1

28 0 0
                                    

#innstory

Teen swinging 1/1

Bago pa pumasok si Cathy sa buhay ni John, may nagmamay-ari na ng puso niya. Si Mary.

Mary ang pangalan ng girlfriend ni John. Mahal na mahal nila ang isa't-isa. Kilala na rin si John ng mga magulang niya, at gayundin si Mary na open na sa pamilya nina John. Sa mahigit dalawang taon nilang magkarelasyon, naranasan na nila ang halos karamihan sa hamon ng buhay. Nalampasan at napagtagumpayan.

Pero na-stuck si John kay Cathy. Totoong nalilito ang kanyang damdamin, hindi alam kung sino ang pipiliin. Ang babaeng matagal na niyang karelasyon, o ang babaeng ngayon pa lamang niya lubusang nakikilala.

Gayunpaman. Walang kaalam-alam si Mary sa nangyayaring ito kay John. Ang alam niya, matatag ang relasyon nila at pareho silang masayang-masaya.

Pero napapansin din naman ni Mary na parang unti-unting nagbabago ang pakikitungo sa kanya ni John. Syempre hindi naman siya tanga para hindi malaman ang panlalamig ng isang lalaki sa isang babae, at syempre hindi naman siya manhid para hindi malaman nanlalamig na si John sa kanya.

"Babe. Pansin ko parang nanlalamig ka na sa 'kin..."
tanong ni Mary kay John isang gabi habang nakatingala sa mga bituin.

Nabigla si John. Naisip niya na kinukutuban na si Mary, at naisip niya na parang nababasa ni Mary ang puso niya kahit hindi pa ito magsabi.

"Ah. Hindi naman ah! Pasensya ka na, busy lang ako sa school. Alam mo na, finals na..."
pagdadahilan nalang niya, pero sa loob-loob niya naiisip niya si Cathy.

Nababagabag na ang kalooban ni John. Alam niyang kailangan niyang mamili. Alam niyang kailangan na niyang magdesisyon.

Habang tinititigan niya si Mary, naalala niya ang mga pinagdaanan nila ni Mary sa kanilang relasyon. Sa bawat pasakit, paghihirap at kasiyahan, hindi siya iniwan ni Mary. May na-realized si John. Mas matimbang sa puso niya si Mary...

Lunes. Dumating ang araw ng final exam., hindi pa rin matanggal sa gunita ni John ang naging usapan nila ni Mary, at hindi rin maalis sa kanyang isipan ang naging usapan nila ni Cathy.

Nagsimula na ang exam.. Nauna ang grupo nila John. Nagsitayuan at bumuo na ng formation tulad ng kanilang pinagpraktisan.

Tameme si John, habang si Cathy, masayang-masaya.

"Hoy John! Ngumiti ka naman!"
bulyaw ni Cathy sa kanyang ka-partner.

Ngumiti naman siya pero halatang napilitan lang. Kinabig siya ni Cathy at nagkadikit ang kanilang mga katawan.

"May sasabihin ako sa 'yo mamaya..."
bulong ni Cathy.

Parang walang ganang magsayaw si John, naaapektuhan na rin si Cathy, pero hindi magpapatinag si Cathy, ngayon handa na niyang ipaglaban ang pag-ibig niya para kay John.

"Pwede bang masaya ka na lang sa huling pagsasayaw nating ito?"

Napangiti si John sa kanyang narinig. Hindi niya maintindihan ang sarili. Basta bigla siyang sumigla sa sinabi ni Cathy.

Lalong humihigpit ang pagkakahawak nila sa isa't-isa, lalong bumibilis ang pagpintig ng kanilang mga puso.

Sa sayaw na ito, para silang magkasintahan. Bawat galaw ng katawan, bawat kumpas ng musika, nakaramdam sila ng kakaibang kaligayahan.

Nanalo sila sa final exam., impress na impress si Mrs. Laxamana sa kanilang ginawang sayaw.

"Ito ang pinakamagandang Swinging na nakita ko!"
papuri pa niya.

Ika nga nila. 'Ang labis na galak may katapat na labis na luha'.
Pagkatapos ng exam., pinuntahan ni John si Cathy.

"Ano na nga 'yung sasabihin mo?!"
tanong ni John.

innstoryWhere stories live. Discover now