Prologue

5 1 0
                                    

Pagkatapos ng napakahabang oras ng pagkakaupo sa loob ng silid paaralan ay naisipan kong pumunta sa Seven Eleven na nakatayo lang naman sa harap ng school na pinapasukan ko. Tatawid na sana ako ng kalsada ng bigla akong tawagin ng mga kaibigan kong nakatayo hindi malayo sa kinaroroonan ko. 

"Andaya mo hah may plano ka palang lumabas  ngayon hindi mo man lang kami inakit" nakangusong sambit ni Cath,  mukhang magtatampo na naman ang mga 'toh sa akin ayaw ko pa naman ng may katampuhan.

"Kung hindi ka pa namin hinanap kay Mr. Eros hindi pa namin malalamang nakaalis ka na pala" nagtatampung sambit naman ni Ly.  May magagawa pa ba ako sa mga ito eh sila na yata ang tao sa mundong ayaw kong maging katampuhan maka-away pa kaya.

"At kung hindi pa kita nakita palabas ng Campus ay hindi ka pa namin m-"

"Okay na guys" pampuputol ko sa sasabihin pa sana ni Ced.  "Bibili lang naman ako ng pagkain" sambit ko sabay turo sa Seven Eleven na tinanguhan lang naman nila.

"Sama kami! " masiglang sigaw ni Cath.  Hindi na ako nagsalita pa at agad silang tinalikuran nagulat na lang ako ng may dalawang kamay na nakatali sa braso ko-magtataka pa ba ako sa mga kaibigan ko. Hobby na nila yun kaya hinayaan ko na lng sila.

--------------

"Andami niyan ah, kaya mo ba yang ubusin? " nagkibit-balikat lang ako bilang sagot.

"Hala bumili ka tapos di mo alam kung kaya mong ubusin lahat ng yan" nagtatakang tanong pa ni Windel. Mabilis kong kinuha ang mga pinamili ko at agad na lumabas patungo sa mga tents na nasa labas at inilagay  ang lahat sa bag ko.

"Problema nun?  Bakit parang iba yata ang mood? " rinig kong saad ni Cath kay Ly na mukhang sinang-ayunan naman ng dalawang lalaki. Halata ba na wala ako sa mood ngayon?  Mukha nga,  hindi naman ako ganito kung makipag-usap sa kanila. Ayan na divert na Naman Ang isip ko. Nakakainis naman kasi bakit ba kailangang sa bahay pa sila mag-stay? Pwede namang mag hotel na lang sila o kaya ay umupa ng bahay. Yan tuloy ako na naman ang mahihirapan.

"Zowie ayos ka lang ba? " nag-aaalang tanong ni Ly na mabilis ko namang tinanguhan.

"Bakit mukha bang hindi ako okay? " tanong ko rito pero sa halip na matinong sagot ang makuha ko ay isang matamis na ice cream ang dumapo sa mukha ko. At huli na ng marealize kong lahat sila ay may hawak na ice cream.

"Yeah bakit niyo ako nilagyan ng ice cream sa mukha" pagmamaktol ko dito pero sa halip na matakot sila ay pinagtawanan pa nila ako kaya dahil sa inis ay mabilis kong hinawakan ang kamay ni Ced at Windel at idinikit ang ice cream sa pagmumukha nila.
"Ayan quits  na tayo" pang-aasar ko naman sa dalawang lalaki at tulad ng inaasahan ko ay hindi rin nakaligtas ang dalawang babae kaya ang kinalabasan lahat kami puno ng cream sa mukha at ang mas masaklap pa ay nalagyan namin ng cream ang mga table at clothings kaya ang ending ay pinaglinis kami ng may-ari ng store.

----

"Ayan tapos na" masiglang saad ko matapos kong isampay ang mga telang katatapos ko lang labahan. Napatingin ako sa langit ng makita ko ang napakaraming stars at ang maliwanag na buwan.  Hindi ko akalaing sa ganitong sitwasyon ko pa makikita ang mga bituin sa kalangitan,  siguro sa mga araw na lumipas ay ngayon ko na lang ulit nakita ang kalangitan.  Nasanay na kasi ako sa araw-araw kong routine- pagkatapos sa school uuwi ng bahay at magrereview o kaya naman ay maglilinis kaya hindi ko na namamalayan ang mga bituin sa tuwing gabi. Masasabi ko bang tao pa rin ako sa ganitong routine ko sa buhay. Parang puro na lang araw ang nakikita ko at bilang na lang sa daliri ko ang mga araw na nakita ko ang mga bituin sa kalangitan tulad ngayon,  salamat talaga sa pagkakataong ito na muli kong nasilayan ang ganda ng gabi.

Napabuga na lang ako ng hangin ng maalala ko na hindi na nga pala ako magiging tahimik ngayong susunod na mga araw,  mukhang lagi ko na ring makikita ang tunay na kahulugan ng kadiliman. Mukhang mas mangingibabaw ang dilim kaysa sa liwanag...  Hays heto na naman tayo sa pagiging negatibo... 'Zowie just think positive okay?  Walang mangyayaring masama at lalong walang mangyayaring negatibo'

BreathlessWhere stories live. Discover now