Chapter 2

18 2 0
                                    

Novah POV

Usap-usapan ang nangyaring balita kay Mr. De Luca. Well, who wouldn't be? He is a billionaire and famous. A well-known ruthless business man in the business world.

Hanggang sa shoot nga usap-usapan ang nangyari. Daming nalulungkot lalo na ang mga babae. Daming nagalit sa may gawa dahil ang tanga daw bakit nag mamaneho ng lasing, etc..

Medyo nalungkot rin ako sa nangyari sa kanya dahil ang balita pa ay paralyzed daw ang dalawa nitong paa. Hindi muna siya makakalakad and it needed to be treated. So ibig sabihin stop muna siya sa work niya. Hayy.

It's been one week na ang nangyari after my shoot at yung nangyari kay Mr. De Luca. Humupa na ang balita about sa kanya siguro binayaran ang media para manahimik na sila. Nakakarindi na rin kasi ang media, actually. Pero hindi ko rin sila masisisi dahil ginagawa lang naman nila ang trabaho nila at isa pa malaking exposure narin dahil sikat ang sangkot sa balita.

"Novah, di ka pa ba mag a-out?" Nilingon ko si Carol.

"Mag a-out narin ako niyan. Oras na rin kasi." Tumingin ako sa wrist watch ko. Mag s-six na ng gabi.

"Mag babar kami ngayon sama ka ba?"

"Sorry Carol hindi ako makakasama. May shoot kasi ako ngayon." Sabi ko. Ayoko rin pumunta ng bar hindi ko kasi forte.

"Ay ganun ba sayang naman. O siya sige aalis na kami. Bye!" Paalam niya. Nag paalam rin ang iba na halatang kasama ni Carol mag bar.

Hindi ko talaga forte ang mag bar kahit ang uminom. Never pa ako nakatikim ng alak, wine lang.

"Ayaw mo ba talaga sumama sa kanila?" Tanong ng isang kasama ko sa trabaho, si Mandy. Umiling ako sa kanya. Saka may lakad rin kasi ako ngayon may shoot ako.

"Hay naku girl wag mong iburo ang ganda mo sa trabaho. Sayang, ang ganda mo pa naman paano ka makakahanap ng boylet niyan?" Lintaya niya. Pero ngumiti lang ako.

"Darating din tayo diyan pero sa ngayon focus muna ako sa trabaho."

"Naku girl kung lalaki lang talaga ako matagal na kitang niligawan. Ang ganda mo kasi. How to be you po?" Di ko mapigilng di matawa sa sinabi niya.

"Gaga, ang bata ko pa para mag boyfriend no." Biro ko sa kanya. Napairap siya ng mata.

"Ano ka 16 years old? Hello girl 23 kana, sa edad ko na yan noon marunong na akong lumandi." Parehas kaming tumawa sa sinabi niya.

"Lol!"

Sabay na kaming lumabas ni Mandy nauna siyang sumakay sa kotse niya dahil sa kabila naka park ang kotse ko.

"Bye Novah! Ingat sila sayo!" Tumawa ako sa sinabi niya.

"Ingat rin sila sayo!"

Napailing ako habang tinatahak ang daan papunta sa kotse ko. Kahit papano gumaan ang pakiramdam ko ngayon dahil sa hectic ng trabaho. At may shoot pa ako ngayon.

Mga ilang minuto lang ay nakarating na ako sa pinakasikat na hospital sa bansa. Dito gaganapin ang shoot. Pagpasok ko ay dumeritso ako sa sinasabing room ni Miks. Ang gagawin ko ay mag endorse nitong hospital. Overwhelmed pa ako nong una dahil hindi ko inaasahan na kukunin nila ako bilang mag endorse sa hospital na ito. Ito kaya ang pinaka sikat na hospital sa bansa hindi lang dito pati rin sa buong asia.

Nakipagkamay ako sa photographer at sa ibang mga staffs pagkarating ko sa room.

"Hi dear, thank you for accepting our offer." Si Mrs. Cruz ang Head marketing ng hospital.

"It's my pleasure ma'am. Thank you for having me here." Pasalamat ko sa kanya.

"No problem dear. We trust you and no wonder maraming kumukuha sayo dahil ang ganda mo lalo sa personal. And you are perfect to the concept you are going to shoot now."

After namin mag usap ni Mrs. Cruz ay inayosan na ako at sinimulan ang shoot. Nakailang shoot rin kami dahil maraming ginagawa. After hours natapos rin sa wakas.

"It's a wrap guys! Good job Miss Salvatore."

Napaupo ako sa bakanting upuan at uminom ng tubig. Kapagod rin ang ginawa namin ngayon. Inaantok narin ako gusto ko ng matulog.

"Good job baby Novah." Pakinding-kinding na lumapit si Miks sa akin.

"Pahinga muna ako bukas Miks. Ayoko muna tumanggap ng part-time parang nabugbog yata katawan ko."

"Of course baby Novah, pahihingahin muna kita baka magkasakit ka pa." Ngumiti ako at yumakap sa kanya. Ewan ko nakakaramdam ako ng comfort kapag niyayakap ko siya. Para ko narin siyang kapatid.

"O siya. Mag ayos kana dahil aalis na ang team natin. Mauuna na ako ha dahil may date pa si akitch. Hehehe." I rolled my eyes. Malandi talaga kahit kailan.

"Sige na mag aayos narin ako. Thank you Miks."

"Jusko ang drama mo ngayon baby ko." Napairap ulit ako.

Umalis na ang ibang kasama sa team dahil gabi narin. Si Miks ay nauna na dahil may date pa daw siya. Ako naman ay ready na sa pag-alis. Bitbit ko ang handbag ko habang palabas ng room. May nadaanan akong mga nurse na busy sa trabaho. Yung iba ay pamilya ng mga pasyente.

Lumiko ako pakanan dahil doon ang elevator pababa papuntang parking area. Malapit na ako sa tapat ng elevator ng mahagip ng mata ko ang lalaking nakasakay sa wheelchair, mukha siyang nahihirapan. Hindi ko kita ang mukha niya dahil naka cap at naka shades siya. Narinig ko siyang nagmura kaya napangiwi ako. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Napansin ko na parang may naipit sa gulong ng wheelchair niya kaya siguro siya nahihirapan.

Tumikhim muna ako bago siya tuluyan nilapitan at lumuhod sa side niya.

"Let me."

Pansin ko na natigilan siya at tumingin sa akin. Hindi ko kita ang mata niya pero masasabi ko na ang gwapo niya plus ang bango pa niya. Sarap amoyin.

Tinanggal ko ang damit niya na naipit sa gulong at binalingan siya. Nahuli ko siyang nakatingin parin sa akin.

"Ehem! Ahh okay na Mister." Tumayo na ako at pinagpagan ang tuhod. Tumingala siya sa akin at nakita kong gumalaw ang Adams apple niya.






Bachelor: His EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon