CHAPTER 1
After 6 years
" Bruha naming kaibigan kelan mo ba balak bumalik dito sa Pilipinas ha? " si Rina.
Nag video call kasi kaming apat. Nakakamiss itong tatlong itlog na to."Surprise yun syempre mga beshyyy " pang aasar ko sa kanila.
Actually bukas na ang flight ko sa Manila at balak ko silang surpresahin pati na rin ang pamilya ko.I am proud to say na isa na akong professional model . Nandito ako ngayon sa Japan. After ko gumraduate ng college tinupad ko ang pangarap ko. Babalik ako sa Pilipinas dahil may project ako doon at isa pa doon ko rin pag-iisipan kung magi-stay na ba ako for good. Kailangan na rin ng help ni kuya dahil may edad na si tatay at di na siya pwedeng mapagod.
Whooo! I miss Philippines. Haaay namiss ko din ang pollution dito ahh. Kamusta na kaya sila nanay, tatay, at si kuya? Hmmm .
After ko dumaan sa modelling agency na pinagtatrabahuan ko dumiretso na ako sa bahay. Isu-surprise ko sila.
" Nanay! Tatay! Yohoooo. I'm back! " Ilang beses akong nag door bell lumitaw naman sa maliit na screen si nanay at nagtatakang tinitigan ako. Halos di siya makapaniwala na nakauwi ang unica hija niya. Agad siyang nawala sa screen at nagmamadaling pagbuksan ako ng gate.
" Whoo. Ang init nay " pinunasan ko ang maliliit na butil ng pawis sa noo ko.
Tinitigan lang ako ni nanay at wala pa yata akong balak papasukin.
" Anak ikaw ba talaga yan? " agad naman akong niyakap ni nanay ng mahigpit.
" Nanay ako po ito. Ahmm. Nay sa loob na po tayo? Medyo ahhhm. Mainit? " tumagaktak na nga ang pawis ko. Di na yata ako nasanay sa init juskoo summer ba naman.
Tinulungan ako ni nanay dalhin ang gamit ko sa loob at pinadala niya ang mga maleta ko sa dati kong kwarto.
" Anak di ka man lang nagsabi na uuwi ka ngayon. Di tuloy ako nakapag handa ng pagkain. " hinampas ako ng mahina ni nanay sa braso.
Kahit kelan talaga si nanay." Nay surprise yun nuh. Tsaka okay na sakin kahit anong pagkain basta ikaw nagluto. " paglalambing ko kay nanay.
" Ikaw talagang bata ka. Oh siya sige tatawagin ko ang kuya at tatay mo nasa study room sila . Matutuwa yung mga yun pag nalamang umuwi ka na. " masayang pahayag ni nanay.
" Ako na nay isu-surprise ko sila " tumayo ako at kinindatan si nanay. Nasa 2nd floor ang study room namin, tiningnan ko ang bahay namin at walang nagbago. Haaay nakakamiss.
Sigurado akong masusurpresa sila tatay at kuya.
Kakatok sana ako pero bahagyang nakabukas ang door ng study room at seryoso silang nag uusap.
Hhhmm. Ano kayang pinag uusapan ng dalawa na to. Itutulak ko na ang pinto ng narinig ko ang pangalan ko." Tay, kailangan na bumalik ni Natty dito. " si kuya
Ha.? Bumalik?" Anak, hayaan muna natin ang kapatid mong i-enjoy ang pagka-dalaga niya." si tatay
Wait. Parang kinakabahan ako." Tay, nangako tayo sa kanya na ibibigay natin si Natty kapalit ng pagtulong nya sa atin. "
What? Ibibigay nila ako? Ano ako gamit or laruan na ipamimigay. Kaya ba gusto na rin nila akong umuwi." Di ko na alam ang gagawin ko anak. Kawawa naman ang anak kong si Natty. " nakayuko ang tatay at hinihilot ang sentido niya. Mukha siyang stress at dumadami na rin ang mga puti niyang buhok.
" Tay, para sa future naman ni Natty yun. Mabuting tao naman ang taong pakakasalan niya. " di ko makita ang reaction ni kuya dahil nakatalikod sya sa pinto.
Future? Ipapakasal niyo ako sa taong di ko naman kilala? At higit sa lahat di ko pa mahal.
Pumasok ako sa study room at nagulat sila ng makita ako." Anak? Natty? Kelan ka pa dumating? " gulat na tanong ni tatay.
Si kuya naman gulat din nakatingin sa akin. Wala man lang welcome back Natty? Para silang nakakita ng multo eh.
" Kanina ka pa? " tanong ni kuya ng makabawi sa gulat.
" Yes kuya. Narinig ko ang Pinag-uspan nyo ni tatay. Kuya? Ipapakasal nyo ako sa taong di ko kilala? No scratch that. Ipamimigay nyo ako. " di ko na mapigilan ang outburst ko. Pagdating na pagdating ko ganito ang bubungad sa akin?
" Natty para sayo din naman yung ginawa namin. " paliwanag ni kuya?
" Para sa akin? O para sa kumpanya nyo? " balik ko kay kuya.
" Mag-ingat ka sa sinasabi mo young lady. Hindi mo alam na muntikan ng bumagsak ang kumpanya natin? Di na kaya ni tatay magtrabaho Natty. Kung sana di mo inuna yang pag momodelo mo hindi nagkaganito. "
" What? From the very start nilinaw ko na sa inyo ni tatay na ayoko humawak ng kumpanya nyo! At para sakin? Come on kuya. " naiinis na talaga ako. Sino sila para ipamigay ako?
" Tama na mga anak. " para kaming binuhusan ng malamig na tubig ng makita si tatay na sobra ng nanghihina at hawak ang dibdib.
" Tay!. " agad na dinaluhan ni kuya si tatay.
Tumawag siya ng ambulance.
Ganito na pala kalala si tatay. Gosh what am I gonna do? Kung tutuusin natupad ko na ang pangarap ko pero, ang humawak ng kumpanya namin? Di ko na alam.Tumabi ako kay kuya, nasa hospital kami ngayon at nandito sya sa labas ng room ni tatay..
Bahagya syang tumingin sa akin at yumuko. Mukha na ring stress ang kuya ko. Wala akong nabalitaan na may girlfriend na siya. Dapat sa ganitong age niya nagse-settle down na siya at bumubuo na ng pamilya. Pero heto sya sobrang stress na sa kumpanya namin. Napaka-selfish kong tao at hinayaan kong magkanito sila." Kuya, can you explain to me kung anong nangyayari ? Kasi I really have no idea eh. " kahit naman nagalit ako kanina di ko naman kayang tiisin ang kuya ko.
" Muntikan ng bumagsak ang kumpanya natin. But thanks to him hindi nagtagumpay ang isa sa mga competitors natin na pabagsakin tayo. " paliwanag ni kuya.
" Sinong competitor natin kuya? " kahit naman nagmomodelo ako kinikilala ko naman ang mga posibleng competitors namin. May care naman ako sa kumpanya namin.
" Si Manuel Diaz. " what? Yung matandang hukluban na may malaking tyan at kalbo?
" Diba siya din ang nagbalak na magpa-bagsak sa atin bago ako pumuntang Japan. ? "
Na-meet ko na si Diaz nang isama ako ni tatay sa party ng mga negsosyante kagaya niya. Kami ni kuya. Ang manyak na yon.
" Yes young lady. Ang sabi niya di nya tayo guguluhin at mag-iinvest sya sa kumpanya natin kapag pumayag si tatay na ipakasal ka kay Diaz. "
What the Fat! Si Majimbo? Gusto ako pakasalan? Ewww. Dati pa ako nang gigigil doon sa majimbo na yun nung dinala ako ni tatay sa party. Panay ba naman ang lapit sa akin at kindat. Yayyy! Nahalata naman yun ni kuya kaya di sya umaalis sa tabi ko." Hanggang ngayon trip pa rin ako ng piggy na yun? Gawwwd. " I got goosebumps habang naaalala ko yung ginawa nya before. Urgghhh!
" Young lady, sorry di ka naman namin gusto ipagkasundo ni tatay . Pero no choice kami. Pag bumagsak ang kumpanya mas lalong di ka nun lulubayan at isa pa baka idamay niya ang pagmomodelo mo. At yun ang pinaka ayaw namin ni tatay na mangyari. " malungkot na paliwanag ni kuya.
Haaay. That majimbo! Gusto ko talaga syang tirisin. No choice ako kaya kailangan ko ng magpakasal sa di ko kilalang mayaman na businessman na sumagip sa kumpanya namin.