cinco

29 1 10
                                    

Pagkamulat palang ng aking mga mata ay nilibot ko ang tingin ko sa aking kwarto.

Nakita ko si Paper na mahimbing na natutulog sa tabi ko.

Isang linggo na rin ang lumipas mula noong nangyari ang aksidenteng yun, pero sariwa pa rin sa akin ang lahat ng nangyari.

Kung gaano kagalit si Dad sa tatlong lalaki, kinuha pa nga niya yung baril ng isang pulis at itinutok ito sa ulo ng isa sa tatlo. Nagulat ako sa ginawa niyang yun. Ang bilis niya, kung hindi ko lang siya tinawag ay baka naputok na niya ang baril.

Mabilis na natapos ang pagsasampa ng kaso laban sa kanila at sa tingin ko ay may kinalaman dun si Dad. He even filed a restraining order against them para hindi na sila makalapit. The school administration knew about what happened and they were expelled because of it. Now hindi na talaga sila makakalapit. Isang malaking ginhawa sa school at sa akin, dahil wala na sa school perimeters ang mga sira ulong yun.

Naging mas strikto si Dad sa amin, after ng accident ay pinagpatuloy kong i-serve ang punishment sa akin, kahit ayaw ni Dad ay wala siyang magagawa kasi buo na ang desisyon ko. Last week ay hinahatid ako ni Kuya at sinusundo naman ni Dad.

Tiniyak ng eskwelehan na walang makakaalam sa kung anong nangyari at nagpapasalamat ako doon. Kahit sa mga kaibigan ko ay hindi ko na ito nabanggit. Tanging kami ni Arden ang nakakaalam sa nangyari maliban sa mga police officers, yung school guard namin, si Kuya Martin at ang pamilya ko especially si Dad at mga lawyers niya. Hindi naman na nabanggit ni Arden sa akin ang tungkol sa aksidente.

Hindi naman ako na-trauma sa nangyari, sadyang malas lang talaga ako. May mga tanong pa rin sa aking isipan na hindi ko mabigyan ng kasagutan.

Una, paanong may alam si Dad sa paghawak ng baril? Hindi ko aakalain na marunong siyang bumaril, yung pustura niya habang tinututok yung baril parang professional na siya sa paghawak nito. At naaalala ko pa rin yung hitsura niya, parang papatay talaga, yung tipong hindi iyon ang unang beses na pumatay siya.

Pangalawa, si Arden. Paanong ganung oras ay nasa school pa rin siya? Anong ginawa niya nung oras na yun. At isa pa, bakit bigla nalang siyang umalis na parang walang nangyari? Kinabukasan nung nangyari yung aksidenteng yun ay parang nagbalik naman sa normal ang lahat. Sumasama naman sa amin si Arden tuwing break time na, kaso hindi man lang niya ako kinausap tungkol sa nangyari. Ewan, parang hindi ganun ang natural response ng isang tao kapag naka-encounter siya ng ganung sitwasyon. Ni hindi man lang ako tinanong kung ayos lang ba ako, wala kahit isang salita

Lunes nanaman at maaga akong nagising ngayong araw. Sa wakas tapos na rin ang parusang paglilinis. Masaya na sana ang monday ko kaso naalala ko si Jax at yung p*ny*t*ng 'deal' niya.

Tumayo na ako at bago pa man mag-ring ang alarm clock ko ay pinatay ko na ito. Nakita ko namang nagising pala si Paper sa pagtayo ko sa higaan. Nabilhan na siya ni Mom ng needs niya last monday pa, yung dapat kasama ako kaso may nangyari nga. I love Mom, and also Dad kahit nga may kasalanan pa siya sa amin.

Matapos kong maligo at gawin ang routine ko sa bathroom at magbihis na ay lumabas na rin ako sa kwarto, kasunod ko ang cute na baby ko kaso nung bababa na sana ako sa hagdan ay lumingon ako kay Paper at nakitang natatakot siya bumaba ng hagdan, masyado pang mataas ang mga steps sa hagdan para sa kanya kaya ang ginawa ko ay binuhat ko nalang siya pababa.

Nang makababa na ako ay nakita kong nandun na si Mom sa baba at nilapag na sa hapag ang breakfast. Nakita ko naman si Dad na lumabas galing din kusina  at may dalang pitsel ng orange juice at karton ng gatas. Inilapag yun ni Dad at tumingin sa akin.

"Good Morning, sunshine!" bati niya at binati ko rin siya pabalik

"Tawagin mo na ang mga kapatid mo sa taas." wika ni Mom

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What if a boyish fall in love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon