I'm Zenaiah, 17 years of age. Ang aking pamilya ay isang parte ng Red stone pack na pinamumunuan ni Alpha Tyler. Oo, pack. Isa kaming grupo ng mga werewolf. Kami ay Omega lamang na may simpleng pamumuhay. Ang aking ama na si Tatay Samuel ay isang magsasaka, ang aking Ina naman na sa Nanay Eliyah ay tagaluto naman sa house pack. Si Kuya Zian naman ay isang warrior at malapit na kaibigan ni Matt, ang napakawalang puso at napakasungit na nilalang na nakilala namin. Anak siya ni Alpha Tyler at siya ang soon to be Alpha ng Red stone Pack.
Buti nga ay napakalapit na kaibigan ni Kuya si Matt sa kabila ng masamang ugali nito. Napaka gwapo ngang nilalang, maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya napaka Babaero, bully at kung ano ano pa ang naririnig ko na kwento about sa kanya. Kawawa nalang ang magiging soul mate niya pagdating niya sa tamang edad na 21.
Nakalimutan ko nga pala, ako naman ay isang estudyante na nagsusumikap makapagtapos. Dito lang ako nag aaral sa aming village na sakop pa din ng Red Stone Pack, ang pangarap ko ay makapag tapos bilang nurse para makatulong sa aming pack. Simple lang ako at may iilang kaibigan sa aming eskwelahan. Si Tin at Paul ang mga kasa kasama ko at bestfriends ko mula pagkabata. Silang dalawa ay nakapag shift na dahil 18 years old na si Tin at 21 na si Paul, ako ay sa susunod na 3 buwan pa. Kinakabahan nga ako dahil ang pag si shift bilang wolf ay hindi ganun kadali at natunghayan ko iyon noong nag shift si Tin. Hanggang ngayon hindi pa nila nahahanap ang soul mate nila.
"Ui best Z, pakopya ako nung mga lecture kanina ha? Nakakatamad mag take down notes." Sabi ni Tin.
"Kailan ka pa ba sinipag sa pagsusulat?" Sabi Paul.
Natawa na lang ako sa dalawa, kahit kailan ganyan talaga sila. Kaming 3 ay parang magkakapatid and turing sa isa't isa. Pauwi nakami sa kanya kanya naming tahanan at Friday ngayon maaga ang dismissal.
"O sige na, mauuna na ko sa pag uwi sa inyo, didiretso pa ako ng pack house para tumulong sa paghahanda sa darating na kaarawan ni Matt sa Linggo." Sabi ko sa kanila. Kapag walang pasok pumupunta ako ng house pack para tumulong kina nanay at sa mga kasamahan niya. Noong una ay ayaw ako payagan ni Alpha Tyler kasi daw ay masyado pa akong bata at dapat ay pag aaral muna ang inaatupag ko. Pero nakiusap ako sa kanya para nakakasama ko din si Nanay doon hanggang sa pinayagan na nya ako. Mabait na Lider ng pack si Alpha Tyler pero simula Linggo ay ipapasa na niya ang kanyang posisyon sa anak niyang si Matt. Kaarawan ni Matt sa Linggo at posible na niya mahanap at makilala ang magiging soul mate niya. Ilang araw na bali balita ang kanyang kaarawan sa buong pack, kaya ang mga ilang kababaihan ay excited na sa darating na linggo, umaasa na isa sa kanila ang magiging soon to be Luna. Kawawa naman si Sofhie, ang girlfriend ni Matt ngayon, kung hindi siya ang nakatadhana para sa kanya. Wala pa man kasi ay inaangkin na niya ang posisyon bilang Luna.
"Sige mag - iingat ka Z. Magkita nalang tayo sa party sa sunday." Sabi ni Paul.
"O heto ung notebook ko, ibalik mo na lang sa lunes hah? Alis na ako." Pag abot ko ng note book kay Tin at saka na ako umalis.
Umuwi muna ako sa aming tahanan di kalayuan sa House pack, para magpalit ng damit. Pagkatapos dumiretso na ako doon.
"O z, nandito ka na pala. Nasa kusina si Nanay kasama si Aling Cena puntahan mo na lang." Salubong sa akin ni Kuya Zian sa labas, nag eensayo nanaman sila kasama si Matt.
"Sige po kuya." Sagot ko sa kanya. At tumingin din ako sa kasama niya na si Matt na nakatingin din sa akin na salubong ang kilay, at nag bow ako ng konte para mag bigay galang. "Pasok na po ako sa loob." Paalam ko sa kanilang dalawa.
Pagkapasok ko sa pack house, abala ang lahat sa paglilinis, may kanya kanya silang gawaing paghahanda para sa kaarawan ni Matt sa Linggo kahit friday pa lang ngayon. Pag dating ko sa kusina naabutan ko sina Nanay at Aling Cena na nagluluto ng hapunan.
"Nay!" Tawag ko sa kanya. "Hello po Aling Cena, mano po."
"O anak, nandito ka na pala halika dito tulungan mo kami mag hiwa hiwa dito para mapabilis ang pagluluto." Agad naman akong tumulong sa pagluluto. Ang trabaho kasi ni Nanay sa Pack house ay taga luto kasama si Aling Cena. Masarap at maraming alam na iluto si Nanay kaya kinuha siyang taga luto ni Alpha Tyler. Araw araw ay 3 beses nagluluto si Nanay para sa buong pack.
"Aling Eli, Aling Cena mga 8 daw ng gabi tayo mag hapunan sabi ni Alpha Tyler, meron kasi siyang importanteng sasabihin sa buong pack mamaya kasabay na ng hapunan." Sabi ni Kuya Dylan. Si Kuya Dylan naman ay pamangkin ni Alpha Tyler, at pinsan ni Matt. Siya ang kasalukuyang Beta ng Pack. Kapatid ni Alpha Tyler ang Nanay ni Kuya Dylan na pumanaw na 5 taon na ang nakakalipas.
"Sige po Beta. Mabilis naman ang pagluluto at marami naman tumutulong sa amin." Sabi ni Nanay.
"Oh Z, nandito pala ang kinakapatid ko." Pansin sa akin ni Kuya Dylan. Oo, kinakapatid, mula kasi pagkabata, kapag nasa house pack ako si Kuya Dylan na ang lagi ko kasama at dahil wala siyang kapatid ako ang tinuring niyang kapatid kaya ayaw niyang tawagin ko siyang Beta.
"Hello Kuya Dylan, opo maaga naman po ang labas sa eskwela kapag Friday kaya pumunta na po ako dito para tumulong." Sagot ko sa kanya.
"Mabuti naman kung ganun. Sige lalabas muna ako kailangan muna namin mag ensayo." Paalam niya.
Mag se 7 pm na nang matapos na ang aming pagluluto. Nagpaalam muna ako kay Nanay para lumabas at pinayagan ako. Paglabas ko ay naabutan ko nagpapahinga na sina Kuya Zian kasama sina Matt at Kuya Dylan. Talagang matinding ensayo ang ginagawa nila araw araw, sa paghawak ng espada at kung ano ano pang matatalim na bagay, at pakikipag laban kapag nagpalit anyo na silang Lobo.
Nakakamangha ngang tignan kapag nagpapalit anyong Lobo. Ang sabi nila kapag nasa edad ka ng 18 maari nang magpalit anyo ang katawan ng isang tao at may posibilidad na makilala mo na ang iyong kabiyak o tinatawag nilang mate. Ang kwento nga ni Nanay, noong panahong siya ay tumuntong ng 18 nagpalit anyo kaagad siya bilang Lobo, at mga ilang araw nang may bumisita sa amin pack mula sa ibang teritoryo, doon niya nakatagpo si Tatay, ang kanyang sou mate. Maamoy kasi nang isang Lobo ang kanyang kabiyak, parang hindi karaninwang halimuyak na nakaka akit. Sinundan daw ni Nanay ang amoy na yun at nagkita sila ni Tatay sa may malapit sa house pack, ganun din ang ginawa ni Tatay, hinahanap niya din ang amoy na yun.
(Hello guys, this is the 1st chapter of my story. Hope you like it. Keep safe everyone and God bless! ) ☺️
YOU ARE READING
I'm His Mate
WerewolfThis story was written in English- Tagalog. Sorry for the spellings, errors etc. CTTO mga photos used in this story (not mine). Hope you enjoy my story.