Chapter 23: Came Back

216 25 0
                                    


Blade's POV

Si Queen lang ang kasama ko sa phase 2, hindi na namin kilala ang 23 pa na kasama namin, nasa kalahati na din kami ng maze. Hindi ko parin maiwasang malungkot para kay Polaris, pangako ko..namin na pagnakalabas kami dito ay dadalawin namin ang kapatid mo.

Natigil kami sa paglalakad ng marinig kaming gumanang makina, unti unting gumagalaw ang pader, nagkataong nasa gitna kami ng dalawang pader.

Agad kaming tumakbo palabas nun, ilang segundo lang din ay medyo nahihirapan na kaming tumakbo dahil masikip na ang daan, hindi na kami pwedeng umatras, agad akong nahila palabas ni Queen, narinig ko ang pagdikit ng pader sa isa pang pader, kasabay nun ang sigawan ng mga naipit at mga kaibigan nila na nakaligtas.

Muntik na ako doon, yinakap ko ng mahigpit si Queen, kung hindi dahil kay Queen ay siguro patay na ako, 19 na lang kami sa grupo ng tignan ko ito, anim ang naipit sa pader, hindi ko maiwasang manginig ng makita ang pag agos ng dugo sa sahig mula sa pader.

Wala na kaming nagawa pa doon at agad ng umalis, muli kaming nagpatuloy sa paglalakad, minsan minsan ay tumatakbo kami, hindi pwedeng babagal bagal kami.

Napatingin kami sa lalaking may naapakan sa sahig, bahagyang umilalim ang paa niya, nang tumingin kami sa pader ay may lumabas doong mga anong klase ng baril, nang bumaril baril iyon ay agad kaming umiwas, "AHHHHHHH!!" napatingin ako kay Queen ng may dalawang tama ito sa binti, hindi ko maiwasamg maiyak sa lagay ni Queen.

Hindi na makatarungan ang ginagawa nila! Pinapatay nila kami!! Agad kong sinira ang dalawa kong manggad at pinantali sa binti ni Queen, "Deep breaaaath!" sigaw ko dito, patuloy pa din kasing bumabaril ang mga nagsilitawang baril.

Nang humupa iyon ay chineck ko muna kung wala, nagbato ako sa gitna ng ilang bato at wala na, akay akay ko si Queen na naglakad, 13 na lang kami sa grupo, dalawa sa amin ang nabaril na buhay pa, hindi nakaligtas ang anim. Nakita namin ang mga katawan maging ang mukha nila, puro tama ng bala.

Magdidilim na, mas delikado na pag nagpatuloy pa kami, kaya sinabihan ko muna ang mga kasamahan kong magpahinga muna kami sa isang lugar.

Napatingin ako sa tinuro ng isang babae kong kasamahan, isang cctv camera, kumaway kaway kami dito t nagmakaawang tulungan kami, ngunit wala silang naging response. Sa sobrang inis ko ay binato ko ito ng binato hanggang sa masira.

"Hindi nila tayo tutulungang makalabas sa t*nginang lugar na ito!" sabi ko sa mga kasama ko, ilang minuto lang din ay nakita ko ang mga kasama kong tulog na, ano ba itong napasok namin. Akala ko normal na laro lang, pero nakakat*ngina, ang isa naming paa ay nasa hukay, maling galaw mo lang ay maaari kang mamatay.

Ilang sandali lang din ay hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako.

Ghun's POV

Siyam na lang kami ngayon sa grupo kasama si Shadow na isa din sa kaibigan ni Talla, namatay ang siyam pa sa unang trap, nahulog sila sa bumukas na bakal na sahig, mga huling sigaw nila ang narinig namin, nang tignan namin sila ay nakatarak sila sa mga matutulis na bakal.

Ang pito ay namatay due to electric shock, may nahawakan kasi ang isang babae sa pader at may bumagsak sa kanilang mga wires, hindi namin alam na may kuryente pala iyon.

Alam kong may mas malala pa dito, muli kaming nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa nakakita kami ng liwanag, lalapitan na sana namin ito ng makumpirma kong palapit sa amin ang liwanag na iyon, kasama kong hinila padapa si Shadow.

Kasabay din namin ang dalawa pa, nang mawala iyon ay tinignan namin ang lima naming kasamahan, hiwa hiwalay ang kamay nila, hindi ko--namin napansin na laser pala iyon.

Yinakap ko si Shadow ng magsimula itong umiyak, "G-gusto ko ng umuw-wi" utal na sagot nito, dalawang lalaki na lang kami sa grupo at dalawang babae. Tinapik tapik ko lang sa likod si Shadow.

Napansin ko na lang na humihilik na ito, tsk, papahirapan pa ako ng babaeng ito! Pasalamat siya niligtas niya ako. Kasana dapat ako sa naunang siyam na namatay pero agad akong nitong hinila kaya hindi ako nahulog.

Huminto muna kami magpahinga, tinanong ko sila parehas kung ano ang pangalan nila na sinagot naman nila, "Ako si Rocky, ito naman si Wind" katulad kasi ni Shadow ay tulog na din ang kasama nitong babae, "Ako naman si Ghun, ito si Shadow" tumango lang ito, kung ano ano lang ang pinag usapan namin, walang negative thoughts or negative situations na maaaring mangyari.

Kinabukasan ay nagpatuloy kami sa paglalakad. Naging maingat na din kami dahil apat na lang kami. Babalik na sana kami dahil dead end ang napasukan namin ngunit napansin ko ang isang pabilog na pintuan sa sahig, katulad siya ng mga pintuan ng tangke. Napahinto silang tatlo ng lapitan ko iton, may paikot na doon katulad ng manibela.

"Tara na Ghun, baka trap lang yan" hindi ko pinansin ang sinabi ni Shadow, may nararamdaman ako sa ilalim eh, pinihit ko iyon pero hindi kaya ng isang tao lang yata. Tinignan ko naman sila, maya maya ay umiling iling sila.

Sa huli ay napasuko ko din sila, "Mumultuhin ko talaga ang pamilya mo Ghub pag namatay ako dito" natawa naman kami sa sinabi ni Rocky, ilang pagpipihit ang ginawa namin ng bumukas iyon, kaya inikot ikot ko iyon. Bubuksan na sana iyon ng umatras ang mga kasama ko.

Nang maingat ko ang pinto ay hindi ako makapaniwala, "Oh anong meron?" tanong ni Wind, tinignan ko lang sila, bakas ang gulat sa mukha ko, magsasalita pa sana ako ng magsalita si Shadow at lumapit sa akin.

"POLARISSS!?" sigaw nito, nang tignan kong muli ang natutulog na si Polaris gumalaw ito, unti unti nitong binuksan ang mata niya, "S-shadow?....G-ghun?" utal na tanong nito, lumapit naman sa amin ang dalawa, tinulungan nila kaming iangat si Polaris mula sa ilalim.

Nang makaakyat namin ito ay tila lahat ng hangin na nasa paligid namin ay sininghot singhot niya, sabagay nasa ilalim lang siya at siguro walang gaanong hangin sa ilalim.

"S-salam--" hindi na nito natuloy ang sasabihin niya ng mawalan siya ng malay, kakagising niya lang diba?

To be Continued...

Stay Alive In The MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon