Chapter Title: I'm Just Nobody
Vales' POV
Heto na naman tayo, sa unang araw ng eskwela. Oh oh, exciting ba? Why should it be? Psh, grade 12 student ako mula ngayong araw na 'to. This is also the last year of my life in this school.
Ang problema lang ay... ay... hays. Bakit ba kasi gano'n par? Pang anim na taon ko na sa campus na 'to at wala pa ring nangyayaring maganda sa'kin. Walang matinong tropa, magandang girlfriend, at kung anu ano pang meron ang studyante rito. E dinaig pa ko ng mga grade 7 students!
Napairap ako sa mga naghahalakhakang mga studyante. Siguro ay nasa 8th grade 'tong mga 'to. Pwe, ang saya niyo 'no? No'ng grade 8 ako, di man lang ako gan'yan. Wanna know what my 8th grade year looked like? Psh, 'di na kelangan ng flashback. Oo, hindi na. Dahil kung ano ang sitwasyon ko ngayon, no'ng nakaraang taon, at noong nakaraang nakaraang taon, parehong pareho, par!
Kasalukuyan akong naglalakad galing sa gate, papunta sa building ko, malamang.
Oo na, grade 12 na 'ko lahat lahat at ganito pa rin ang social life ko. Bakit, tanong mo? 'Wag ka mag alala, tanong ko rin 'yan.
"Hoy, par! Ba't nag iisa ka na naman?" masayang tanong ni Ed sa akin.
Si Ed? Si Ed na walang alam kundi mang utak sa akin. Nandito lang siya sa buhay ko para mangurakot! Baon, allowance, homeworks, you name it! Lahat na yata meron sa buhay ko, kinukuha at pinagsasamantalahan niya! Hm, this is the last year, Ed. Eto na.
"Lagi ka talagang tahimik 'no?" Inakbayan niya ako. "Kaya wala kang kaibigan e, haha!" Pinalo pa 'ko nito sa likod.
'Wag, par. Alam mo naman na masakit ka mamalo dahil sa taba ng kamay mo.
"Ganto, bilang last year na natin sa campus. May plano akong napakalupet, par."
'Yan na naman tayo sa plano mo. Kada taon, meron ka niyan at walang nangyayaring maganda!
"This time, par, sisikat na tayo at magkaka-girlfriend na. Hihi." Kinilig pa ito sa sarili nitong mga salita. "So gusto mo ba malaman o hindi?"
'Di pa rin ako sumasagot sa kanya. Ni hindi ko nga siya mapansin dahil mas nagmumuka akong tanga kapag kasama ko siya.
Sabi kasi nila, nerd daw kami. Pwe! No'ng grade 9 lang 'yon, 'di na ngayon!
"T-Teka." Napahinto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Aba, nakaakbay kaya siya sa'kin! "Bakit parang wala si Vales?" Inalis nito ang mabigat na kamay mula sa akin at kinapa-kapa akong parang bulag. "Vales? Vales, nandyan ka pa ba, pare?" Saka ito sumimangot na nag aalala.
"Kung sa tingin mong tatawa ako, maling mali ka." Mahina lang pagsasalita ko. Baka marinig ako at maagaw ko ang atensyon nila, at sabihing, 'Uy, 'yong mga baduy na naman oh'. Yuck! Sinong baduy? No'ng grade 10 lang 'yon!
"Nagsalita ka rin sa wakas! Hays, kawawa naman 'tong kaibigan ko. Ano ba problema, par? Sabihin mo lang sa'kin."
Mariin akong bumulong sa kaniya, "Ikaw ang problema. Ang kabaduyan at katabaan mo. Mas nagmumukang tayong loser nito--"
"Sa taong ito, hindi na tayo magiging loser. Dahil tayo na ang hahabulin."
Ako naman ngayon ang napahinto, gano'n rin siya.
Tinabig ko ang mabigat niyang braso mula sa'kin at saka nilinga-linga ang mga tao. Habang wala pang tumitingin sa amin, bumulong ako, "Ayoko na. Gusto ko na magseryoso. Pwede bang iwanan mo na 'ko?" Muli akong sumilip sa mga studyanteng naglalakad. "Ayoko na ng kabaduyan. Walang nangyayaring maganda sa reputasyon ko, sa atin. Huling taon ko na sa campus kaya hayaan mo na 'ko. Pwede mo na lang ako kausapin sa bahay. Basta huwag mo na 'ko lalapitan."
BINABASA MO ANG
Teka Lang
Teen FictionVales, a senior high school student, looks forward to have a peaceful last school year. But, it looks like it won't come true because of Veronica. Veronica, a weird transferee with mysterious sides, locks onto Vales because of his quiet and 'cool' p...