Novah POV
I stared at him for a seconds. I don't know but he looks familiar. I think, I saw him somewhere.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at tumayo ng maayos. Ilang minuto kaming ganun hanggang dahan dahan niyang pinagulong ang wheelchair niya.
"Do you need help?" I ask him. Para kasing nahihirapan siya halatang hindi sanay.
Hindi niya ako pinansin at tuloy tuloy lang siya sa pag-alis. Tumakbo ako papunta sa harap ng elevator para pindotin iyon. Pinauna ko siyang pumasok at naririnig ko siyang nagmumura. Napangiwi ako. Ang lakas niya naman magmura.
"Anong floor kayo mister?" Hindi niya ulit ako pinansin. Ang snob naman! Tinanong ko siya ulit pero waley parin. Sa inis ko ay pinindot ko nalang yung ground floor. Bahala siya sa buhay niya. Ang sungit! Siya na nga itong tinutulungan siya pa ang masungit!
Nakahalukipkip ako habang nakatayo sa gilid niya. Pasimple ko siyang tiningnan. Salamin ang loob ng elevator kaya nakikita ko siya. Hindi ko alam kung nakatingin ba siya sa akin dahil naka shades siya. Para siyang almighty greek god na nakaupo sa truno. Yung upo at tindig niya may dalang authority.
Tumunog yung elevator hudyat na nasa tamang floor na kami. Pinauna ko siyang lumabas bago ako sumunod. Hindi ko na siya pinansin kahit nakokonsensya ako dahil hindi siya nakakalakad pero naiinis parin ako sa pagsusungit niya kanina hindi man lang nagpasalamt. Saan kaya siya pupunta? Ewan!
Diretsto ako sa kotse ko at pinatunog iyon. Papasok na sana ako sa loob ng mahagip ko siya sa kabilang banda ng parking area. Nakikita ko siyang nahihirapan sumakay. Napabuga ako ng hangin at lumapit dito. Ang bongga ng kotse niya, sports car! Halata naman sa itsura niya na isa siyang mayaman.
"Hey, tulungan na kita." Tumikhim muna ako bago siya hinawakan sa braso. Nagdikit ang katawan namin naramdaman ko parang may kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Ano yon? Napangiwi ako dahil ang bigat niya. Naamoy ko yong pabango niya na humahalo sa natural niyang amoy. Shet! Ang bango! Sarap amoyin.
Pinilig ko ang nasa isip ko ang harot kasi.
Hinawakan ko ang kabila niyang paa at pinasok sa loob. Niligpit ko na rin yung wheelchair niya at umikot sa likod para ipasok ito doon. Bumalik ako sa kanya pero nakasara na yung pinto niya. Ang sama talaga hindi man lang nagpasalamat.
Hindi ko siya nakikita sa loob dahil tinted yung sasakyan niya. Tumingin ako doon at umirap just in case nakikita niya ako para malaman niya na naiinis ako sa kanya. Tumalikod na ako at nagmartsa paalis papunta sa kotse ko. Nakailang hakbang palang ako ng marinig ko ang sinabi niya. Mahina lang yon pero rinig na rinig ko. Malamig ang boses niya na kahit sino ay kilalabutan pero I find it sexy though.
"Thank you."
Tumigil ako sa paglalakad at lumingon dito pero likod nalang ng sports car niya ang nakita ko hanggang sa mawala ito sa paningin ko.
"Marunong karin naman palang magpasalamat ang sungit-sungit mo pa." Umirap ako sa hangin.
Pagdating ko sa condo ay humilata agad ako sa couch. Napabuga ako ng hangin, nakakapagod ang araw na ito. Napangiwi ako ng maramdam na sumakit ang balikat ko. Nabugbog na yata ang katawan ko. I need a rest. Namimigat ang mga mata ko at hindi ko namalayan nakatulog na ako.
Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko. I glance the the wall clock and check the time. It's just 7 in the morning. Kumunot ang noo ko dahil wala naman akong pasok ngayon sino ba itong distorbo. I check the caller.
Unknown number
"Hello?" I ask the other line.
"Good morning Miss Salvatore! This is De Luca Hospital secretary I just want to inform you that you are invited for the upcoming event this coming sunday. The CEO of De Luca hospital is very pleased of you for endorsing the company. I will send the invitation today. Thank you and have a nice day!"
Napakurap ako at nakatingin sa phone ko. Wow! I am being invited! I didn't see this coming. And wait, De Luca Hospital? Sounds familiar. I remember! It was Mr. Timothy Callus Daegan De Luca! Family pala nila ang may ari ng hospital.
Hindi na ako makatulog kaya bumangon na ako at ginawa ang routine ko every morning. I did some exercise to burn the fats. I eat my breakfast and clean the dishes. Since wala akong pasok I did the laundry too since ayoko nagpapa laundry.
Naisip ko ang susuotin bukas sa event. Marami naman akong unused na mga dress and gown yun nalang ang susuotin ko para di na ako bibili and save money narin.
Naisipan ko na mag general cleaning sa buong condo ko. May naglilinis naman dito once a week pero di ko naman pwedeng iasa nalang lagi sa taga linis ang bahay ko. Kawawa rin kasi sila syempre alam kong hindi lang condo ko ang nililinis nila halos buong building na ito pinagsisilbihan nila kaya pagod sila palagi.
Nasa kalagitnaan ako ng pagpupunas ng tumunog ang doorbell. Pinunasan ko muna ang pawis sa noo ko bago binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang isang lalaki na naka amerikana. Para itong bodyguard sa tindig niya.
"Yes?" Tanong niya.
Yumukod siya na para bang isa akong royalty. Ang taray!
"Good morning Ms Salvatore. Ito na po ang invitation card niyo para sa event bukas." Sabay lahad ng isang mamahaling envelope. Tinanggap ko iyon at nagpasalamt. Pagkaalis ni kuya ay sinara ko na ang pinto. Sinuri ko ang envelope. Ang bongga!
Natapos ako sa paglilinis bandang 2 ng hapon. Nakaramdam na ako ng gutom di ko man lang namalayan yung oras. Pagkatapos kumain ay dumeritso ako sa kwarto para maligo. Nanlalagkit na kais ako dahil sa pawis.
Pagkatapos maligo at magbihis pinatuyo ko muna ang buhok ko. Nakaramdam ako ng antok at di ko namalayan nakatulog ako.
Nagising ako bandang 6 ng gabi. Busy ako sa pinapanuod kong drama habang kumakain ng biglang may nag doorbell. Kumunot ang noo ko. Tiningnan ko ang oras 7 na ng gabi sino naman kaya 'to?
Tumayo ako at sumilip sa peephole. Kumunot ang noo ko ng makita ang isang babae nakatayo sa harap ng pinto ko. Binuksan ko yung pinto at sinilip siya.
"Bakit? Sino sila?" I ask her. Ngumiti ang babae at nagpakilala.
"Hi! I'm Amor. New neighbor mo ako dito." Sabay turo sa di kalayuang pinto. Tumango ako.
"Nice to meet you Amor. I'm Novah." Nakipag kamay kami sa isat-isa. Akala ko aalis na siya pagkatapos pero di pa pala.
"Ahmm.." Parang may sasabihin pa siya.
"Ano yon?" Tanong ko. Para kasi siyang nahihiya.
"May ahmm. May p-pagkain ka pa ba diyan? Nagugutom na kasi ako kalilipat ko lang kasi ngayon wala pa akong time mag grocery saka tinatamad na akong bumaba para kumain kaya nagbabasakali ako kung may p-pagkain ka pa diyan." Nahihiya niyang sabi at kumamot sa likod ng ulo.
Napatanga ako ilang saglit sa sinabi niya at hindi nakapagsalita. Tiningnan ko siya ng mabuti. Maganda siya at matangkad hindi naman mukhang magnanakaw.
"Good girl ako promise kahit ipakita ko pa sayo yung NBI clearance ko para maniwala ka." Mukhang iiyak na siya any moment. At hindi naman ako ganun kasama para hindi siya pakainin. Nilakihan ko ng bukas ang pinto at minuwestra ko ang kamay para papasukin siya. Nagliwanag ang mukha niya at yinakap ako. Medyo nagulat ako don.
"Ay sorry! I'm just happy lang kasi. Thank you talaga Novah! Friends na tayo ha!" Humagikhik siya at naunang pumasok. Paiba-iba ang mood ng babaeng ito.
Pinaghanda ko siya ng pagakain at pinakain siya habang ako ay tinuloy ang pagkain na naudlot kanina. Hindi ko alam pero namalayan ko nalang ang sarili ko na komportabling nakipag usap sa kanya. Ang gaan niyang kausap at ang kulit niya. May sense of humor kausap.
In that moment I realized I had an instant friend.
BINABASA MO ANG
Bachelor: His Everything
RomanceSabi nga nila: "Love comes to you with the most unexpected person at the most unexpected time." Kung and tadhana na ang gumawa ng paraan huwag mo ng pakawalan minsan lang 'yan malay mo siya na pala si 'The One'.