Chapter 24: Sacrifices

230 25 1
                                    


Queen's POV

Nang kinaumagahan ay pinagpatuloy naming 13 ang paglalakbay, hindi ko maiwasang kabahan dahil 13 kami sa grupo, masama ang numerong iyon.

Napatigil kami ng makarinig kami ng mga sigawan at putukan sa kabilang banda ng maze, hindi ko maiwasang maawa sa mga namatay doon, maging sa mga kaibigan nung namatay.

Hindi ko siguro kakayanin ang mawalan ng kaibigan dito sa maze, sila na ang maging pamilya ko sa loob na ito, humawak ako sa balikat ni Blade na ikinatingin niya. Nagpatuloy naman kami ulit sa paglalakad.

Hindi namin natuloy ang paglalakad namin ng may lumabas na mga matutulis na bagay sa isang pader, nagpapakiramdaman lang kaming lahat, hanggang sa lumipad ang isang patulis na iyon na may tali sa isa naming kasamahan, sumunod doon ang tatlo pang patulis, bago pa namin siya matulungan ay mabilis itong hinila ng tali, tumama ang babae sa mga patulis na nasa pader, hanggang sa sunod sunod ng lumilipad papunta sa amin ang mga matutulis na may tali.

"QUEEEEN!" napatingin ako kay Blade ng sumigaw ito, ngunit bago ko ito tignan ay napahiga na ako sa sahig, nakita ko kung paano tumusok sa magkabilang balikat nito ang mga matutulis na bagay, maging sa magkabilang tuhod nito, "BLAAAAADEEE!!" sigaw ko ng hilahin na siya ng tali, nakangiti itong nakatingin sa akin, naintindihan ko naman ang sinabi nito ng bumuka ang bibig niya.

Tumama na siya sa pader, sampu silang nandoon, unti unting bumaon sa pader ang mga matutulis na bagay na tumama sa kanila, ang sampu namang kasamahan namin ay bumagsak.

Agad akong tumakbo papunta doon at nilapitan ang walang buhay nang si B-blade, "B-bakit Blade? Bakit mo isinakripisyo ang b-buhay mo para sa akin?" pero alam kong kahit anong tanong ko pa dito ay hindi na siya sasagot.

Inanyayahan ako ng dalawang babae pang natira na umalis na daw kami, ngunit hindi ko sila pinansin, "Bitawaaaan niyo ako!" sigaw ko sa kanilang dalawa habang hawak ang magkabilaang balikat ko. Ayaw kong iwan doon si Blade.

Ayaw kong iwan doon si M-martina, napasigaw na lang ako habang hawak pa rin ako ng dalawang babae, patawad Martina "Blade" Romilda..Patawad.

DEATH'S POV

Napatingin kami sa bakal na pintuan ng bumukas iyon, pumasok doon si Shadow kasama si Ghun, at dalawa pang kasamahan nila. Agad naman akong tumakbo papunta sila ng makilala ko ang huling tao na pumasok kasama nila.

"N-nagbalik ka..akala ko iniwan m-muna ako" sambit ko dito habang nakayakap, naramdaman ko na yinakap ako nito pabalik at sinabing hindi ito ang tamang lugar para mamatay siya.

Ikwinento nito sa amin kung paano siya nakabalik, mula sa pinapili siya hanggang sa iligtas siya ni Ghun at ng mga kasamahan niya. Muli kaming napatingin sa pintuan ng bumukas iyon.

Hila hila ng dalawang babae ang isang babaeng umiiyak, nang makita niya si Polaris at inalis niya ang pagkakahawak sa kanya ng dalawang babae at patakbong tumungo kay Polaris at yumakap.

Alam ko na ang dahilan kung bakit, si Blade ang kasama niya sa phase 2, pero hindi niya ito kasama ng makapunta siya dito.

"W-w-wala na si Blade..kasalanan k-ko..kasalanan ko kung ba-bakit wala na si B-blade" utal na sambit dito, yinakap lang ito ng mahigpit ni Polaris, lumapit naman din dito ang ilan niyang kasamahan.

Maya maya din ay kumalma na sila, tinanong ni Shadow maging ni Polaris kung nasaan si Frighten, ngumiti lang ako ng pagak sa kanila, "He's...gone" hindi ko makakalimutan ang huli nitong sinambit bago siya mawalan ng hininga.

Gusto niya akong makalabas dito at humingi ng tawad sa mga naiwan niya sa labas, nangako naman ako na gagawin ko ang lahat para makalabas dito, para matupad ang huling habilin niya.

Kahit na hindi kami ng close ng lokong yun ay gagawin ko ang lahat. Hindi kita bibiguin Frighten...

POLARIS'S POV

Halos lahat nawalan ng kaibigan o pamilya, labing apat na lang kami ngayon, halos 76 din ang namatay. Ipinapanalangin kong kasama na sila ng dyos ngayon, ng mga yumao din nilang mahal sa buhay.

Hindi ako nagsisising bumalik ako muli dito, hindi ako nagsisising iniwan sila sa laban na 'toh, ngunit hindi ko matanggap, wala na si Frighten...wala na din si Blade.

Sana wala ng mawala pa, sana wala ng magbuwis pa ng buhay. Lahat kami ngayon ay nakahiga sa damuhan, nasa gitna namin ang ginawang bonfire kanina ng mga ilang kalalakihan.

Halos labing isa ang mga natirang kababaihan, labing tatlo ang mga kalalakihan kabilang kami ni Rainbow, nakilala ko ang ilan sa kanila.

Sina Wind, War, Rebel na puro babae, at sina Rocky, Star and Sharp na puro lalaki, hindi ko na kinilala pa ang limang babae at apat na lalaki dahil may kanya kanya silang ginagawa.

Napag-alamanan ko ding iniligtas ni Frighten ang buhay nina Blood at Death, iniligtas din ni Blade si Queen. Hays.

"Okay ka lang? Nagugutom kaba?" napatingin ako sa gilid ko ng magsalita si Death, nginitian ko lamg ito at sinabing okay lang ako at hindi pa nagugutom.

Kailangan naming ipagpatuloy ang paglalakbay dahil hindi kami nakakasigurado kung ligtas ba kami sa lugar na ito. Naramdaman ko na yinakap ako ni Death, lumingon ako dito at ginantihan.

Lord, ingatan niyo po si Death, kahit na hindi na ako, sana makalabas siya, "Diether Aaron Miranda" mula sa pagkakasuksok ng ulo ko sa leeg nito ay tinignan ko siya, malayo naman kami sa ibang kasamahan namin.

"Ang totoo kong pangalan ay Diether Aaron Miranda, ikaw?" ahh ang gandang pangalan, pero nung muli kong narinig ang pangalan nito ay parang narinig ko na iyon somewhere.

Ipinagkibit balikat ko lang iyon at nagsalita, "Ako naman si Lawrencium Khid Feliciano, nice to meet you Diether haha" hindi namin maiwasang magtawanang dalawa, para kaming mga siraulo.

Agad nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang labi nito sa labi ko, nagpikit pikit mata lang ako, nakapikit lang ang mga mata ni Death, marahan ang paghalik nito.

May kasamang pag iingat at pagmamahal, ilang minuto lang din ay pinutok nito ang pagkakahalik sa akin, "I love you Polaris..I love you Lawrencium Khid!" mga ilang segundo bago rumehistro sa akin ang sinabi nito.

Ngumiti ako dito na parang wala ng bukas haha, "I love you too Death..I love you so much Diether Aaron" hindi gaya kanina ng nagulat ako ng halikan ako nito.

Katulad niya ay ipinikit ko ang mata ko at sumasabay sa marahan nitong paghalik.

To be Continued...

Stay Alive In The MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon