Chapter 3

57 6 34
                                    

Vales' POV.

Hindi ko alam bakit tumabi sa akin ang babaeng 'to. Hindi ko rin alam kung bakit biglang namatay 'tong katawan ko.

Hoy, katawan. 'Di ba kanina lang ay nangangatog pa ang iyong tuhod bago ang Flag Ceremony? Sumasabog pa nga 'yong puso mo kanina, 'di ba?

Tuluyan na yata akong iniwan ng kaluluwa ko. Nagbibiro lang naman ako kanina sa "RIP sa'yo, Vales," e! Bakit naging totoo?

Ang mata ko ay nasa harapan at nasa teacher pero 'yong utak ko ay parang nalipad.

Ito ba 'yong epekto ng nangyari kanina? Na sa pang anim na taon ko sa campus na 'to, nakakuha ako ng atensyon?

Mukha man akong baliw ngayon, pero ngumingiti nang kusa 'yong mukha ko! Kanina ko pa 'to pinipigilan.

Kanina kasi bago ako pumasok sa room namin ay may walang kwentang tanong na pumasok sa isipan ko. Iyon ay...

Ito na ba ang sign na sa wakas ay magkakaroon ako ng exciting high school life?

Pinigilan ko ang ngiti ko at nilabas lahat ng tawa sa isipan ko. Malaki naman ang capacity ng imagination ko kaya okay lang.

Hahaha!

Ehem! Ayusin mo sarili mo, Vales.

"Hello!"

Bumalik ang diwa ko sa katotohan nang marinig ko ang malakas na boses galing sa harapan.

Yumuko siya bago pa uli magsalita, "Ako si Kiara Yoshida. You can call me from my first name. And yes, as you can tell from my face and surname, I am half foreign. That is because I'm half Japanese."

Oo nga, mukha siyang Japanese. She has bangs and long black hair. At ang ganda niya... sobra.

"May boyfriend ka na ba?"

Woah!

"Wala, 'no!" sagot niya sa tanong ni Ed.

Ang kapal talaga ng pagmumuka nito. Paano niya 'yon naisip isigaw? Baliw!

May ibang tumawa nalang sa nakakahiyang tanong na binitawan ni Ed.

Nagpatuloy pa rin si Kiara sa pagsasalita, "Ako rin ang Council Student ng grade 12 for this year. Kaya kung may mga ideya kayo na sa tingin niyo ay ikagaganda ng batch natin, sabihin niyo lang. I would be glad to hear them."

Nice, marunong rin pala siya mag-Tagalog.

"Hi, Kiara, how did you learn to speak Tagalog?" tanong ni Mrs. Pineda sa kaniya.

Yumuko siya rito bago sumagot, "Dito po ako po ako pinanganak at pinalaki."

"Okay, Ms. Yoshida, you can go back to your seat." Yumuko muli siya ng isang beses bago bumalik sa upuan.

Napaka inosente ng galaw at mata niya. At sa bawat pagyuko niya, matutuwa ka. Haha, cute e. Base sa mga napapanood kong anime, magagalang raw talaga ang Japanese. Kahit dito siya pinalaki sa Pinas, she still has that Japanese respectful behavior.

Bakit parang ngayon ko palang siya nakita? Hindi naman siguro siya transferee dahil siya ang Grade 12 Council Student. Noong nakaraang taon pa nangyari ang botohan.

Baka magkaiba lang kami ng advisor last year. Sa bawat strand kasi ay mayroong tatlong magkakaibang klase. Katulad ngayon, nasa ilalim kami ng 12 ABM - B. Syempre meron ring A at C.

Pero hindi ko pa rin gets. Hindi ko siya matandaan kahit ang ganda-ganda niya!

Palipad na sana ang utak ko nang...

Teka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon