3

3 0 0
                                    

HER DAD

Hinatid ko si Dad sa bahay kasi pagod na pagod s'ya. At pumunta na ‘rin ako kila Mich.

“Good Afternoon po, Tita.”

“Pasok dwayne, natutulog pa si Liel. Alam mo naman at masyadong antukin ang isang ‘yon.” Napa-ngiti na lang ako, totoo masyadong antukin ang isang iyon. Palagi kasing pagod si Mich kaya palagi s'yang natutulog.

Umupo na lang ako sa salas nila.

“Gusto mo ba kumain? Ipaghahanda kita ng merienda. Akyatin mo na ‘rin si Liel.”

“Wag na po Tita Miks, juice na lang po siguro. Intayin ko na lang po magising si Mich.” Ngumiti si Tita at nag-punta sa kitchen nila.

Pinagmasdan ko 'yong frame nila sa mini cabinet. May isa kasing picture don si Mich at ang Daddy n'ya. Naka-kandong si Mich sa daddy n'ya naka-braid pa 'yong buhok n'ya.

Ano kayang mararamdaman ni Mich, kapag nalaman n'ya na yung totoo?

“Anong tinitignan mo?” Muntikan ‘ko nang mabagsak 'yong frame binalik ko nalang ulit don.

“A-ah, sorry po Tita, tinignan ko lang po.”

“Hmm, It's okay.”

“Tita don't get me wrong, asan na po ba ang Daddy ni Mich?” Wala sa sariling na-itanong ko.

“Iniwan n'ya na kami eh, may ibang babae kasing nakilala si Lance noon eh. Siguro talagang minahal n'ya yon kaya mas pinili n'ya.” Bakas ang lungkot sa mata ni Tita Mika. “Noon gustong gusto kong makilala ang babae na pinagpalit sa‘min ni Lance, pero ngayon h'wag na lang. Kasi baka kung ano pa magawa ko sa taong sumira ng buhay namin.” Kita kita ang galit sa mga mata ni Tita.

“S-sorry to hear that.”

“Oh and'yan kana pala?” Tanong nang kababang si Mich.

Napatayo ako at sinalubong s'ya. “Anong pinag-uusapan n'yo ni Mama?” Binigyan n'ya ako ng halik sa pisngi.

Umiling si Tita sa 'kin para siguro, hindi na lang ipaalam kay Mich. “Wala 'yon, pinagusapan ka lang na'min. Ang pangit mo pala talaga bata ka pa lang!” Piningot n'ya yung tenga ko.

“Buset ka!”

“Oo nga pala Dwayne, sabihin mo naman kay Daphne na namimiss ko na ang Chismisan namin.” Close kasi si Mommy Dap at si Tita Miks, kaya hindi ko alam kung anong iniisip ni Mommy at nagawa n'ya yon kay Tita Miks.

“Makakarating po Tita.”

Lumabas kami ni Mich, napag-desisyunan kasi namin na pumuntang park. Sa village kasi nila may maliit na park, highschool pa lang palagi na kaming naka tambay dito.

“Kamusta naman ang araw mo?” Tanong n'ya at sabay kaming naupo sa swing.

“It's all good, hindi lang sanay dahil kakauwi nga lang namin.”

“Yeah, anyways, may pasok na ako bukas. Maybe weekends na lang tayo magkita?” Call center kasi si Mich lagi syang night shift, may work naman s'ya sa umaga.

“Yeah yeah, it's okay..” Nasa gitna kami nang reminiscing namin noong highschool... “Oh? Ayos ka lang ba?” Natigilan kasi s'ya sa pag tawa at basta na lang natulala sa gilid ko.

“Anong ginagawa mo dito?” It's him, her father, her Dad, my mom's lover....

“G-gusto l-lang kitang kamustahin..” Naka-yuko lang s'ya at hiyang hiya na tignan si Mich.

SA PILING NG IBATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon