Prologue

831 13 0
                                    



Only the dust can make the moon bleed..

I have been hearing these words for quite some time now. Naiinis na nga 'ko minsan, lalo na 'pag sina lola at tita yung nagsasabi. Pero wala naman akong magawa. Feeling ko nga motto na ng pamilya namin 'yan, eh. Kahit hindi ko gets. Pout.

And it gets even weirder kapag napapatingin ako sa moon. I mean, how come a single dust would harm the moon? Let alone, making it bleed.

As I stare at the moon even more, it sends a different feeling that I haven't felt before. Surely, dahil lang 'to sa kaweirduhan nina Lola. Err.

Hindi basta-basta chills at relaxation, eh. Something bigger than that, something strange.

Nangalumbaba ako habang nakatitig doon. It's in the middle of the night, nagising ako kanina sa kakaibang panaginip. Ayon! Isa pa 'yon!

Never ko pang napanaginipan 'yon! I mean, ugh, oo na. Iba-iba naman talaga mga panaginip natin–but I can tell that it's a whole different one in terms of the feeling. I just cried after I woke up from that dream.

Naluluha pa rin tuloy ako kapag naaalala ko 'yon. Hep hep! For your information, hindi ko rin alam bakit!

Maybe.. just maybe, it's the Almighty's sign? Or something? I don't know. Naguguluhan ako kasi ang overwhelming sa pakiramdam. And it's a baffling kind of experience. Super.

Hindi ko na napigilan at umakyat na ako sa mesa dito sa balcony. Umupo ako doon at tinaas ang mga paa ko. I hugged my knees and stared at the moon.

Full moon. And it's shining so bright, I couldn't even notice the stars.

Napangiti ako. Nabigla ako dahil doon and chuckled at my own weirdness. Nahahawa na ako kina Lola at Tita!

Pero tumitig muli ako sa buwan. The clouds are moving, I can see it clearly. Humaharang sila sa buwan. Para ngang ilaw sa bahay namin, eh. Ang liwanag pa din sa paligid kahit minsan natatakpan.

Napahawak tuloy ako sa pendant ng kuwintas ko. Minsan napapansin ko 'tong umiilaw. Lalo na kapag ganito at full moon. Ngayon lang hindi, ngayong lumabas ako para titigan ang buwan.

Pinunasan ko ang tumakas na luha sa mata ko. Bwisit, abnormal na yata ako? Bipolar? Kanina lang ngumiti pa 'ko.

Hawak ko naman ngayon ang pendant habang nakatingin sa buwan. Gusto ko 'yon kausapin. Gusto kong tanungin. Gusto kong hilingin na sana, pwede siyang maging tao. Para pwede kong kausapin anytime at night if I need it, lagi pa man din akong in need tuwing gabi.

Halo-halo na 'tong nasa utak ko pati nararamdaman ko. Kainis! Ang dami kong alam isipin, bukas nyan late nanaman ako magigising!

Bumaba na nga ako sa mesa. Pero hindi pa 'ko nakakahakbang, kumirot ang puso ko. Sa gulat ko napahawak ako sa upuan na gumawa ng kaunting ingay.

Teka, ang sakit ha..

Hindi ko alam bakit, pero napatingala ako sa langit.. sa buwan. Hindi tulad kanina na kailangan ko pang gumilid para makaharap iyon dahil natatakpan ng mga puno, ngayon, nakalabas iyon sa kawalan. Nakatutok sa akin.

At that moment, I received the strangest goosebumps ever! Ang bilis naman ng revolution? Umabot kaagad dyan? In less that ten seconds?

Takhang-taka pa ako nang halos himatayin ako sa gulat dahil kay Tita. "Tita Perrie! Ugh! Papatayin mo ba ako sa gulat, tita?" Bulalas ko sa tita ko. Natawa naman siya.

"Aalis ka na agad? Can't you see na hindi ka pa niya gustong paalisin dyan?" I was taken aback by what she said. Mamamatay ata ako sa kilabot dito. Kanina pa nakataas mga balahibo ko. Mabalahibo pa man din ako, gosh.

Moon's Blood (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon