The Ugliest Shade of Blue by @blood_sparrow

7 0 0
                                    


Asul. Bughaw. Blue. Kulay na sumisimbolo sa kapayapan. Pero para sa iba– sa mga taong katulad ko, iba ang ibig sabihin nito. Mga pasa at pag-abuso. And it doesn't matter kung bago man ito o luma. It was the same pain that branded my skin. The same cry. The same scream. And sadly it was also for the same reason.

For his sick pleasure.

Pero hindi ako maka hindi, dahil mas nangigibabaw ang pagnanais ko na mapaligaya siya– ang mapaligaya lalaking mahal ko.

What does falling out of love feels like? Paulit-ulit kung tanong sa'king sarili.

Na-inlove ba talaga ako? O na-inlove lang ako sa ideya ng dalawang taong pinagtagpo ng tadhana.

Alam ko ba talaga kung ano ang pag-ibig? Tanong ko sa sarili habang tahimik na naka-upo sa tabi ng lalaking mahal ko. Nakatutop ang mga palad sa aking kandungan habang nakayuko ang ulo. I love him, right? Pero ganito ba dapat kasakit ang pag-ibig? The blinding flashes of white after a gut wrenching and mind numbing punch hit me?

Takot ako sa totoo lang, pero mas takot ako sa ideyang iwan niya ako. That's love right?

'Of course that's love.' Usal ng isang parte ng isip ko. 'Di mo siya bibigyan ng kapangyarihan na wasakin ang buong pagkatao mo kung hindi ka nag mahal.' Dugtong pa nito. Marahan akong umiling para burahin ang ideyang iyon sa isip ko. Sometimes the questions are complicated and the answers are simple.

'That's clear stupidity. I'm stupid.' Sa isip ko,

Waist deep in my own conflicting thoughts, hindi ko na namalayan na huminto na pala ang kotse at walang bahid ng emosyon siyang nakatitig sa akin.

"Out!" utos nito. I nodded my head submissively saka tahimik na lumabas ng kotse. He love me, right? 'Yan ang sabi niya sa bawat sakal at sapak na natatanggap ko habang binababoy niya ako. Ang buong pagkatao ko.

I'm lucky to be with him. He pounded that thought inside my head along with the harshed treatment that branded my skin.

Masuwerte nga ba ako? Kaakibat ba ng swerte ang sakit sa bawat pagkilos ko o sa bawat sapak ng bawat pagkakamali ko?

"Wag mong kalimutan mamayang gabi at 'wag na 'wag kang mala-late." Tanging tango lang ang naisagot ko bago niya mabilis na pinaharorot ang kotse. Tinanaw ko ang paliit ng paliit na larawan ng itim na kotse kasabay ng isang desisyon na dahan-dahang nabubuo sa isip ko.

Habang alam ko na inaabuso ako ng lalaking mahal ko hindi ko maiwasang ikumpara ang mahal ko sa mga sipa at suntok ng aking ama. Though they both give me bruises, I felt dependent and attached to my lover that the thought of losing him makes me shook with fear.

'STOCKHOLM SYNDROME' 'yan ang paulit-ulit na sabi sa lahat ng chat rooms at forums na binibisita ko online pero isang bahagi ng isip ko paulit-ulit din itong tinutulak at deni-deny.

It's love.

I'm not sick.

Or maybe I'm sick for loving him sa kabila ng lahat ng sakit na binibigay nito sa'kin.

Of course alam ko ang sagot sa problem ko pero kailangan ko pa itong pag trabahuan na tanggapin. Hindi lang magdamagan ang proseso. Kailangan ko munang matutunang pahalagahan at mahalin ang sarili ko. Kailangan kong matutunan na ang pag-ibig ay hindi nabibili, na ito ay kusang ibinibigay. Pero tila hindi ito matatanggap ng isip ko. Hindi matanggap na karapat-dapat din akong mahalin. Na may isang tao na mag mamahal sa'kin ng walang kahit na anong kapalit. Hanggang sa oras na matanggap na nang husto ng buong pagkatao ko ang katotohanang ito, kailangan kong gawin ang parte ko. Ang bilhin ang pagmamahal sa tanging paraan na alam ko– gamit ang katawan ko.

Alam kong masasaktan ulit ako. Physically and emotionally. Alam kong magmamarka ito at iipon sa 'di mabilang na peklat sa aking katawan but until then, kailangan kong gawin ang dapat noon ko pa ginawa.

Limang mahabang oras ang mabilis na lumipas. At katulad nang napagkasunduan maaga akong nag hintay sa tagpuan namin. Alam kong mali. May asawa na siya, kapatid ko pa pero... the selfish part of me felt the need to be with him even if it means betraying my sister.

"Sakay." malamig nitong utos. Mabilis kong binukasan ang pintuan ng kotse habang pinapanatiling nakayuko ang aking ulo.

"Alam mo naman siguro ang kailangan mong gawin mamaya diba?" Anito.

"Yes Sir."

"Good. Siguraduhin mo lang dahil kapag 'di ko makuha ang deal na 'to alam na ang kaparusan mo diba?"

"Yes Sir." Ulit ko.

Hindi ito ang unang pagkakataon na inihain niya ako sa mga business associates niya or even sa mga barkada niya. The objective is, kailangan kong aliwin at pasayahin sila by satisfying their carnal needs in every way possible kasama na ang pag tapon ko sa sarili kong dignidad. He said it's my way of proving him kung gaano ko siya kamahal and in return he'll keep me by his side as his mistress kahit na ibig sabihin nito ay ang unti-unti kong pagkalunod sa mga kasalanan ko.

After all sleeping with the devil means waking up in hell.

"I love you. Alam mo 'yan diba? Ako? Mahal mo ba ako?" Balik tanong niya sa'kin.

Kalahating oras narin ang lumipas nang isa-isang magsiuwian ang mga ka-transaction niya pero hindi ko parin naririnig ng utos ng pagkilos mula sa kanya.

"Oo naman. Mahal kita. Kaya ko nga ginawa ang lahat ng ito diba?" Bumukas ang bibig niya saka itinikom muli. Ngumiti ako sa kanya saka tumayo sa upuan nang hubo't hubad parin. Biglang nagdilim ang kanyang mukha sa pagsuway ko sa kanya. It must be done. And it must be now. Dahil kung hindi ngayon hindi ko alam kung kailan ako makakapag-ipon muli ng lakas ng loob. O kung dumating man ang panahon na kaya ko nang iwan siya ay huli na din ang lahat para sa akin.

Alam ko na ang pagtapos sa masalimot na kabanata ng buhay ko ay katumbas din ng pagkawasak ng husto ng tiwala at kompyansa ko sa sarili.

He's my lifeline but at the same time siya din ang taong dahan-dahang pumatay sa'kin.

This ends now.

Kailangan.

Pero kaya ko pa bang bumangon pagkatapos nito?

I shook my head and numb myself down.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Hinahanda ang sarili sa sakit na matatanggap mula sa kamao ng mahal ko.

I don't have to wait long. Sceam after scream erupted from deep inside my throat as he hit me relentlessly. Then, I heard it. The loud blaring sounds of sirens.

My salvation and my doom.

Saint Vals 2020 AnthologyWhere stories live. Discover now