Mich's Pov
Lumipas ang ilang linggo. Sobrang busy kami ni dwayne ilang weeks na rin kaming hindi nagkikita. Namimiss ko na tuloy sya.
Call center kasi ako sa gabi, habang secretary naman sa umaga. 7am to 1pm ang sched ko Sa Fuentebella Corp. Habang 6pm to 3am naman sa Call Center, Gusto ko kasi bilan si mama ng kotse. Para hindi sya nahihirapan sa E-bike niya habang nag-dedeliver ng mga Beauty Products.
“Goodmorning, Liel!” Kiniss ako ni mama. Nasanay na si mama sa pasok ko, kaya maaga palang nagluluto na sya.
“Wow. Ang bango bango naman!”
“It's your favorite. Bacon!!!” Tumili ako at dali dali na pumuntang lamesa. Naka-ayos naman na ako, kaya magsasapatos na lang ako at aalis na.
*****Bzzzkkkkk Bzkkkkk*****
Dwayne's❤
Good morning beautiful, I miss you so much! Don't skip ur breakfast. I love you always.Awhh. I miss you more!
“Hindi man lang ba kayo magdedate ni Dwayne? Tagal n'yo na rin hindi nag kikita ah.” Sumubo ako ng kanin at bacon. At tinignan si mama.
“Alam mo naman na busy kami pareho Ma, siguro sa off ko na lang.” Yung free time ko kasi sa hapon, nilalaan ko na lang sa tulog. Kasi syempre sasabak na naman ako sa gabi.
“Ikaw kasi eh! Sinabi ko naman sayo na hindi mo kailangan mag double job. Tignan mo ang payat mo na.” Nginitian ko naman si mama.
“Ano kaba ma! Sexy talaga ako. Ayoko po kasi na mag-trabaho kayo.”
“Asus! Bilisan mo na d'yan. At baka mamaya ma-late kapa.”
May sarili naman akong kotse. Pero kasi service ko 'yon sa work. Eh si mama naman mahihirapan sa deliveries nya, Kaya lang naman ako nagdouble job. Kasi wala naman nang katuwang si Mama. Tsaka gusto kona ‘rin Ipa-renovate yung bahay namin.
Pag-karating ko ng Fuentebella Corp. Binati ko agad ang mga tao. “Goodmorning Liel!”
“Hmmm. Morning guys!”
Dumiretso ako sa office ko. At binuksan ang Laptop ko, pagka-pasok ko naman sumunod din agad si Aiya Mendez. Girl Bestfriend ko naman.
“Goodmorning besh.” Bumeso 'to sa‘kin tas nilapag ang fries at burger sa table ko.
“Goodmorning Aiy!”
“Ready ka na ba sa launching nang New Products na‘tin?” Kinindatan ako nito at umupo sa chair nya.
“Hmm. Slight bakit naman ako maeexicite, eh maski nga tayong empleyado hindi gumagamit ng produkto nina Sir.” Humalaklak naman ito. “Ganyan ka talaga ka-sama!” Sabi ng kakapasok lang na si Mr.Lucas
“Hehehehe. Goodmorning Sir.“
” Nag-peace sign naman ako sa kanya. Close naman kaming tatlo. Kaya alam ko na hindi n’ya dadamdamin 'yon.“Ikaw lang naman kasi talaga ang hindi gumagamit ng mga produkto na‘tin. Right Aiya?” Inilipag ni Sir yung Starbucks Coffee niya. Na meron din kami! Syempre favoritism kami n'yan.
“Tama ka jan Sir! Sensitive daw kasi ang ganda nitong Friend ko.” Binato ko nga sa kanya 'yong crumpled paper.
“Maganda naman kasi talaga si Liel.” Ngumiti lang ako kay Sir.
“Ah so si Liel lang talaga Sir?” Natatawa naman akong tumingin sa dalawa. “Syempre ikaw rin.”
Parehas silang single, kaya feeling ko noon bagay sila. Pero hindi type ni Aiya si Sir Lucas, pano ba naman kasi. Maarte rin si Sir sa mga babae. Samin lang kasi s'ya madalas makipag-chill. Mukha kasi s'yang masungit, pero hindi naman.
BINABASA MO ANG
SA PILING NG IBA
RandomAko si Dwayne Buenaventura, ang lalaking walang hinangad kundi mahalin 'din ng babaeng pinaka-mamahal ko. Sa sobrang pagmamahal namin sa isa't-isa, hindi 'ko inakalang darating sa punto na hahayaan 'ko s'yang sumaya sa piling ng iba. Hahayaan 'ko s'...