Chapter 4

108 5 0
                                    


The Clubs'

Maxspaun's POV

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng classroom siya na kaagad ang hinahanap ng mata ko.

At hindi naman nabigo ang mga ito dahil nakita ko siyang nakaupo lang sa upuan niya at binabasa ang isang libro.Nakakagaan ng pakiramdam nung nakita ko siya,parang tumahimik ang lahat.Parang nawala ang lahat,at sakanya lang nakatuon ang paningin ko.

Bigla naman akong natauhan nung binatukan ako ni Jake.Tch loko talaga kahit kailan.

Iniwan ko yung dalawa dun sa labas ng room kasi yung Adviser namin ang magaasikaso sa kanilang dalawa.Pumunta nalang ako sa upuan ko at nasa harap ko ngayon ang babaeng tinitibok ng puso ko.Kinikilig ako tss kabaklaan yan Max!Nahihibang ako lalo na nung maamoy ko yung buhok niya.Pakshet napaka as in NAPAKA Bango dinaig pa yung pabango ko eh.

Dumating ang Adviser namin dahil may announcement daw siya.Pero bago daw siya mag-announce ipakikilala muna daw niya yung dalawang SUGPO dun sa labas.

"Goodmorning class.Today i want you to meet your two new classmates."Sabi ni ma'am staka pinapasok sila Jake at Mark.

Nakangiti silang pareho.Tch mga mukang tanga lang eh.

"Please introduce yourselves"Sabi ni ma'am sa kanilang dalawa.Staka sila pinapunta sa gitna.

"Goodmorning classmates ako nga pala si Jake Wren Yanai at your service!"Sabay saludo nya.Muntanga ampt!Nagtawanan naman yung iba naming classmates pero karamihan sa mga babae nagbubulungan na.Nagwagwapuhan ata kay jake,Yak nakakadiri!

"Goodmorning,im Mark Benj Gozon nice to meet you all"Pagpapakilala ni Mark sabay ngiti.Tch isa rin toh eh papogi points pa,wala namang binatbat WHAHAHAHAH.

Naisip ko ano kayang tingin nang babaeng to sa dalawang SUGPO na yon.Does she find them handsome too?arghh!agang aga andami nanamang tanong sa ulo ko!

Biglang nagsalita ng mahina yung kaibigan nung babaeng crush ko.Syempre dinig ko malapit ako eh staka malakas pandinig ko.

"Ang gwapo nila noh?"Tanong nung kaibigan niya.Kinabahan tuloy ako!Type kaya niya ang isa sa dalawang SUGPONG yan?!

"May itsura,pero hindi ko type..."Sabi niya kaya napangiti naman ako.Dapat lang na hindi niya maging type yang dalawang yan o kahit sino mang lalaki!Hindi ko pa nga siya nakikilala magkakagusto na siya sa iba tch bawal yon!

Pinaupo na ng Adviser namin sila Jake at Mark sa mga bakanteng upuan dahil maga-announce na daw si ma'am.

"Ok class it's now time for the announcement."Sabi ni ma'am kaya nanahimik ang lahat at umayos ng upo.

"As you all know BIS has a lot of clubs for you guys to join,at ngayon magsisimula ang mga try-outs sa sports kaya maghanda na kayo.Sports try-outs will be held in the field except for basketball and indoor sport tulad ng Billards at Table tennis.Basketball try-out will be held in our court.Tignan nyo na lang sa bulletin board natin diyan sa hallway ang oras ng mga try-outs.That's all goodbye."Kinuha ni ma'am yung mga gamit niya staka umalis at saka naman pumasok ang lecturer namin.

"Goodmorning class,today we will not be having a discussion bagkus ay kikilanin ang isa't isa.Simple lang ang gagawin nyo sasabihin nyo kung ano yung gusto nyo at ipapaliwanag niyo ito kung bakit niyo ito gusto."Sabi ni Sir kaya isa isang yumayo yung mga classmate namin para sumagot.Hindi ako nakinig dahil hinihintay ko lang ang aking mystery girl para sumagot.Ano kayang gusto niya...

Ilang minuto lang ay tinawag na ang aking mystery girl.Yessssssss!

"Hi im Mia..."Mia?pati pangalan ang ganda ganda!Ano kayang isasagot niya?"Gusto ko...ang Ulan"Ulan bakit naman kaya?"At iisa lang ang rason ko kung bakit ko gusto ang ulan,Bakit?Dahil pwede mo maitago ang mga pinagdaraanan mo dito.Kasabay ng Pag-agos ng luha mo ay ang pagbagsak ng ulan sa mata mo.Hindi ko nga alam kung bakit ganon ako kasi tuwing may problema ako isinasabay ko ang luha ko sa patak ng ulan para maitago ito at masabi sa sarili na ayos lang ako.Alam kong sarili ko lang ang niloloko ko pero nakakatulong ito sa akin kahit papaano."
Nakatalikod siya sakin pero ramdam ko yung lungkot at yung pinaghuhugutan niya.Nabalot ang classroom ng lungkot dahil sa sinabi niya.Totoo naman kasi eh pwedeng mong itago yung mga luha mo sa ulan...

He's Into Her Season 4 [ Unexpectedly Yours ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon