Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ko ngayong araw. I thought hindi na ako magigising pagkatapos ng nangyari kahapon. Halos mabaliw na ako kakaisip kung paano pa ba ako magigising o baka nga ay hindi na ako magising.
Napabuga na lang ako ng hangin at nanghihinang bumangon. Tinignan ko ang wall clock na nakalagay sa tabi ng kama ko napasinghap na lang ako ng makita ang orasan ' Alas-kuwatro pa lang ng umaga'.
I look myself at the mirror and end up being hopeless ng makita ko ang sarili kong pigura sa salamin, dinaig ko pa ang mga zombie sa Train to Busan, my eyes are black as charcoal and my hair are really in mess na para bang Ilan taong hindi napaliguan."Pull yourself Zowie! hindi pwedeng ganito ka nalang palagi!" Wala ano-anong sinabunutan ko ang aking sarili. Ang magulo kong buhok ay lalo pang naging magulo. Gosh Para na akong basura.
Mabilis kong ikinuyom ang aking mga kamao ng maalala ko kung anong nangyari kagabi. Pagkatapos ng nangyaring training ay agad akong hinila ng mga kaibigan ko para umuwi. Wala akong nagawa dahil ubos na rin naman ang lakas ko at pagod na pagod na rin ako at kung paano ako nakauwi ay ipinagpapasalamat ko sa mga kaibigan kong siyang naghatid sa akin.
That man! Pilitin ko mang alisin ang pagmumukha ng lalaking yun sa isip ko ay hindi ko magawa, para na siyang nakabara sa sistema ko at naghihintay na lang na mawala. Naalala ko kung paano siya ngumiti sa akin, para siyang nanalo sa loto na kulang na lang ay abot tainga ang ngiti.
Maaga pa kaya naisipan kong lumabas ng kuwarto, namalayan ko na lang na nasa harap na ako ng pool kung saan ito ang lugar na iniiwasan ko. Natatakot man ay pilit kong tinahak ang daan patungo sa garden, doon ko talaga planong magpahangin ang kaso ay kailangan kong dumaan sa pool para makapunta doon. Gusto kong umalis agad sa pool kaya pilit kong iniiwasang tumingin sa pool at tuwid akong tumingin sa daan, hindi ako naglakas loob na lingunin ang tubig, I'm scared kulang na lang ay matumba ako sa takot.
Para akong nabunutan ng tinik ng tuluyan na akong nakarating sa garden. Wala itong pinagbago't taglay parin nito ang dati niyang ganda. Kahit madilim ay nakikita ko ng maliwanag ang mga natutulog na bulaklak, dahil sa ilaw na nagmumula sa lamp posts at buwan na nagbibigay liwanag sa paligid ay nakikita ko ang lahat sa paligid ko.
Winaksi ko ang lahat ng nasa isip ko at hinayaang dumampi sa aking balat ang malamig na hangin. Niyakap ko ang aking tuhod at masayang pinagmasdan ang kalangitan. Hindi ko inaasahang makikita kong muli ang mga bituin sa kalangitan, mas maganda ang itsura nito ngayon kaysa kagabi, maliwanag kong nakikita ang lahat at talagang napaka-aliwalas nito sa mata.
Mabilis kong niyakap ang aking sarili ng may dumaang malakas na hangin, malamig ito dahilan para unti-unting tumaas ang mga balahibo ko.Nabaling ang atensyon ko sa telang nakabalot na ngayon sa katawan ko.
"Malamig dito sa labas bakit ka nandito? Baka magkasipon ka?" nag-aalalang sambit ni Nanay Lory. Umupo ito sa tabi ko at inayos ang pagkakabalot ng kumot sa akin.
"Bakit po kayo nandito?" Balik tanong ko rito.
"Hindi ba't ako ang unang nagtanong? Dapat lang na sagutin mo muna ako" kunot-noong sambit nito na ikinangiti ko.Nakasimangot niya akong hinarap ng makita ang reaksyon ko. "Ikaw talagang Bata ka lagi mo na lang akong pinag-aalala akala ko kung saan ka na pumunta dito lang pala kita makikita" mabilis kong hinawakan ang kamay niya. Isa sa mga taong pinapahalagahan ko si Nanay Lory, siya ang tumayo kong Ina simula ng mawala si Mommy kaya ganito na lang ang pag-aalala niya ng malamang wala ako sa kwarto.
"Saan naman po ako pupunta? Wala naman po akong ibang lugar na pwedeng puntahan" mapait itong ngumiti sa akin at hinawakan ang aking mga kamay tulad ng ginagawa niya kapag nalulungkot ako.
"Ikaw talagang Bata ka sino nagsabing wala ka ng ibang pupuntahan? Nandito lang naman ako pwede mo akong lapitan anumang oras, hindi man ako kasing ganda ng hardin na ito ay kaya naman kitang pasayahin sa sarili kong pamamaraan" mabilis ko siyang ginawaran ng mahigpit na yakap at ramdam ko kung paano niya ako damayan. Kahit kailan talaga hindi siya sumasablay sa pagpapagaan ng loob ko.
YOU ARE READING
Breathless
DiversosEvery person has their own limitations ******** Simula ng ipanganak si Zowie sa mundo ay kinamuhian na siya ng mga pinsan at kamag-anakan nila. Para siyang sumpa kung tratuhin- iniiwasan, nilalait at pinapahirapan. Subalit katulad ng mga karakter s...