Blog#3 Iiyak ka ba?

25 2 0
                                    

Pumunta kami kanina ng aking mga magulang at pinsan sa Southwoods para ipasyal ang aming baby dog sa bakanteng lote, pagkabukas ng pinto ng aming kotse ay may narinig kaming iyak ng babae. Hindi ko tiyak kung saan galing 'yun, inakala ko pa ngang may multo kasi diba ganoon sa Pinoy horror movies? Ngunit tao pala siya, nakaupo siya sa damuhan habang kaharap ang lalaki na nakaupo sa motor. Hagulhol siya ng hagulhol, hindi ko alam kung anong problema pero sigurado ako tungkol sa love life iyon.

Ganoon naman talaga diba? Kapag may magkasamang lalaki at babae tapos may umiiyak sa kanila, ibig sabihin noon may L.Q. sila. Alam ko, isa 'yang malupet na conclusion na maiisip lang ng mga ekspertong tulad ko. Ikaw ba naisip mo din 'yan?

Inaamin ko na may pagka-chismosa ako, gusto kong malaman ang nangyari pero hindi naman siguro tama na tabihan ko sila para marinig sila diba?

Tinanong ko nalang ang aking pinsan kung ano sa tingin niya ang nangyari.

Nakikipag-break daw 'yung lalaki tapos ayaw pumayag nung babae.

Napataas ang kilay ko, bakit kailangan mo pang umiyak sa harap ng lalaki? Ginagawa mo lang tanga ang sarili mo. Ayaw na niyan sayo at hindi iyon mababago sa pag-iyak mo. Hindi ka man niya hiwalayan dahil sa pagmamakaawa mo, wala nanaman sayo ang puso niya. Sa tingin mo ba magiging masaya ka kung hindi masaya ang taong mahal mo at napipilitan na lang siya sayo? Sa huli, magiging toxic lang ang relationship niyo para sa inyong dalawa. Mas lalong masakit pa para sa parte mo kasi ang mangyayari para bang pipilitin mong hawakan ang hangin kahit hindi naman pwede at para kang naghahabol ng buwan sa langit ngunit hinding hindi mo maabutan. Frustrating and tiring.

Break up din ang ending niyan.

Why don't you save yourself from more pain by ending it up now?

Sabi ng pinsan ko, "Syempre mahal mo kaya mo iiyakan, hindi ka pa kasi na-i-in love."

Okay, that's a foul.

Blog of a CopycatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon