Chapter 3

91 3 0
                                    

Sumapit na ang araw ng Linggo, ang araw na pinaka hihintay ng lahat. Umaga pa lang ay abala na ang lahat sa kani kanilang gawain. Ako naman ay maaga pa lang ay sumama na kay Nanay para tumulong sa kanilang pag luluto sa kusina. Kailangan madami ang maihain nila mamaya dahil hindi lang ang Pack namin ang kakain kundi pati ang mga Blue Moon Pack. Mamayang ika 6 na gabi mag uumpisa ang party. Ang sabi naman nila ay mga ganoong oras din ang dating ng mga Blue Moon Pack. Bago kami nag hiwa hiwalay kagabi nina Tricia, Tin at Paul nag ka ayaan nkami nina Tricia at Tin na mag ayos at mag bihis sa kwarto ni Tricia dito sa Pack house. Kaya hindi ko na kailangan umuwi pa mamaya sa amin.

3 na nang hapon nang matapos kami sa gawain. Si Tricia ay kanina pa nka antay sa salas sa akin kaya agad ko na siya pinuntahan, dala dala ang mga gamit ko. "Tricia, pasensya na at kakatapos lang namin. Si Tin wala pa ba?" Tanong ko sa kanya. "Susunod na lang siya, tara na sa kwarto at maligo ka na doon amoy pawis ka na ahahaha" sabi niya. Pagkatapos ko maligo ay sumunod na rin gumamit nang banyo si Tricia, habang nag aayos ako ay may kumatok sa pinto at binuksan ko na. "O Tin, bat ngayon ka lang, at bihis ka na pala?"
"Oo sabi kasi ni Nanay sa bahay na lang, dito na lang ako mag aayos. Si Tricia?" Tanong niya. "Nasa banyo naliligo." After ng ilang oras ay kanya kanya na kami nag aayos, nakabihis at naglagay ng make up. Simpling kulay asul na bistida lang ang aking suot, at ang kulot kong buhok ay nilugay ko na lang. Mas maganda kasi ang simple lang.

"Tara na sa baba, oras na. Baka biglang dumating ang mga Blue moon pack." Pag - aaya ni Tricia sa amin. 5 na nang hapon na ang lahat ay nasa garden na, mga iilan ay pinuri ang gawa namin ni Tricia sa pag disenyo ng stage, upuan at mga mesa. Lahat ay nag sasaya at nag kukuwentuhan. "Z, Tin, Paul balik muna ako sa loob ha? Gusto kasi ni Nanay sabay sabay kaming apat sa paglabas mamaya." Pamamaalam ni Tricia sa amin. "Sige, kita na lang tayo mamaya." Sagot ni Paul. 6 na nang gabi nang lumabas sina Alpha Tyler, Luna Mara, Tricia at ang bagong magiging pinuno na min na si Alpha Matt. "Magandang Gabi sa inyong lahat." Bati ng Beta ng pack na si Kuya Dylan. "Atin i welcome ang ating mga pinuno, Alpha Tyler, Luna Mara, Tricia at soon to be Alpha Matt." Anunsyo ni Kuya Dylan. Lahat ay nagpalakpakan habang sila ay naglalakad sa gitna. "Napaka gwapo talaga ni Alpha Matt, bagay na bagay sila ni Sofhie." Sabi ng mga babae na nasa likuran namin. "Oo nga, napaka swerte ni Sofhie pag siya ang naging Luna ni Alpha Matt." Banggit ng isa.

Napansin ko naman si Sofhie malapit sa gilid ng stage kasama ang mga kaibigan. Nang nagsi upo na ang lahat, ay umupo din sya sa mesa kung saan naroroon sina Alpha Matt. Umakyat na si Alpha Tyler ng stage para umpisahan na ang pagdiriwang, pero ang Blue Moon Pack ay wala pa rin hanggang ngayon. "Magandang gabi sa inyong lahat." Bati ni Alpha Tyler sa lahat. "Salamat sa inyong pagpunta para ipagdiwang ang kaarawan nang aking anak na si Matt. Ngayon gabi ay ang pagpasa ko sa kanya nang aking posisyon bilang Alpha, at bago niyong pinuno magsimula ngayong gabi." Panimula ni Alpha Tyler para simulan ang seremonyas. "Matt, Anak. Halika dito." Umakyat si Alpha Matt sa stage para samahan ang kanyang Ama at lumuhod ito. "Mula ngayong gabi, ako na si Alpha Tyler Zyrus ay ipinapasa ang posisyon bilang Alpha sa aking anak na si Matthew Zyrus. Bilang bagong pinuno ng Red Stone Pack. Patnubayan ka ng Diyosa ng buwan." Pagkatapos niyon ay tumayo si Alpha Matt at hinarap kaming lahat. Nagliliwanag ang kanyang buong katawan na nanggagaling sa buwan at kulay pula ang kanyang mga mata. Pagkatapos ng ilang segundo ay nawala din iyon. "Ipinapakilala ko sa inyong lahat, ang bagong pinuno na si Alpha Matthew Zyrus ng Red Stone Pack." Lahat kami ay yumuko para magbigay pugay at nagsipalakpakan din. Pagkatapos nun, ay nag ikot ang pamilya nina Alpha Matt sa bawat lamesa habang kumakain ang lahat. Ang bawat mesa kasi ay pamilya ang nakaupo, kaya ang kasama ko sa mesa ay sina Nanay, Tatay at Kuya Zian. "Nay ang sarap talaga ng luto mo." Sabi ni Kuya Zian kay Nanay. "Syempre naman anak. Salamat." Sagot ni Nanay. "Alam niyo ba mga anak? Kaya lalo ako nahulog sa Nanay niyo dahil sa mga luto niya?" Sabi ni Tatay. Natawa kami ni Kuya Zian at inaasar namin sila ni Nanay. Ang saya talaga pag nagkakaroon ng oras ang amin pamilya, napakadalang lang na nabubuo kaming ganito.

Habang kumakain ay lumapit sina Alpha Tyler sa aming mesa. Nag kukuwentuhan sila nang napansin ko si Alpha Matt na nakatitig sa akin, kinilabutan ako bigla sa mga titig niya, at may kakaiba akong nararamdaman na parang may humihila sa akin papunta sa kanya. Hindi ko na masyado na intindihan ang mga sinasabi ni Tricia dahil parang na hypnotize ako ng mga titig ni Alpha Matt. "Z nakikinig ka ba sa akin??" Sabi ni Tricia sa akin na mejo naiinis din. "Ha - hhuuh?? Ano ulit yun?" Hinarap ko na si Tricia at hindi na ulit lumingon kay Alpha Matt. "Sabi ko pagkatapos ay puntahan natin sina Paul at Tin." Sabi ni Tricia at tinignan ang kanyang Kuya at ako. "Oo sige nandito lang naman ako puntahan mo ako pagkatapos." Sagot ko sa kanya.

------
Alpha Matt (POV)

Ngayon na ang aking kaarawan. Nandito ako ngayon sa aking kwarto at naka dungaw sa may bintana. Umaga pa lang ay abala na ang lahat sa pag aayos para sa celebration mamayang gabi. "Pare, umagang umaga umiinom ka nanaman ng alak." Sita sa akin ni Zian, ang malapit kong kaibigan. Tinawanan ko nalang siya. "Handa ka na ba para mamaya? May posibilidad din na makikilala mo na mamaya ang magiging Luna mo, sapalagay mo ay si Sofhie ba?" Tanong niya. "Hindi ko alam." Sagot ko sa kanya. Kahit ako hindi ko alam ang sagot, ayos lang naman si Sofhie sa akin. Ang importante naman sa akin ay ang kapakanan nang aking pack. Mamaya na din ang dating ng mga Blue Moon pack. Ang sabi ni Ama ay ako na daw ang bahala makipag usap sa Lider nila na si Alpha Nathan.

Ika 6 na nang gabi nang lumabas na kami papunta sa garden para sa celebrasyon. Kasama ko ang aking Ina, Ama at babaeng kapatid na si Tricia. Pag kapasa sa akin ni Ama sa kanyan posisyon, ay naramdaman ko ang kakaibang lakas na ipinagkaloob sa akin nang Diyosa ng Buwan. Tumingala ako sa buwan at nagpasalamat, nanghingi ng gabay para gampanan ang aking posisyon. Hindi biro ang maging Alpha ng isang Pack. Nakasalalay lahat sayo, pati ang kaligtasan ng mga nasasakupan mo. Nag iikot kami nang aking pamilya sa  bawat mesa, ang gusto ko na lang ay matapos na agad ito at magpahinga na lang sa aking silid. Habang kausap ko ang aking matalik na kaibigan na si Zian, may naaamoy ako halimuyak ng bulaklak na rosas. Kakaiba ito, Hindi kaya ito nanggagaling sa aking kabiyak? Tinignan ko kaagad si Sofhie pero hindi sa kanya nanggagaling iyon, at bigla napatitig nalang ako sa kapatid ni Zian sa kanya laking gulat ko na sa kanya nanggagaling yun! Pero ang sabi sa akin ni Ama, ang amoy nang magiging kabiyak mo ay matindi pero bakit sa kanya ay hindi man ganoon? Tinitigan ko siya at ganun din siya, titig na titig sa akin. Naramdaman ko ang aking Lobo na si Martin, ramdam niya na hinihila siya papunta sa kanya pero biglang tumalikod si Z para kausapin ang aking kapatid. Siya nga, si Z ang aking mate! Pero hindi maaari! Kapatid siya ni Zian at isa lamang siyang Omega ng pack. Binale wala ko nalang iyon, hindi ko gusto si Z bilang aking Luna. Napagdesisyunan ko na lang na Sofhie ang aking magiging Luna, hindi ko kailangan ng isang mababang uri ang aking magiging kaantabay sa pamumuno. Naramdaman ko ang galit ni Martin sa akin. "Siya ang ating kabiyak Matt! Kahit hindi ko pa maramdaman ang kanyang Lobo, sa amoy pa lang alam ko na siya na! Kaya huwag ka mag padalos dalos sa iyong desisyon, siya ang pinili ng Diyosa ng Buwan para sa iyo!" Galit na sabi ng aking Lobo sa akin. "Huwag mo ko pangunahan kung ano man ang aking magiging desisyon. Ako pa din ang masusunod!" Sagot ko sa kanya at isinara ang aming komunikasyon. Maya maya ay nag si tahimik ang lahat habang pabalik kami ng aking pamilya sa aming mesa. Dining ang mga sasakyan na paparating, nandito na ang mga Blue Moon Pack.

Lumabas kami ni Ama sa Pack house kasama ang iilang warriors namin para sila ay salubungin. Nagsi baba ang mga naka sakay at sabay sabay silang lumapit. Isang matipunong lalaki ang unang nakiusap sa amin siya na siguro ang kanilang pinuno. "Magandang gabi sa inyo, Alpha Tyler at Alpha Matt. Ako po pala si Alpha Nathan, ang pinuno ng Blue Moon Pack." Pagpapakilala niya. "Heto naman ang aking Beta, si Ares." Dagdag niya. "Welcome sa aming Pack at salamat sa Diyos ng buwan dahil maayos kayong nakarating dito." Sabi ni Ama sa kanila, at nakipag kamayan kami. "Pumasok na tayo sa loob at kumain na kayo, hindi pa tapos ang celebrasyon ng aking anak. Bukas na tayo mag usap usap tungkol sa ating mga gawain at para pagkatapos ay makapag pahinga na kayo" Aya ni Ama sa kanila, at bumalik na kami sa likod.


------------
3rd chapter is done. Hope you enjoy it guys! ☺️

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm His MateWhere stories live. Discover now