" Ayoko na tapusin na natin ito, Via." parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig ang boses ni Jeno habang tulala lang akong nakatitig sakanya. Nang makakuha ng lakas ng loob, tinignan ko siya ng diretso sa mata, " Bakit?" munting tinig lang ang lumabas sa aking labi.
Gulong-gulo ang isip ko kung saan ako nagkulang, saan ako nagkamali. Paulit-ulit na binabalikan kung paano ang pagtrato sakanya para malaman kung ano ang problema.
Were always the best when we're together. Wala kaming malaking away o pagkukulang sa isa't isa kaya hindi ko maintindihan bakit kailangan naming tapusin ito.
Pillit kong pinipigilan ang mga luha na lumandas sa aking mga mata habang hinihintay siya na sumagot pero bagot na tingin lang binaling niya sa akin.
"I am just tired of you, that's it. I just... I don't know. One day I woke up and suddenly I don't see you in my future anymore."
Kumawala ang hikbi na kanina ko pa pinipigilan. Parang dinudurog ang puso ko sa aking narinig.
"Niloloko mo ba ako? Anong problema? Is there someone else?" Matalim ko siyang tinignan.
"There is no one, Via. I did not cheat. Hindi mo ba ako naiintindihan? Wala na yung spark." He said it with so much sadness in his voice that it makes me question the love he had for me.
"Pitong taon, Jeno. Itatapon mo lang lahat dahil ayaw mo na? Dahil hindi mo na ako mahal? Para saan pa lahat ng pinaghirapan natin buoin kasama ang isa't isa?" walang habas na tumutulo ang luha ko.
Gusto ko siyang sigawan pero hindi ko mahanap ang lakas para gawin iyon. I feel so defeated and confuse.
"Via, please don't make this any harder for me. I don't love you anymore. Siguro nga matagal na tayo at madami na tayong napagdaanan pero hindi ko na talaga nakikita ang sarili ko na kasama ka. Sorry"
"What about the house? Paano yung kasal?" nanghihina kong tanong. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa park pero wala akong pake sa kung ano ang iisipin nila.
"You can do anything with it just please Via let me go. Hindi lang ikaw ang nahihirapan dito and I didn't ask for your hand yet so technically wala akong obligasyon sa kasal na sinasabi mo." He said the last one with so much disgust na hindi ko na halos kilala ang Jeno na nasa harap ko.
I guess I was just so focused on my own bubble of happiness na hindi ko alam na dito na pala kami tutungo. Iyak lang ako ng iyak sa harap niya, hinihintay ang mahigpit niyang yakap para patahanin ako dahil ang Jeno na kilala ko ay hindi ito kayang gawin sa akin pero ilang minuto lang niya akong pinagmasdan.
It felt like watching a slow- motion movie. One second, he was there in front of me, then the next is him walking towards his car. Para akong tanga na humabol sakanya kahit tumakbo na paalis ang kanyang sasakyan. Wala akong pake kung madapa man ako o pagtinginan ng iba ang mahalaga makita ako ni Jeno.
Pero tila pinagkaisahan ako ng pagkakataon dahil habang hinihintay ko siyang bumalik at tulungan ako sa pagkadapa para sabihin na nagbibiro lang siya, bumuhos ang malakas na ulan.
The sky wept with me on the day he left and that's the last day I ever saw him. He really left me without anything.

BINABASA MO ANG
Defying Destiny
Roman d'amourVia always had her eyes on Jeno. Now that they are together she thought that he would never leave her. But a relationship is not a walk in the park, challenges are bound to come along the way. Will the storm in their relationship pass and make them...