1

6 0 0
                                    

Best friend to lovers

Liel Michell's Pov
Nandito ako ngayon sa bahay namin, habang inaantay ang sundo ‘ko.

“Liel! Andito na si Dwayne,” Dali-dali akong bumaba at sinalubong si Dwayne na may ngiti sa‘king labi.

“Pinaghintay ba kita ng matagal?” Tanong n’ya sa‘kin at bineso-beso ako.
“Oo noh!” Inakbayan naman ako nito.

“Asus, wag kana mag-tampo, hindi naman kita pinagpalit ‘don.” Napa-ngiti na lang ako at umiling sa‘kanya.

“Mabuti pa sabay sabay na tayo kumain dito, Dwayne.” Tumango lang si Dwayne kay mama at nakipag-beso. Ayaw kasi ni mama na nag-mamano si Dwayne nakaka-tanda daw masyado.

Habang kumakain kami. “Bagay na bagay kayo ni Liel, bakit ‘ba hindi pa maging kayo? Ang tagal tagal n’yo ng ma–” sinaway ‘ko naman si mama.

“Ma, ano kaba! Mag-bestfriend lang kami ni Dwayne, kayo talaga.” Iiling-iling akong sumubo ng pagkain.

Hindi na umimik si Mama at nagpatuloy sa pagkain. Tama si Mama, matagal na kaming mag- kaibigan, highschool pa lang naging mag-bestfriend na kami.

Nagka-hiwalay kami nitong college lang, kailangan n’ya kasi ‘don sa ibang bansa mag tapos. Habang ako naman, kailangan ko ‘rin tapusin ang kolehiyo ‘ko dito.

Last sem na noong 1st year kami, ng umalis s’ya. Ngayon sobrang succesful na n’ya, inaamin ‘ko umaasa akong wala pa s’yang nagiging girlfriend.

Ako kasi, I never have a boyfriend since birth.

“Kanina kapa tulala d’yan ano bang iniisip mo?” Ngumiti ako, tsaka umiling sa‘kanya. Iniligpit ko ang kinainan namin.

Sinundan n’ya naman ako sa kusina. “Sobrang namiss talaga kita, Mich, pakiramdam ‘ko tuloy nag-iba kana.”

“Hoy, hindi ah, ako pa ‘rin to.” Tinulungan n’ya akong maghugas ng plato.

“So, ano may boyfriend ka na ‘ba?” Binitawan n’ya ang hawak n'yang plato.

“Wala pa, hindi ako nagka-boyfriend.” Tinignan n’ya ako ng diretso sa mata.

“Kung ganon, hayaan mo akong gawin ‘to.” Hinawakan n’ya ko sa pisngi at unti-unting inilapit sa‘kin ang mukha n‘ya.

Napa-pikit na lang ako, at dinama ang labi n’ya sa labi ‘ko. Kusa nyang inihinto ang halik. Agad agad naman akong napatalikod sa hiya,

“Teka lang...” Hinawakan n’ya 'yong braso ko, pakiramdam ko pulang-pulang ang pisngi ko.

“Nagustuhan k-ko..” Naka-yukong sambit n'ya.

“H-hindi dapat natin ginawa 'yon, d-dwayne.” Kinakalikot ko ang daliri ko.

“Bakit naman hindi? Hindi mo pa ‘rin ba nararamdaman? Liel, mahal kita, mahal na mahal. Wala ka namang boyfriend wala ‘rin naman akong girlfriend.” Hinawakan niya ako sa balikat at hinarap sa‘kanya.

“Mahal na mahal kita, noon pa.” Gulat na gulat ako sa sinabi n'ya. Ibig sabihin? Gusto nya ako? mahal nya rin ako? Omygash.

“D-dwayne...”

“Kaya simula ngayon, tayo na.”

“Ano?! Hindi mo man lang ba ako liligawan?” Gulat kong tanong sa‘kanya.

Natawa naman s'ya at hinawakan ang pisngi ko. “Sa tagal na'ting mag-kaibigan, liligawan pa ba kita? Sa tingin ko kasi eh, hindi na dapat. Pero kung 'yon ang gusto mo, edi liligawan kita.” At binigyan na naman ako ng isang mabilisang halik lang.

SA PILING NG IBATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon