🌠IV 🌠

52 6 9
                                    

"Anong oras na Aya?!!" Sigaw ni Athena na natataranta sa oras.

Unang araw ngayon ng pasukan ngunit late nagising si Aya kaya ngayon ay minamadali siya ng ate niya sa pagligo.

"Patapos na ate Athe!" Nagmadaling lumabas ng cr si Aya at tumakbo paakyat ng kaniyang kuwarto para magbihis ng uniporme.

Di nagtagal ay natapos rin si Aya sa pag-aayos ng kaniyang sarili. Dali-dali siyang bumaba at doon ay naabutan si Steven na nakatayo sa may pintuan. Suot nito ang kumpletong uniporme; puting polo, khaki pants, at black leather shoes.

"Good morning" ang bati ni Steven kay Aya na ngayon ay nasa huling hakbang ng kanilang hagdan.

Suot ni Aya ang puting blouse na may green na ribbon, dark green na palda at black shoes, at naka-ponytail na buhok.

"Tayo na?" Ang tanong ni Steven.

"Agad-agad?"

"Huh?" Pagtataka ni Steven sa sagot ni Aya.

"Agad-agad ka diyan? Tingnan mo kaya kung anong oras na oh. Male-late pa kayo ni Steven. Kung kailan first day oh." Pagmamadali sa kanila ni Aling Ali.

Sinukbit na ni Aya ang kaniyang back pack sa kaniyang likuran at bumeso sa kaniyang ina.

"Salamat po, tita. Mauna na po kami." Paalam ni Steven.

"Bye, ma!"

"Sige, mag-iingat kayo ah. Good luck!"

Sumakay na sila sa loob ng sasakyan nina Steven.

"Good morning po, tito, tita. Sorry po, medyo na-late ng gising." Paliwanag ni Aya sa mga magulang ni Steven na nakaupo sa unahan ng sasakyan.

"Ayos lang. Ito namang si Steven sobrang aga gumising. Masyadong excited yan na makasama ka sa iisang school." Kuwento naman ng papa ni Steven.

"Are you sure, anak that you want to study at Santa Lucia? We can still enroll you back sa Witherford International Academy, at least do'n marami ka nang kakilala even the teachers." Pag-aalala ng kaniyang ina sa kaniya.

"Don't worry, ma. Tsaka sobrang mahal dun and boring. And besides..." tumingin sa katabi niyang si Aya at inakbayan ito, "kasama ko naman si Aya. Kaya I know everything will be alright."

"Okay. I trust you naman, anak." Tumingin si Aling Tessa kay Aya, "please take care of my unico, ah. Pag may problems or concerns kayo, just call me right away, okay?"

"Sure po, tita!" Sagot ni Aya.

Tumingin ito kay Steven at pasimpleng tinanggal ang braso na nakaakbay sa kaniya.

Nakarating sila nang Academia de Santa Lucia nang sapat lang sa oras. Medyo malaki rin ang paaralang ito. Private school pero di naman kamahalan ang tuition fee. Maraming mga mag-aaral dahil simula kinder hanggang high school ang mga nag-aaral dito.

"Good luck sa'nyo! See you later!" Ang paalam ni Mang Joel sa dalawang bata.

"Uy, kanina mo pa ako hindi pinapansin." Ang sabi ni Steven kay Aya.

Just Another StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon