso MALI pala ako, maling mali hindi ko naisip na sila din pala yung dahilan kung bakit nagiging loner ako ulit. I feel so unloved kapag andyan sila kasi feel ko di ako nag-eexist, nag-eexist lang siguro ako kapag may kailangan sila sa akin ako naman itong si tanga bigay lang ng bigay eh! sa mahal ko sila eh.
Ang grupo namin sa panahon ngayon ay parang kalawakan madaming space ang laki ng gap sa pagitan parang SO CLOSE BUT STILL SO FAR ang peg namin. Nagsimula ito sa hindi ko alam kung papano basta isang araw nakikita ko na lang yung sarili ko na hindi na sila kasama at mag-isa na lang na ginagawa ang mga bagay na nooy kasama sila.
Masarap magkaroon ng kaibigan kasi sila yung parang nagiging magulang mo, kapatid mo ganun kasi halos sila yung nagiging mas close mo hindi man kayo magkadugo kaysa sa magulang mo diba?.
Kaso ngayun napagtanto ko na halos lahat ay nagbago mismong yung taong hindi ko inaasang magbabago ay nagbago.
Mahirap maipit sa sitwasyun na kaibigan ang rason lalo na kapag sobrang close niyo. Na ang tanging masasabi mo lang ay oo at ok ok ok sa mga bagay na minsan kahit hindi mo sinasang-ayunan ay dapat kang umoo para di magtampo.
Pero sabi nila THERE IS NO PERMANENT IN THIS WORLD. Sabi ko sa sarili ko siguro isa yun dun na hindi permanente kailangan na lang nating tanggapin na hindi sila para sa atin. Parang lovelife lang kung hindi para sayo magparaya ka marami pa namang iba diyan hindi ka mauubusan bastat alam mong tumanggap, magparaya, magbigay at higit sa lahat give chance kaso minsan sabi ko oo intindi ako ng intindi kaso hindi ko naman iniintindi yung sarili ko haays kaya ito magpapahinga muna "NAKAKAPAGOD DIN KASI.."
end.
BINABASA MO ANG
Nakakapagod din kasi...
Cerita PendekAng tao napapagod din lalo na kapag pauulit ulit na. Yung tipong oo kaya ka niyang intindihin kaso minsan napapagod din.