Blog#4 50 pesos

19 2 0
                                    

Uy, Monday na ulit. Medyo bangag lang ako ngayon dahil 2am na akong natulog. Kung alam ko lang kung anong mangyayari ngayong araw edi sana nag-beauty rest nalang ako kagabi.

Kahit na puyat ay pumasok ako ng maaga, ayaw kong ma-late dahil mahigpit ang professor namin sa unang subject na Macro-economics.

Siya yung Professor na nagpapa-recitation at kapag di mo nasagot ang tanong niya ay mananatili kang nakatayo o kaya naman kapag nasagot mo ay tatanungin ka niya ng tatanungin hanggang sa hindi mo na masagot at hindi ka na rin makaupo.

Pero sa babae niya lang yan ginagawa, paborito niya ang mga lalaki. Hindi ko alam kung bakit, ang alam ko lang matandang dalaga siya.

Ayon, nakaraos naman ang tatlong oras ng klase niya na hindi ako natatawag. Medyo sumakit lang ang batok ko dahil sa pagtungo. #TakotMatawag

At dumating na ang lunch time, hindi ko alam na may pinaplano palang kalokohan ang bestfriend kong si Julius. Sabi niya mag lunch out daw kami, edi pumayag ako. Siya na din ang namili kung saan kami kakain. Jollibee.

Pumili na kami ng upuan pero pansin ko na hindi magkaintindihan si Julius. May tinetext siya, akala ko naman si Danica lang na girlfriend niya kaya hindi ko na tinanong.

Magkakaibigan na kami nila Julius at Danica simula palang noong Elementary hanggang sa magkagustuhan yung dalawa noong first year high school kami.

Ang aga nila lumandi, noh?

Naiisip niyo na ba kung gaano katagal ko ng tinitiis na may naglalambingan sa harapan ko? Tapos kapag nag-aaway pa sila, pinag-aagawan nila ako. Kulang nalang hatiin ko ang katawan ko para icomfort sila ng sabay.

Road to five years na sila next week at ayon may planong surprise si Julius kay Danica. Siya ang taga plano tapos ako ang taga-gawa. Napakaulira kong kaibigan.

Joke.

Syempre may kapalit 'yon.

Sabi ko kay Julius, libre niya ko ng lunch for 1 week.

"Nara, anong order mo? Ako na ang oorder." Sabi ni Julius.

"C3, spicy chicken. Sprite yung drinks."

"Ang mahal nun ah."

Ngumisi ako. "Sige, di ko nalang gagawin ang plano mo."

"Joke lang." Agad niyang bawi. "Baka may iba ka pang gusto? Spaghetti, ice cream, fries?"

"Hmmm, si Lester. Siya ang gusto ko." Biro ko. Crush ko na si Lester simula High School palang. Ahead siya sa amin ng isang taon kaya nang malaman ko na dito sa university na 'to siya papasok ay pinagbutihan ko ang pag-aaral para pumasa ako sa entrance exam. Ginaya ko na din ang course niya na Accountancy.

Pero actually, hindi naman ako umaasa na magugustuhan niya ako. Gwapo, matalino, talented, at sikat siya. Kahit na sa iisang high school kami nag-aral for sure kahit pangalan ko hindi niya alam.

"Gustong-gusto mo talaga siya ha."

"Bago ba sayo?" Taas kilay kong tanong.

May kinuha siya sa bag na customized notebook. May design itong rose at may magandang lettering na ANGEL sa gitna. Nagbebenta kasi si Lester non sa buy and sell na page ng university namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blog of a CopycatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon