Chapter 7

82 5 0
                                    


Hell'a Day'

~*~

Mia's POV





Nag-sorry nga yung manyakis na yon pero paglabas na palabas namin sa Dean's Office agad akong sinamaan ng tingin. Haleeerr? Sya na nga itong nangmanyak tas' sya pa magagalit! May sayad ba brain niya? Tss.

Naglalakad kaming pareho ni Ashley sa hallway pabalik sa classroom.

"Ang kapal din nung Max nayun noh?! Akalain mo, sya na nga tong' nambastos, siya pa ang galit!"Galit na sabi ni Ashley habang padabog na naglalakad.

"Teka, ang OA mo naman, ikaw ba yung binastos hah? Kung maka-react ka dinaig mo pa ako! Feeling? feeling?"Pang-aasar kong tanong tsaka humarap sa kanya.

"Uhm, helloooooo Bestfriend ako diba? At tsaka hindi ako OA! Concern lang tch!"Singhal niya sakin sabay lakad palayo.

Ay naasar HAHAHAHAH.

Bwisit! Iniwan ako nung loka-lokang yon! Argghh.

Lutang ako habang naglalakad, nang may biglang bumangga sakin. Na-out of balance ako at muntik ng mahulog sa sahig, ng biglang may sumalo sa akin.

Alam nyo yung mga dramatic scenes sa movies? Yung babae madudulas tapos sasaluhin nung lalaki at staka sila magkakatinginan?

Well, kung minamalas nga naman. Ganon ang nangyari sa'kin at ito pa, hindi lang kung sinong lalaki ang sumalo sa akin kundi isa lang namang
Liam Jake Sanchez. Oo, si Liam. Ang lalaking sikat na sikat sa Campus aside from that Manyak.

dO////Ob <- Me

Wait, sinabi ko na ba sainyo na crush ko siya?

Classmate ko si Liam simula 1st year highschool. Isa siya sa mga dahilan ko rin kung bakit ako nag-enroll dito sa BIS.

Pero sadly, nagka-girlfriend siya nung 3rd year na kami at si empaktang Seraphina lang naman iyon.

Mabait si Liam, tinuturing niya akong maliit na kapatid kaso hindi niya na ako masyadong pinapansin. Syempre popular siya at mataba pa ako non. I was just a nobody back then pero dahil nga sumexy ako, i got everyone's attention.

And i dont like it. Ayokong may nakakapansin sakin dahil bawat galaw mo may sinasabi sila.

Soooo ayun nga, nandito ako ngayon sa eksenang hindi ko aakalaing mangyayari sa'kin.

"Ok ka lang Mia?"Nag-aalalang tanong ni Liam kaya agad naman akong umayos ng tayo at umalis sa bisig niya.

"A-Ah, oo ayos lang ako hehe."
Napapahiya kong sagot, dali-dali kong pinulot ang mga nahulog kong gamit at...

Nangyari nanaman ang isa rin sa pinaka, as in PINAKA common na nangyayari sa mga pelikula at yun ang
...

Drum roll please...
(Hehehe)

Alam nyo yung nahulog nung babae yung mga gamit niya tas tutulungan siya nung lalaki at habang pinupulot nila ang mga gamit ay naghawak ang kamay nila?

Yun! Yun ang nangyari sakin.

*DugDug*  *DugDug*  *DugDug* 

*DugDug*  *DugDug*  *DugDug* 

*DugDug*  *DugDug*  *DugDug* 

Lord, sign na po ba ito? Hindi naman po sa nagrereklamo, pero thank you lord! Nahawakan ko kamay ni crush uweheheheh...

Pagkatapos nung milagrong yon ay kinuha ko na ang mga gamit kay Liam at agad tumayo.

"Uh Thanks Liam..."Nakangiti kong pasasalamat.

d^__^b

"Welcome, mag-iingat ka sa susunod ha? Baka wala ng sumalo sayo."Aniya ni Liam.

Kikiligin ba ako o magagalit? Parang insulto yon na parang hindi. Eh! Bahala na nga si Batman basta ako masaya hihihi...

Sabay na kami pumasok ni Liam sa classroom kasi classmate ko rin naman siya.

Pag-pasok naming dalawa ay agad tumahimik ang lahat.

Ano, may nag-daan bang Anghel?

Masama ang tingin sa'kin ni Seraphina, tch like i care?

Napatingin naman ako dun sa Wirdong/Manyak na lalaki at nakita kong naka-kunot ang noo nya at naka-kuyom ang kamay.

Tss anong problema nito?

Hindi namin sila pinansin ni Liam, agad lumingkis si Seraphina sa kamay ni Liam at ako naman ay dumeretso na sa upuan ko.

Uupo na ako ng biglang hilahin ni Max ang upuan sa kanya, nahulog tuloy ako sa sahig.

Aray! My precious butt...

Sinamaan ko yung kumag na yon ng tingin at agad tumayo. Binaba ko ang bag ko pati narin ang mga gamit ko at bumwelo.

Dahil nakaupo siya nung time na'yon nababagay sa kanya ang swirl kick ko.

Bumwelo ako at umikot tsaka tinaas ang paa at sinipa ang gilid ng ulo niya. Tsk tsk tsk...

Yun! Knock-out heheh.

Agad naman nag-ingay ang mga kaklase ko at agad-agad nilang binubat si kumag papuntang clinic.

Lumapit naman sakin si Ashley na parang batang tuwang-tuwa at nag-tatatalon.

"O.M.G! I'm so proud of you besty! Bagay lang sa kanya yung ginawa mo!"Masayang sabi ni Ashley at sinamahan pa ng palakpak.

"Serve's him right."Nakangisi kong sabi at tsaka kinuha ang upuan ko at umupo ng maayos.

Mark's POV

Buhat-buhat namin si Max na dinala sa clinic for the second time today.

Astig ni Mia Hahahahah knock-out kagad si Max!

Agad namin siyang hiniga sa kama ng clinic at hinintay ang Nurse.

"Sus maryosep! Kayo nanaman?!"Singhal ng nurse sa amin.

"Ahh hehe...Hi po."Nakangiting bati ni Jake.

"Oh yung kaibigan nyo nanaman ang may sapak? Habulin ata yan ng gulo eh."Natatawang aniya ng nurse.

"Opo, habulin din po ng babae hehe."Biro ko, tumawa naman sila ni Jake.

Sinimulan na ng nurse na tingnan si Max at gamutin ang bangas sa muka.

"Alam mo Mark, nababagay lang yan kay Max, siraulo eh. Yan napatulog tuloy HAHAHAHAH"
Aniya ni Jake.

"Bilib talaga ako kay Mia eh. Biruin mo, hindi man' lang siya natakot na patulan ang apo ng may ari ng BIS."Aniya ko tsaka humagalpak ng tawa.

"Hahahahah oo. At eto pa, crush niya si Mia tapos sinapak lang siya HAHAHAHAHAH."Tawa kami ng tawa ni Jake.

"Hoy! Hindi ko na siya crush noh!"Sigaw ni Max.

Gising na pala ang loko hahahahah.

"Sus in-denial ka pa bwahahahah."Pang-aasar ni Jake.

"Ewan ko sa inyo!"Inis na sigaw ni Max.

"Hahahahah pikon!"Tawa ko sabay turo sa kanya.

"Bala ka na dyan Max. Alis na kami hah? Ikamusta mo nalang kami sa muka mong nasapak Hahahahah."
Lumabas na kami ni Jake at bumalik sa klase.



What a Hell'a Day.




~*~

To Be Continued ~

He's Into Her Season 4 [ Unexpectedly Yours ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon