PROLOGUE

5 0 0
                                    

" Rome, I like you! No. . . I mean I love you! " matapang kong pag-tatapat ng nararamdaman ko kay Rome ang long time crush ko, actually love ko na talaga siya. Una kong nakilala si Rome noong 1st year college kami noon. Bukod pa kasi sa guwapo at ma-appeal ay napakatalino pa. Dean's lister pa. Pero napaka cold-hearted nga lang. Kahit naman na ganoon siya marami pa ring nagkakandarapa sa kanya at isa na ako doon.

Tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang paa. Ngayon ako naglakas ng loob na magtapat kasi graduating na kami at ayaw kong pagsisihan na hindi ko man lang nasasabi ang nararamdaman ko para sa kanya. Di ko alam kung kelan kami ulit magkikita pa.

" Please don't waste my time miss. I have no time for this. Excuse me. " at nag-walk out na siya.

Whaaaat? Waste his. . . Whaaaat? Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Walanjo naman ohh. Basted agad? Grabe naman yon. Di man lang ako binigyan ng chance.? 😭😭

" Hay naku gurl. Sabi ko naman sayo na mataas standard ni Rome eh " pang-aasar sa akin ng kaibigan kong sobrang sarap batukan na si Rina.

" Ah ! So pag ako nagtapat di ako pasok sa standard ganun? Tama ba pagkakaintindi ko Rina? " pinanlisikan ko siya ng mata at nag peace sign lang sa akin ang loka.

" Naku naman kasi Natty. Kababae mong tao ikaw ang unang nagtatapat sa lalake. " kahit kelan talaga napaka manang netong isa ko pang kaibigan na si Pia.

" Hello Pii. 21st century na di na uso yang mga ganyan. Ang kayang gawin ng lalake kaya din ng babae. Girl power! " pagtatanggol naman ng ever supportive sa akin na si Belle. Haay sa aming apat siya lang talaga ang di kumukontra sa pag-ibig ko kay Rome.

" Yan! Kaya nagiging lokaret na yang kaibigan natin kasi sinusuportahan mo sa mga kalokohan niya. " pang aalaska ni Rina.

" Nagmamahal lang naman yung tao eh " pagmamaktol ko at nagpout sa kanila.

" Wag ka nga friend. Mukha kang aso pag nagpapa-cute eh. " si Belle at hinampas ako sa braso. Nandito kasi kami ngayon sa Canteen dahil lunch break namin. Magka-klase kami sa lahat ng subjects namin kaya sabay kami palagi mag-lunch break.

By the way I'm Mako Nathalie Inoue (Inuwe) . 18 years of age and currently 4th year College na, taking up BSBA major in Management Accounting. Japanese ang tatay ko at Filpina naman ang nanay ko. May business ang family namin at kasalukuyan na ang big brother ko na si Mahiro Nathaniel Inoue and ang tatay ko ang namamahala. Wala akong balak na magtrabaho sa company namin after kong gumraduate. First, wala akong passion sa business second, kaya na ni kuya yun. Nagmana kay tatay yun eh parehong mahilig sa business. Bata pa lang kasi na-train na siya ni tatay .

Di ko naman kasi talaga gusto yung course na kinuha ko. Mapilit kasi tatay baka daw kasi magbago ang isip ko at tulungan ko si kuya sa business namin. No freaking way. Gusto kong maging professional model. Actually ngayon nagmo-modeling na ako. Pero pag summer lang kasi focus muna ako studies.

Haayy. I will miss Rome, siya na kasi ang magti-take over ng business nila kaya paniguradong magiging super busy niya at ako naman sa modelling career ko. Rome ko wala na ba talaga akong pag-asa sayo?

Don't Leave MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon