🌠XI 🌠

20 2 18
                                    

Nakatayo sa harapan ni Aya ang isang lalaking nakasuot ng hoodie na kulay itim. Alam niyang taga Academia rin ito dahil sa kulay na suot na pantalon. Medyo natatakpan ang mukha nito ng suot na hood sa ulo pero kita ang seryosong mukha nito na para ba'ng hindi ngumingiti.

Hindi pa rin matigil ang pagtulo ng luha ni Aya dahil sa nangyari. Nanginginig pa rin ang kaniyang mga kamay at hirap sa paglakad.

"Si--sino ka?" Tanong ni Aya.

Lumapit ang lalaki sa kaniya.

"A--anong gagawin mo?" Takot na tanong ni Aya.

Kinuha nito ang bag ni Aya at mga hawak na libro nito.

Naunang maglakad ang lalaki sa kaniya at naiwan siyang nakatayo, lumuluha. Huminto ang lalaki sa paglalakad at nilingon siya.  Nilapitan siya nito at inabutan ng panyo.

Tiningnan muna ni Aya ang panyo pagkatapos ay humarap sa lalaki.

"Malinis yan." Ang sabi ng lalaki.

Tinanggap ni Aya ang panyo at nagpunas ng mga luha at pawis sa kaniyang mukha.

"Kaya mo na ba?" Tanong ng lalaki.

Tumango si Aya at naglakad na sila papunta sa sakayan ng jeep. Tahimik lang ang naging lakad nila. Wala nang tanong tanong. Hindi tinatanggal ng lalaki ang suot na hood sa ulo nito. Hanggang sa makarating na sila sa sakayan. Inabot na ng lalaki ang mga gamit ni Aya sa kaniya.

"Sa--salamat ah." Ang sabi ni Aya.

Nanginginig pa rin si Aya kaya medyo mabagal ito sa paghakbang papasok sa upuan sa tabi ng driver. Nang humakbang siya paakyat ng jeep ay dumulas pa ang kaniyang mga paa, mabuti na lamang at nasa likuran niya pa ang lalaki kaya nasalo siya nito.

Inalalayan siya nito sa pag-akyat pagkatapos ay sumunod ito sa pagsakay.

"Ba--bakit ka sumakay?"

Hindi sumagot ang lalaki at nakatingin lang ito sa malayo.

"Ha? A--ayos na ko."

Pero hindi pa rin sumagot ang lalaki. Umandar na ang sinasakayan nilang jeep. Hindi sila nag-usap buong biyahe kaya medyo nag-aalala rin si Aya dahil hindi niya kilala ito. Hanggang sa nakarating na sila sa kanto ng subdivision nina Aya.

"Di--dito na ako. Thank you ulit."  Ang sabi ni Aya. "Ano pala'ng pangalan mo?

Nagpalingon-lingon muna ang lalaki sa paligid at pagkatapos ay tinanggal nito ang hood sa kaniyang ulo.

Doon ay nasilayan ni Aya ang mukha ng lalaki. Makapal ang mga kilay, may pagka-singit ang mga mata, matangos ang ilong, at mala-rosas na kulay ang mga labi ngunit hindi ngumingiti. Seryoso ang mukha nito.

"Gabriel."

"Gabriel?"

Tumango ang lalaki bilang tugon kay Aya. Inabot ni Aya ang kaniyang kamay dito. Pero tiningnan lang siya nito kaya binaba niya na lang dahil sa seryoso ang tingin nito.

"Yung panyo mo nga pala, lalabhan ko na lang muna. Sasauli ko na lang sa'yo."

"Wag na. Tapon mo na lang yan."

"Aya... si--sige, uuwi na ako. Salamat." Lumakad na si Aya papasok ng kanilang subdivision. At nang kaniyang lingunin ang lalaki ay wala na ito sa kaniyang kinatatayuan.




Just Another StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon