FAMILY ISSUE
Dwayne's Point of View
Hinatid ko na si Mich sa'kanila, Patungo na sana ako sa kwarto 'ko ng makarinig ako ng nagsisigawan at nagba-bagsakan sa office ni Daddy.“Ano sabihin mo sa'kin, galing ka sa kabet mo hindi ba!? Alam ko na lahat Daphne! Alam ko na!” What the fck.
“Ano bang sinasabi mo d'yan.”
“Damn it! Nahuli kana lahat lahat ayaw mo pang umamin, sabihin mo sa'kin kung sino 'yang lalaki mo!” May narinig pa akong nabasag sa loob.
“T-t-tama n-na... T-t-tama na...”
Pumasok ako sa Office.... Ang daming nakakalat na papers sa sahig, si Mommy nasa sahig ‘din umiiyak at may pasa sa gilid ng labi. May basag ‘din na baso na hawak si Daddy malapit kay Mommy.
Hinawakan ko s'ya sa kwelyo. “Anong ginagawa mo!!!!” Sigaw ko sa mismong muka n'ya.
“T-t-tama n-na... D-dwayne..”
“Ano ba ‘tong ginagawa mo ha, Dad!” At inis na binitawan s'ya at lumapit kay Mommy.
“Ang ginagawa ‘ko lang ay ang maging succesful ang pamilyang ito! Nagpapa-kapagod ako sa araw araw, para maitaguyod kayong tatlo! Pero anong ginawa ng Nanay n'yo!” Inambahan n'yang isasaksak ang hawak n'yang bubog.
“Tama na! Tama na Dad!!” At tinulak s'ya palayo.
“I-alis mo sa harap ‘ko ang Mommy mo, Dwayne, baka ano pa magawa ko sa'kanya.” Binuhat ko si Mommy at dinala sa kwarto ni Ate Dahlia.
“Dwayne? Oh shit, what happened?” Tanong sa‘kin ni Dahlia na mukang kakauwi lang galing sa boutique n'ya.
“Nag-away sila ni Dad.” Binihisan namin si Mommy at ibinilin ko kay Dahlia na siya na munang bahala.
Pumunta ako sa Office ni Dad, I saw him, naka-upo sa swivel chair umiinom.
“Dad, what are you thinking?! Alam mo ‘ba 'yong ginawa mo kay Mom.” Kuyom ang kamao ko.
“Alam n’yo ‘rin ba ang ginawa ng Mom n’yo sa‘kin? Hindi di ‘ba? May ibang lalaki ang Mommy mo. Nalaman ‘ko ‘yon nasa US pa tayo, hindi ko pinapansin nong una, akala ko kasi nag-kamali lang ako.” Kita ko ang pag kuyom ng kamao ni Daddy.
“Nag-hired ako ng Private Investigator, nandito sa Pinas ang kabit ng Mommy mo.”
Hindi ko alam kung bakit ang sakit sakit, mahal na mahal ni Daddy ang pamilya ‘to.
“Hindi ko kayang mawala sa‘kin ang Mommy mo, hindi ko kaya..” Tumagay s’ya ulit.
“Kapag nalaman ko kung sino ang lalaki n’ya, papatay ko sya.”
“Dad, that's enough.. Lasing ka na” Tumawa s’ya.
“Your girlfriend, Liel Michell, I don’t like her.”
“Dad, mabait si Mich.”
“I just have a feeling na hindi ko s’ya gusto, isa pa. Hindi s’ya mayaman batid ko na sa itsura pa lang n’ya, hindi s’ya ang para sa’yo.”
Tumayo ako at nagbabadya na umalis. “At sino naman ang bagay sa‘kin Dad, ang mga mamayamang kasosyo n’yo? Hindi ko sila gusto Dad!” At tuluyan ng lumabas at pumunta ng kwarto ko.
Kailangan kong makausap si Mommy bukas... Pero sa ngayon kailangan ko ng lakas..
I dialed Mich's number.
“Hello mahal kong Mich.” Malambing na malambing kong sabi.
[Hello...]
“I miss you.”
BINABASA MO ANG
SA PILING NG IBA
SonstigesAko si Dwayne Buenaventura, ang lalaking walang hinangad kundi mahalin 'din ng babaeng pinaka-mamahal ko. Sa sobrang pagmamahal namin sa isa't-isa, hindi 'ko inakalang darating sa punto na hahayaan 'ko s'yang sumaya sa piling ng iba. Hahayaan 'ko s'...