CHAPTER 2

0 0 0
                                    


Nakalabas na si tatay ng hospital, at kailangan nya pa ring magpahinga sa bahay. Lalo daw kasi siyang magkakasakit sa hospital.

Ngayong araw ko imi-meet ang mapapangasawa ko DAW! Kainis naman kung di lang ambisyosong piggy yung majimbo na yun edi sana di ako magkakaroon ng instant na asawa. Ano ba yan parang noodles lang yun ah. 

" Kuya sa bahay nya ba mismo ako pupunta?  Tsaka ano yan?  Bakit may ganyan agad? " turo ko sa mga maleta ko na sa harapan ko.  Nasa sala kasi kami tatlo ni nanay at kuya. Pinapalayas na talaga nila ako. 

" Yes young lady,   ka na titira sa bahay ng mapapangasawa mo.  " paliwanag ni kuya

" Pero anak,  kararating lang ng kapatid mo.  " si nanay

" Nay, dadalaw pa rin naman ako sa inyo dito sa bahay. " ngumiti ako kay nanay para mapanatag ang loob niya na aalis ako sa bahay. 

Napaka excited naman nung mapapangasawa ko DAW! Wala pa nga akong 1 week dito sa Pinas gusto na ako ibahay. 

Hindi na ako hinatid ni kuya dahil may sumundo sa akin na driver at dinala ako sa bahay . No. . .  Mansion.  No. . .  Palasyo ba to?  Teka di ba ako nililigaw netong  driver na to? Hari ba o prinsipe ang mapapangasawa ko? Napaka lawak at may swimming pool pa sa harap. 😯😯

Kulang pa yata ang isang araw para libutin ang bahay este palasyo na to eh.  Palasyo ba talaga to?  

Pagpasok ko sa bahay daw.  May mga nakahilera na maid at buttlers ang sumalubong sa akin.  Nasa 16 na maids at 10 na buttlers ang nag bow pag daan ko.  Naka-sunod naman sa likod ko ang driver na sumundo sa akin kanina..

Nag-bow din ako sa kanila.  Juskoo.  Ang awkward naman neto dumdaan ka sa gitna.  Parang prinsesa ang peg ha.  Isa lang ang katulong namin sa bahay.  Kumbaga taga linis lang at taga laba lang sa bahay si nanay naman na kasi ang nagluluto. Pag wala namang ginagawa si nanay tumutulong siyang maglinis.  Pero ito?
Ganito kalaking bahay slash palasyo?  Kakailanganin mo talaga ng napaka raming maid. 

Hinatid ako sa parang study room nung future husband ko.  Napaka raming rooms at siguradong maliligaw ka sa lawak ng buong bahay.

Nakaupo sa swivel chair ang Future husband ko.  Pinagbuksan pa ako ng driver ng pinto.  Duhhh may kamay naman ako nuh.

Kumatok ako bilang pag papaalam na may taong papasok, at ang loko di man lang lumingon, may pa-suspense pa ang loko.

" Ahm,  h-hi?  " hi?  Kinakabahan kasi ako ehh.  Juskooo lumingon ka na kasiii. 

Unti-unting umikot ang swivel chair paharap sa akin.  At.  . . . 😯😯 whaaaat? Tama ba itong nakikita ko?  Si.  . . ROME?  Si Rome ang future husband ko?  Pero paano?  Scam ba to?  Fake news?

" Andito ka na pala.  " simula niya.

The ever manly and handsome ROME SILVESTER LEE? as in?  Weee?  Wait scam yata to.  Babalikan ko si kuya. 

" At saan ka pupunta miss?  or should I say misis?  " misis daw ohhh.  Napabalik ako sa kinatatayuan ko kanina lalabas kasi sana ako para tanungin si kuya kung tama ba tong bahay na napuntahan ko. 

" Ahm.  . Ano k-kasi.  . . " hala bakit nabubulol ako?  Natty ano ba umayos ka nga.  Sobrang tagal kong mag move on kay Rome tapos heto?  Sa harap ko sya.  No!  Natty tama na ang katangahan mo sa kanya noon. Binasted ka ng lalakeng yan.  Shakitt.

" Di ka na pwedeng mag back out.  May kasunduan kami ng dad and kuya mo.  " haay.  The ever cold-hearted Rome. Di talaga sya nagbago.  Pwera na lang na mas lalong nag mature ang physical features niya. Mas lalong nadepina ang pointed nose niya.  Kissable lips.  Chinito eyes.  Dati cute slash gwapo sya.  Ngayon.  Ang hot niya na.  Ano ba Natty pinag papantasyahan mo na naman sya .

"  First alam ko naman na kilala mo na ako. " so natatandaan nya na binasted nya ako.  😒😒
Tahimik lang akong nakikinig sa sasabihin niya.

" Magpapakasal tayo by tomorrow. Civil wedding lang para di waste sa time. " tsss.  Time na naman lagi ka namang walang time.  Haaay Rome and his precious time 😤. Dahil sa langyang time na yan binasted ako ehh. 

" Ipapaalam natin sa media na kinasal na tayo.  " whaaat?  Media?  Paano ang career ko?

" This wedding is for business purposes lang.  Alam ko na alam mo na ikaw ang kapalit ng ginawa ko para sa kumpanya nyo " yeah yeah whatever kelangan nya ba talaga ipamukha sakin yun? 

" Kailangan kita para ma-fully take over ko ang buong LeeVester Empire. " aaahh.  So sa kanila pala ang LeeVester empire.  Tsk.  Di ko man lang naisip yon ahh.  Sobrang yaman pala ng mokong na to.  Parang sari sari store lang nila yung kumpanya namin ehh.  Napakaraming business ng LeeVester Empire.  Mula sa airlines,  trucking,  real estates,  malls,  banks, hotels,  restaurants at marami pang business ang pagmamay ari ng LeeVester Empire. 

" Pag na fully-take over ko na ang LeeVester Empire pwede na tayong mag file ng divorce. You can do whatever you want pagkatapos.  Pero habang mag-asawa tayo hindi ka pwedeng makipag relasyon sa iba.  The same din sa akin. Pwede mo ipag patuloy ang pag momodelo mo."

As if naman na gusto kong matagal na makasama ka.  Che!  Hhmff.  Dati baliw na baliw ako sayo.  Ngayon naka move on na ako. 

" Any suggestions?  " sa dami ng sinabi nya nagtatanong pa sya ng suggestions ko ? Kung i-suggest ko kaya na wag na to ituloy?

" Wala po kamahalan " nag-bow ako sa kanya.  Nagtaka naman sya or should I say nabigla naman sya sa ginawa ko. 

" tsk. Crazy woman " crazy sayo.  . .dati.  haissst

"  Okay.  You'll be sleeping in my room.  Don't worry pinaayos ko na ang mga gamit mo.  "

" Eh saan ka matutulog? " syempre ang daming rooms dito pwede naman ako kahit saan doon.

" Sa room ko we'll be sleeping together "

" Uhuh?  Marami namang rooms dito nuh. Tsaka kahit saan mo ako ilagay di ako mapili.  "
Napapanatastikuhan syang tumingin sa akin at para bang yun na ang pinaka walang kwenta kong sinabi ngayong araw.

" Mag-asawa na tayo.  So.  . You think maniniwala sila pag magkaiba ang room natin. "

" Wala namang pupunta dito na media or press "

" Yes di sila makakapasok pero my mom and dad will be checking on us from time to time.  "
Whaaat?  Yung parents nya?  Segurista naman nila.

May kumatok sa pinto at pareho kaming napalingon.

" Come in " Si Rome.

Dire-diretsong pumasok ang isang lalaki na naka-suit at may nilapag na papers sa table ni Rome.

" Bilis ng galawan ni tito pare ah.  " tinapik sa braso si Rome.

" Aciel is this the marriage contract? " nagsimula ng   tingnan ni Rome ang every pages.

" Yes pre.  Sabi ni tito pirmahan nyo na yan ngayon din dahil ipapa rehistro na yan ngayon.  So hurry up? "

" That old man.  " pikon na pinirmahan ni Rome ang marriage contract. 

" Wuyy bad yun ah.  " napatingin silang dalawa sa akin.  Kasi naman sabihan ba namang old man yung tatay nya. 

" What?  " tiningnan nya ako ng masama. 

" Wala po kamahalan. " nag-slight bow ako at di na nagsalita baka mag hasik pa to ng lagim eh.

" pfftt.  What the F.  Pre?  Kamahalan?  " tawa ng tawa yung kaibigan nyang si Aciel.

" Shut up pre " pagsaway sa kanya ni Rome.

Pagkatapos nyang mag sign ay sa akin niya binigay ang marriage contract at nagsign na din.

" Ako ang inatasan ng iyong ama kamahalan na irehistro ang inyong kasal hahahah" pang aasar ni Aciel.  Akma naman syang babatuhin ng ballpen ni Rome pero nakalabas ni Aciel dala ang marriage contract . Di man lang nakapag paalam.

May pagka childish pala tong si Rome. Haaay akala ko bukas pa kami ikakasal. Excited di masyado tatay neto ehh

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Don't Leave MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon