Chapter 1

7 0 0
                                    

" Have you heard the news? The pandemic is spreading so fast like a wildfire soon enough we will all be gone. Bilisan mong kumilos hindi dapat tayo mag sayang ng oras."

Her mom said sabay sirado ng mga bintana at pinto. Panay rin ang pag mamatyag nito sa mga ingay sa labas na parang nag tatago. Nag-mamadaling pinag-empake siya nito ng mga damit kaya dali dali naman niya itong sinunod at hindi na nag tanong pa kung bakit. Hindi niya alam kun saan sila pupunta, ang tanging sinabi lang nang ina niya ay kailangan nilang makalayo agad sa lugar na iyon.

Ni wala siyang maintindihan kung ano nga ba talaga ang nangyayari. Hindi niya alam kung ano ang tinatakasan nila at parang takot na takot ito matapos ang pag-uusap nila ni Dr. Wyette sa telepono.

Dahil sa pag-mamadali ay isang Black sando at white shorts lamang ang nasuot niya na ipinares niya sa isang kulay puting rubber shoes. Itinirintas na lamang niya ang mahabang buhok. Her mom gave her a gun na hindi niya alam kung para saan at bakit kailangan mayroon siya nito. Alam niyang nanganganib ang buhay nila sa pagkakataong iyon, marahil ay may kinalaman ito sa trabaho nang kanyang ina.

" Let's go Ingrid, doon na tayo sa backdoor dumaan. Dalian mo nandyan na sila. "

" Who are they Mom?"

Naguguluhang tanong niya sa ina.

" Stop asking questions Ingrid, we are running out of time."

Mahina ngunit may diing pahayag nang kanyang ina sabay hila sa kanya sa kamay at tahimik pero mabilisang naglakad takbo papunta sa backdoor. Sinenyasan siya nitong huwag gumawa ng ingay.

" MOM!"

Malapit na sila sa backdoor ng biglang matumba ang ina niya, gulat at takot ang naramdaman niya nang makitang duguan ang likod nito. Naka-suot ito ng puting blouse kaya madali niyang nakita ang ang unti-unting pagkalat ng dugo at ang tatlong tama ng bala sa likod nito. Naka-silencer ang baril na ginamit sa kanyang ina dahil hindi ito gumawa nang ano mang ingay at malakas ang pakiramdam ng taong bumaril dito dahil nagawa pa rin nitong tamaan sa likod ang ina niya kahit madilim ang buong bahay pati na ang paligid. Napa-higpit nag hawak ng ina niya sa kanyang braso, may dinukot itong isang maliit na bote mula sa bulsa ng pantalon nito.

" I-ingrid, take this vial don't let anyone get their hands on this. It is very important, give this to Dr. Wyette he knows what to do. Go! "

" But Mom, I can't leave you like this" she said while tears are streaming down her face.

" W-we don't have much time Ingrid, go now they're coming that vial is more important than my life protect it against all odds! GO!!! "

Malakas na kalabog ang narinig nila mula sa sala ng bahay. Inilabas ng ina niya ang revolver nito at nag handa nang magpa-putok. Alam niyang nakamatyag sa kanila ang kung sino mang bumaril sa kanyang ina.

" Umalis ka na I'll cover you, remember what I always told you, stay focused. I love you darling. Be careful live for me o-okay?"

Her mom said and gave her a peck on her forehead. She just replied with a nod and hugged her Mom. Her mother softly smiled at her like telling her to calm down and grasp the situation. Kahit nag-aalangan ay mabilis ang kilos na isinukbit niya sa likod ang kanyang itim na backpack at inilabas ang kanyang 9mm pistol.

You need to focus, Ingrid

Magka-halong takot at kaba ang nararamdaman niya para sa ina ngunit pinili ni Ingrid na kunin ang vial sa kamay nito at patakbong tumakas gamit ang backdoor. Muntikan pa siyang madapa ngunit sinikap niyang makalayo. Walang nakaharang na pader sa bahay nila kaya malaya siyang nakatakbo habang nagmamatyag sa paligid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Solace 100Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon