dos

12 2 6
                                    

Kasama ko si Arden bumalik sa class. Transferee siya from idk where, sa ngayon hindi pa naman siya siguro nahuhuli kasi it's the second week of the school year pa naman. Teka, ano bang class niya?

Nauuna kasi akong naglalakad sa kanya kaya kailangan ko pang huminto at tumalikod para tanungin siya.

“Uhm, alam mo ba kung anong class mo?” tanong ko at may kinuha naman siya sa bulsa niya. Yung schedule.

“I can manage, you don't have to tour me. You can go back to your class now.” he said

Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

“Sige bahala ka, approach mo nalang ako if ever may question ka or else. But first lemme see your sched.” nag-hesitate siya at first pero binigay din naman niya sakin ang isang maliit na piraso ng papel.

Same class pala kami, kaya pala siya binigay sakin ni Sir Boogeyman. Teka? Binigay? Ah binigay na responsibilidad.

“Sundan mo nalang ako, ihahatid kita sa class mo.” I said at buti nalang masunurin ang batang ‘to.

Kakasimula palang ng second sub nang makarating kami.

I excused myself and pinakilala na rin na may bago kaming classmate.

“Ah oo, siya pala yung sinasabi ni Sir Principal. Sige Ms. Mendes maaari ka nang umupo.” Sir Silvario said, he's our teacher in math.

“Please introduce yourself to the class.” kalmadong utos ni Sir, hindi nakakapagtaka kung bakit maraming nagkakagusto kay Sir. First, matured siya syempre adult na. Second, malakas ang dating. Third, yeah hindi ko itatanggi na may hitsura siya, I mean he's handsome. And lastly, matalino na at he's calm. Nakakaakit talaga ang kahit ano sa kanya. Oo, pati ako naaakit sa charm niya.

Nakaupo na ako ng nagpakilala si Arden sa class.

“Hey, my name is Arden Isaiah Lim. I'm from the states.” sabi niya at pinaupo siya ni Sir sa bakanteng upuan na nasa harap ko

“Edi parang wala na siyang summer?” tanong ni January na nasa tabi ko sa akin

“Ganun na nga” sabi ko nalang

“Ang sipag naman mag-aral” bulong ni Mark na nasa kanan ko

Nagpatuloy ang klase hanggang sa nag-break time na kami

Niyaya ni January si Arden but he preferred to be alone.

Habang nasa cafeteria kami at kumakain ay natanong nilang dalawa kung anong nangyari sa office kanina.

Sinabi ko sa kanila na pinarusahan akong maglilinis ng basketball and badminton court pati ng pool every after class sa loob ng isang linggo.

“Don’t worry tutulungan ka namin” sabi ni January

“Hep! May kapalit yung akin!” sabi naman ni Mark

“Ano?” tanong ko

“Tutulungan mo ‘kong ligawan si you know.”

“Sus! Kahit naman walang kapalit tutulungan pa rin naman kita manligaw.” sagot ko

“Oo nga!” sabi naman ni January

“Nga pala, kumalat yung video ng ginawa sayong paghalik ni Jax! Ito oh!” sabi ni Mark at pinakita yung video, nakapost ito sa isang social media site, sa page mismo ng isang gossiper.

Mas lalong kumulo yung dugo ko, kapag nakita ko talaga si Jax malalagot siya sakin.

Pinili ko nalang manahimik kahit ilang beses ko nang pinapatay si Jax sa loob ng isip ko.

What if a boyish fall in love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon