Chapter 2

60 1 0
                                    

Alas 8 sakto ng gabi nang kaming lahat ay kumakain ng hapunan. Ganito kami lagi dito sa Red stone pack tuwing gabi. Ang gusto kasi ni Alpha Tyler lahat ay nagsasama sama kapag kumakain, tinuturing kasi ni Alpha Tyler ang lahat bilang pamilya. Para sa kanya, ay walang mababa o mataas label, lahat pantay pantay sa kanya. Pagkatapos kumain nang lahat ay nag kanya kanyang kwentuhan na. Nandito din sina Tin at Paul kasama ang kani kanilang pamilya. Kasama ko naman si Nanay at Tatay ngayon, kanina namang  kumakain ay kasama namin si Kuya pero pagkatapos non ay umalis siya para puntahan si Matt.

"Magandang gabi sa inyong lahat!" Bati ni Alpha Tyler sa lahat, yumuko kaming lahat ng kaunti para mag bigay galang at nag si tahimik na din.

"Nais kong i paalam sa inyo na sa darating na Linggo, kasabay nang kaarawan nang aking Anak na si Matt ay magpaparito ang Blue moon pack para makipag sanib pwersa sa atin."

Pagkatapos banggitin ng Alpha iyon, ay may bulung bulungan na naririnig. Nagtataka kung bakit. Ang blue moon kasi ay ang pangalawang pinakamalaking pack ng mga werewolf, nangunguna ang sa amin, ang Red stone pack.

"Mag i stay sila dito ng dalawang linggo para mag sanay. Naka usap ko kahapon ang Alpha nila na si Nathan, nakasagap daw sila nang balita na ang mga rogue ay nag paparami at nag sasanay din. Ang kanila namang Oracle ay gayundin ang pangitain. Anuman oras ay maari nila tayong lusubin. Ang pagsanib pwersa lang nang grupo nila sa atin ay malaking tulong na para matalo natin sila." Dagdag ni Alpha Tyler.

Kinabahan ako bigla. Saan naman nakalap ng mga Moon blue pack ang balita tungkol sa mga rogue? At oracle? Totoo ba ang mga nakikita nilang pangitain o hula? Ang alam ko, matagal nang panahon mula nung nanahimik sila dahil maayos na daw ang pamumuhay nila. Bakit naman sila lulusob kung ganoon? Inaalala ko ang buong pack namin, lalo na ay maraming mga babae at bata dito sa amin.

"Kaya sa araw ng Linggo ay double celebration ang gagawin natin. Lahat ay maghanda at pagdating nila ay salubungin natin sila ng masaya at buong puso. Baka ang iba sa inyo matagpuan pala ang kabiyak nila." Sabi ng Alpha. Agad ako napatingin ka Tin at Paul, nanlaki ang mata ng dalawa at tila sabik na sila sa darating na linggo, umaasa na makikita na nila ang kanilang kabiyak.

"At sa araw na din nang Linggo ang pag pasa ko ng posisyon bilang Alpha sa aking anak na si Matt. Nagkaka edad na din ako at nasa tama na din namang edad si Matt para pamunuan kayo." Sabi ng Alpha sa lahat. Hinarap ni Alpha Tyler ang kanyang anak na si Matt. "Anak sana sa araw na din iyon ay makilala mo na ang iyong kabiyak na siyang makakasama mo habang buhay at magiging kaantabay mo sa iyong pamumuno bilang Luna." Sabi ng Alpha sa kanyang anak. Nagawi ang tingin ko kay Matt na walang reaksyon ang mukha na nakatitig sa kanyang ama, nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa gawi ko. Inalis ko agad ang tingin ko sa kanya at tumingin sa aking tabi at sa likod. Ako ba ang tinitignan niya o mga katabi ko? Hindi na ko tumingin ulit pa sa kanya. Narinig nang lahat si Sofhie na tumili, alam nang lahat na girlfriend siya ni Matt o Alpha Matt na ang itatawag namin. "Anong problema Sofhie?" Tanong ni Luna Mara at asawa ni Alpha Tyler at Ina ni soon to be Alpha Matt. Nakatingin din nang masama sa kanya si Tricia, ang kapatid na babae naman ni Alpha Matt. Ang alam ko ay hindi daw nagkakasundo ang dalawa.

"Wala po Luna, paumanhin po." Sagot ni Sofhie kay Luna Mara. Sa tingin ko ay excited na din siya sa darating na Linggo, ang sabi sabi kasi ay siya daw ang magiging Luna nang pack kahit wala pa sa edad si Alpha Matt ay alam na niya daw na si Sofhie ang kanyang kabiyak. "Yun lamang ang gusto kong malaman ninyo ngayong gabi. Maraming salamat at mag iingat kayo sa inyong pag - uwi." Pamamaalam ni Alpha Tyler sa amin.

Nagsitayuan na kami para umuwi. Pag uwi sa bahay ay pinag uusapan nina Nanay, Tatay at Kuya Zian ang tungkol sa pagdating ng Blue moon pack, at ako naman ay dumiretso na sa aking sariling kwarto para magpahinga.

Kinabukasan, Sabado ay abala ang lahat sa paghahanda para sa araw ng bukas. Si Nanay ay maagang nagpunta sa House pack dahil marami silang kailangang gawin. Si Tatay naman ay maaga din umalis para magpunta ng bukid para mag ani naman ng mga tinanim. Ako ay susunod na lang sa house pack pagkatapos ng mga gawaing bahay.

Pagdating ko sa house pack ay tumulong ako kaagad kina Nanay sa pagluluto. "Aling Eli, maaari ko po ba munang hiramin si Z? Magpapatulong lang po sana kami sa pag aayos sa labas." Biglang pasok ni Tricia, kapatid ni Alpha Matt. "Ay sige po. Anak sige na tulungan mo na muna si Tricia sa pag aayos sa labas." Sabi ni Nanay sa akin. Hindi ako masyado kilala ni Tricia dahil hindi naman siya palabas lagi ng house pack. Kaya pinag tataka ko din ay kilala niya ako. Tumayo na ako at sumunod kay Tricia palabas ng house pack. Sa garden sa likod doon gagawin ang pagdiriwang bukas. "Ano ang maitutulong ko sayo Tricia?" Tanong ko sa kanya. "Tulungan mo nalang ako sa paglalagay ng tela sa mga upuan at mesa, at ang stage aayusan natin mamaya." Sagot niya. "Alam mo, nakikita ko na parang mabuti kang kaibigan." Sabi ni Tricia sa akin. " Haha, bakit mo naman nasabi?" Tanong ko sa kanya. "Napakasimple mo kasi, nakikita ko ang pagkakaibigan ninyo ni Paul at Tin, tunay na tunay. Hindi kagaya nina Sofhie, puro ka plastikan ang alam."

Oo nga pala, malapit na kaibigan ni Tricia si Sofhie. Pero ang napapansin namin ngayon ay hindi na magkasundo ang dalawa. "Matanong ko lang, bakit hindi na ata kayo lagi magkasama ni Sofhie? Hindi ba't siya ang pinaka malapit mong kaibigan?"

"Dati oo, ngayon hindi na. Mula noong nalaman niya na si Kuya Matt na ang magiging Alpha ay lumaki ang ulo. Malaki ang expectation na siya ang magiging Luna. Lumabas ang tunay niyang ugali." Kwento niya habang nag aayos kami ng mga upuan at mesa. "Huwag na natin siya pag kwentuhan, nasisira lang ang araw ko sa babaeng iyon hahaha." Dagdag niya. Nung oras na iyon ay marami pa kaming napagkwentuhan, tungkol sa buhay, mga hilig namin. Nagkasundo din kaming dalawa sa mga iilang bagay at naging malapit kaming mag kaibigan.

7 pm na noong natapos namin ang lahat lahat. Maayos ang disenyo ng stage, ang mga upuan ay nakabalot nang pula at puting tela at nilagyan din namin nang mga pulang rosas ang gitna ng mga mesa. "Salamat sa tulong mo Z, sa wakas natapos din natin ng maganda at maayos." Sabi ni Tricia sa akin. "Walang anuman, handa naman ako tumulong ano man oras." Sagot ko sa kanya. "Tara na sa house pack maya maya ay maghahapunan na, tabi tayo ah, ayain mo na din sina Tin at Paul para makilala ko sila." Aya niya sa akin.

Pagdating sa house pack sakto naman naabutan kong magkasama sina Tin at Paul. "Oh Z, saan ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap. Tara sabay sabay na tayo kumain." Pag aaya ni Tin. "Nag ayos kami sa garden sa likod. Nga pala, Tin, Paul si Tricia nga pala, kapatid ni Alpha Matt. Tricia heto naman si Paul at Tin mga best friends ko" Pagpapakilala ko sa kanilang tatlo. Agad agad naman ay nagkasundo silang tatlo, sabay sabay na din kami kumain. Usap usapan sa house pack ang pagdiriwang bukas, lahat ay excited at sa pagdating ng blue moon pack bukas.





Author's note: 2nd chapter is done. ☺️ Mag uupdate po ako agad, I'll try to finish this story habang naka quarantine po tayo. Hope you enjoy, don't forget to vote. Thanks and keep safe. God bless!

I'm His MateWhere stories live. Discover now