Chapter 1

411 10 0
                                    



Enjoy reading!


Trouble in store




Dust Yumin Hulsterton

Day 17th of July. Nothing special, just a common occasion for people who remember the date of their birth. Such a usual day.

"Yumin, hoy, 'lika na! Tapos na 'ko kumain, nasa taas ka pa din!" Chan shouted from downstairs.

"Yeah, right!" I sighed. Binaba ko na yung kamay kong nakahawak pa sa painting ng pamilya ko. Nginitian ko ang imahe ni Mama sa harap ko. "I have to go.. come visit me today, okay? Maaga akong matutulog so we can chitchat in my dreams," I kissed her cheek on the painting and marched downstairs.

"Atat ka naman, hapon? Ngayon ka na nga lang napaaga ng pasok eh," pang-asar ko pagkababa. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Duh, may celebration kaya tayo—"

"In your dreams." I kissed Lola goodbye and waved at Tita. Hindi na ko sumabay sa kotse ni Chan at nag-bike nalang. Malapit lang naman ang unibersidad mula sa'min, maarte lang yung hapon na 'yon.

"Mag-iingat ka, apo!" Sigaw ni Lola bago ako makaalis.

Habang inaayos ang tote bag ko sa balikat ay nagumpisa na ko sa pagbibisikleta. Maingat naman ako 'pag ito ang gamit ko palabas, lalo na't highway ang sasalubong sa'kin paglabas ko ng kanto.

Pero hindi ko inaasahan na may dadaang iilan na motorsiklo sa harap ko pagliko ko ng kanto.

Umalingawngaw sa utak ko ang sigaw ng mga muntik nang masagasaan ng bisikleta ko at ng mga motorsiklo. Halos masubsob ako sa manibela nang mag-brake ako.

Hindi nga ako nasubsob sa manibela, sa daan naman.

Nakita ko ang pagalit na pag-alis ng helmet ng isa sa mga nagmomotorsiklo. "Ano ba?! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo? Kita mong kanto 'yang nilalabasan mo, dere-deretso ka pa!"

"Miss, sa susunod mag-iingat ka lalo na highway 'yang labas ng kanto niyo. Baka sa susunod ay matuluyan ka pa," medyo natawa 'yong isa kasama niya.

"Tss! Matutuluyan talaga 'yan. 'Kala mo may-ari ng kalye, eh," ngising sabi niya.

Ang dami pa niyang dinada habang dinuduro ako na nakasalampak sa sahig. Wala pa ako sa sarili kaya hindi ko madigest ang mga sinasabi niya. Nagsilapitan naman ang mga tsismoso't tsismosa, bumilog sa paligid namin.

"Tama na, 'tol, 'di naman ata sadya. Nanahimik na oh," pag-awat ng kasama niyang inalis na rin ang helmet. Isa yun sa mga nasa likuran, yata, kaya hindi nakatumba 'yong motor niya.

Nang hawakan niya ako sa braso para tulungang tumayo ay dun lang ako natauhan. Muntik na pala akong makasagasa!

Hindi ko pinansin iyong mga motorista at lumapit doon sa matanda na nasa gilid. Nakaupo pa rin siya sa lapag at inaayos ang mga.. palay?

"M-Manong.. pasensya na po. Hindi ko po sinasadya–" natigilan ako nang lumapit ako sakanya. Hindi ko alam kung namalikmata ba ako o ano.

Are those.. red eyes?

Ngumiti siya ng lingunin ako, "ayos lang, hija. Pasensya na din at tila naabala ang kalsada dahil sa akin," tinulungan ko siya nang sumenyas siyang tatayo siya. Hindi ko pa alam na lalapit pala siya doon sa mga motorista.

Yung isa galit na galit pa din. Grabe. Ayokong magsalita pero bakit parang mas OA pa siya kesa sa muntik nang masagasaan ng dalawang motor at isang bisikleta?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Moon's Blood (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon