Blog#1 Finding Jowa

33 5 0
                                    

Hi readers!

This is my first time writing a blog. San ko 'to nalaman? Wala lang, nakita ko lang.

Ako kasi yung tao na kapag nakakita ng isang magandang bagay sa iba ay gusto ko din gayahin. Inggitera? Hindi ih. Para sa akin kasi ang inggitera ay gusto mo yung bagay na meron sa iba at gusto mo silang palitan sa pwesto nila. Ako naman, oo gusto ko din magkaroon, pero I'm happy for what others have achieved. Siguro ang tamang terminolohiya sa akin ay Copycat. (Ang lalim ng terminolohiya ah, pwede namang term nalang)

Eto na nga, yung mga kaibigan ko may love story na ako nalang ang wala. Gusto ko ng magkaroon ng boyfriend pero bakit ganon wala kasing nanliligaw sa akin. Madami naman akong katangiang M...

M-abait
M-atalino
M-aka-Diyos
M-Mapagmahal
M-a...
Ma...
Hmmm...
M-akakalikasan

Oh, diba? Ayaw pa ba? Hindi ko talaga alam kung bulag ba ang mga lalaki o kung kailangan ba nilang maging bulag para lang magkagusto sa akin. Well, panghawakan nalang natin ang katagang Love is blind.

Okay, matyagang mag-aantay nalang ako dito baka
kaya natatagalan ay dahil naligaw lang ang Love kasi bulag nga.

Oh, tama na. Corny na. Sorry na haha bored lang.

Anyways, thank you for reading up to this point, matyagang reader.

Will update my blog every once in a while to keep you posted with my #BoringLife.

Kaya ngayon palang, Good luck.

Blog of a CopycatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon