Blog#2 Takbo

30 6 0
                                    

Good evening.

Sobrang nakakapagod ngayong araw. Alam niyo ba kung bakit? Ikaw ba naman maghabol ng tricycle eh.

Ganito kasi 'yon, pauwi na ako at kakatapos lang ng midterm namin. Habang nasa daan ako iniisip ko pa din ang mga sagot ko kung tama ba. Iba kasi ang sagot ng nakakaraming kaklase ko kumpara sa akin.

Hays. Baka bumagsak ako.

Pumila ako sa tricycle kaso noong ako na ang sasakay, pinaupo ng dispatcher yung babae na naka-miniskirt sa loob kahit na mas nauna ako sa kaniya.

Badtrip.

Edi sa likod ako sumakay, ayaw ko pa naman don dahil hindi ako sanay. Fyi, mahinhin ako, yung thoughts ko lang ang hindi haha.

Isip-isip ko lilipat talaga ako sa loob kapag may bumaba. Pano ba naman, yung inuupuan ko may humps na natutusok yung gitna ng pwet ko. Ayaw ko naman ma-virginize ng bakal ng tricycle.

Hindi ko na din mabilang kung ilang beses na akong nauntog sa bubong ng tricycle. Dapat pala pinapasakay sa backride yung mga tanga sa relasyon para mauntog at matauhan.

Akala mo naman talaga may alam sa relasyon.

At sa wakas, may bumaba na rin sa loob ng tricycle. Pagkababa niya ay agad na rin akong bumaba. Dumaan ako sa likod ng tricycle at nang akmang sasakay na ay biglang tumakbo ito.

Shit.

"Kuya..."

Hinabol ko ito.

"Kuya wait!"

Takbo.

"Pasakay!!!"

Takbo

"Kuya, wag mo ko iwan!!!"

Nagtinginan ang lahat ng tao sa kalsada sa akin. Wala na akong choice kung hindi patuloy na habulin ito. Napahiya na ako eh. Ngayon ko naisip, pwede naman na hayaan ko nalang siya umalis.

Ayan, kwento pa ko ng kwento tungkol sa tangang relasyon, ako tuloy yung literal na naging tanga sa kakahabol.

At sa wakas tumigil din ang tricycle. Tumingin ang driver sa akin, "Akala ko bumaba ka na."

Hindi ako yung nang-iwan, Kuya. Humanap lang ako ng magandang space. Tapos ginawa mo na agad na oportunidad yun para takbuban ako.

Gusto ko sabihan yan pero nginitian ko nalang siya.

Ang mahalaga safe akong nakauwi sa bahay.

Ganon lang naman ang buhay ko. Gising. Kain. School. Kain. Uwi. Kain. Tulog.

Ang daming kain kaya pala ang taba ko na.

Bakit ba, yun na nga lang ang kasiyahan ko eh. Kaya sa mga lalaki diyan, dun na kayo sa babae na mahinhin pero malakas lumamon. Ahem.

Joke lang.

I'll patiently wait for the right man to come.

#BoringLife #HopelessRomantic

Blog of a CopycatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon