Chapter 17: One Hundred

263 26 1
                                    

Polaris's POV

Nang may tatlong nakakatakot na malalaking gagamba sa likod nila, rinig ko ang impit na tili ni Shadow, ang panginginig ng kamay ni Rainbow na nasa balikat ko. Lahat kami ay unti unting napapaatras. "Wala pa nga kaming ginagawa sa inyo takot na kayo?" sabi ni King, sumagot naman ang katabi nitong lalaki ng 'weakling persons'.

Sinenyasan ko sila na sa oras na kumain ang malaking gagamba sa grupo nila ay saka kami tatakbo. Unti unting naglalakad ang tatlong malaking gagamba sa likod nila, masyado naman silang manhid para hindi iyon maramdaman. "T*NGINAAA!!" pamurang sigaw ni King matapos tumulo sa ulo niya ang laway ng malaking gagamba, unti unti itong tumingin sa taas niya at sa pag angat ng ulo niya ay ang pagkain sa kanya ng malaking gagamba. Doon na naalarma ang mga kasamahan niya. Tatlo ang nakain sa kanila kasama duon si King, patakbo kaming umalis sa lugar na yun pero bago yun ay nakita ko kung paano lumuha si Poison habang yakap yakap nito ang kalahating katawan ng lalaki.

I'm sorry king.

Third Person's POV

Unti unting binitawan ni Poison ang kalahating katawan ng kasintahan niyang nag ngangalang King, tumakbo ang iba nitong kasamahan dala ng takot habang siya nakatayo sa harap ng gagambang hanggang ngayon ay kinakain ang kalahati pang katawan ng lalaki. Unti unti nitong kinuha sa sahig ang double blade axe at spear, inihagis niya sa gagamba ang kanyang spear na tumama lang sa katawan nito. Bago pa niya maihagis ang axe dito ay kinain na siya ng gagambang nasa likod niya.

Sa kabilang dako ay patuloy parin sa pagtakbo ang grupo nina Polaris, ang dalawang malalaking gagamba na humahabol sa kanila ay naging lima, "Duon tayo sa tunnel!" sigaw ni Polaris pagkakita niya dito, sabay sabay silang kumanan, ang limang gagamba ay domoble, bigla na lamang silang lilitaw sa kawalan ay makikipag unahan sa paghabol sa grupo nila Polaris. Unang nakapasok ang anim ngunit si Rainbow ay natisod sa batong nakausli sa sahig. Paharap itong nakahiga at nakatukod ang dalawang siko sa sahig, nasa harap nito ngayon ang isang gagamba na handa na siyang kainin.

Until Blood came up and slice the spider into two using his sword. Bago pa sila abutan ng iba pang gagamba ay agad na silang pumasok sa tunnel na agad ding nagsara. Nilakbay nila ang tunnel hanggang sa makakita sila ng liwanag. Walang pag aalinlangan silang tumakbo palabas duon.

Isang parisukat na lugar, may apat na nakatayong bahay, mga puno, at ilang mga pananim. Nang mapansin sila ng mga taong nanduon ay agad silang nilapitan.

Polaris's POV

Akala ko katapusan na namin sa mga gagambang iyon, may iba akong tunnel na nakita pero sarado iyon at nagpapasalamat naman ako dahil bukas pa, nagpapasalamat din ako na ligtas si Rainbow.

Pagkalabas namin sa tunnel ay unti unti kong inadjust ang mata ko sa liwanag at nakita ko ang magandang tanawin, though nasa gitna ata kami.

May apat na hindi kalahing bahay ang nakatayo, mga ilang punong nakatayo sa bandang kaliwa namin, nang makita kami ng tao sa bandang gitna ay nagtakbuhan ito papunta sa amin.

Ang ilan sa kanila ay nakikilala ko, mga manlalaro din sila ng Ezam Corp. Napalingon ako sa lalaking malapit sa akin ng marinig ko ang sinabi nito, 'pang--' ano daw yun?

"Were all 100" nalilito ako sinabi niya pero ilang sandali lang ay nagets ko dina ng sinabi niya, kabilang ako sa isang daan na narinig ko sa pag uusap nila Mr. Morga, nagkatinginan kaming anim at bakas sa mga mukha namin ang ngiti. "Patay na siya..patay na si P-polaris" napatingin ako sa babaeng nag salita na ngayon ay humahagulgol, si Q-queen.

Kasama nito sila Black, Frighten, Ghun at Blade. Buhay sila, agad akong lumapit sa kanila ay walang pangundangan na niyakap si Queen, sa ilang araw na sandali ay masasabi kong mas close kami ni Queen kesa sa mga kasamahan namin. Bakas sa mukha nila ang pagtataka pagkatapos kong kumalas sa pagkakayakap kay Queen.

Ngayon ko lang naisip na suot ko pa nga pala ang itim na maskara na yun, kaya agad ko itong tinanggal at hinawi patalikod ang humaba kong buhok. Hindi lang sila Black maging ang ibang tao, kilala ba nila ako?

"B-buhay ka..P-polaris!!" agad akong yinakap ni Blade at Queen, sumama na din sa amin ang tatlo pang lalaki.

"Ikaw yung unang nakapatay sa malaking gagamba, ikaw yung nakaharap nina King at Poison" napakalas naman ako sa yakapan namin ng sambitin iyon ng babaeng hindi ko naman kilala, sinabi nila na kalat sa buong manlalaro ang babaeng nakasuot ng all black, naging kalat daw iyon ng may mga nakakakita sa aking nakikipag laban, tanginh ang mga may lakas lang daw ng loob ang kumalaban sa akin. Kaya naman pala!

Lumalit sa amin ang isang lalakin nasa mid 30's, siya daw ang unang nakapasok dito kaya siya ang tinuturing na pinuno, magpakilala daw kaming mga bagong dating na ginawa naman namin. Matapos nilang magpakilalang lima at ako ang panghuling magpapakilala sa kanila.

"I'm Polaris, one of the survivor" saka sila nagpalakpakang lahat. Inaya kami ni kuya Yohan sa munti nilang tirahan. Nabigyan na din kami ng matutulugan at nagkaroon pa ng pagdiriwang dahil buo na kaming lahat. Isa na lamang ang magiging palaisipan sa amin. Ano na ang sunod na gagawin naming isang daan dito?

Magkakasama kami sa isang table ng grupo nila Black, nakalingkis pa rin sa akin ang dalawang babae dahil namiss daw nila ako, "Mas lalo kang gumanda Polaris, payakap ngaaaa!!" akmang yayakapin ako nito ng batukan siya ni Queen, awww kawawang Frighten hahaha. Sa totoo lang hindi bagay sa kanya ang codename na Frighten, mas bagay sa kanya Child, Immature, or Kid, hala parang name ko lang hahahaha.

Nakasimagot na ngayon si Frighten kaya ng sabihin kong sige na nga, na talagang kinatuwa niya ay agad itong lumapit at yinakap ako, ilang segundo palang kami magkayakap ng hilahin ako ng isang lalaki, peste, masakit yun huh!

"Pahiram muna sa kanya!" sigaw nito ng medyo malayo na kami kila Black at agad na akong hinila. Kita at ramdam ko ang kasiyahan ng mga tao sa paligid, ang ibang kalalakihan ay nag iinuman, saan naman galing ang mga inumin na yun at ilang nga pagkain na ginamit sa handaan?

Napadaing ako ng itulak ako nito sa isang puno, malayo na kami sa mga tao at tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa madilim naming pwesto. Tinanong ko ito kung anong problema niya pero imbis na sumagot ay hinalikan ako nito sa labi.

Napakurap kurap ako habang ninanamnam ni Death ang labi ko, oo ni D-death! Tila nahulog ako sa dagat sa north pole at hindi na makagalaw dahil sa nabalutan ako ng yelo at dahil na rin sa lamig. Nakapikit ang mata nito at patuloy pa rin sa pag galaw ang labi niya, napaawang ang labi ko ng kagatin niya ang pang ibaba kong labi. Patuloy pa rin ito sa pag halik sa labi ko at feeling ko ay nalulunod ako sa brown nitong mga matang nakatingin sa akin.

"ANO BANG PROBLEMA MO!?" sigaw nito pagkatapos ko siyang itulak, ngayon lang pumasok sa isip ko ang lahat! Ang lahat ng ginawa niya!! "IKAW! ANO PROBLEMA MO? BAKIT MO AKO HINALIKAN!?" pabalik kong sigaw dito. Hindi ako makasagot sa sinabi nito

To be Continued...

Stay Alive In The MazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon